“Ano yan Bessy?” panggugulit ni Fretzie kay Devon habang recess time.
“Di ko pa din alam e. Papel?” natatawang tugon ni Devon na sabay batok naman ni Fretzie.
“Alam mo back to normal ka na nga. Pilosopa. Sulat yan, ano? Kanino galing? Basahin mo na.” pang-uusisa ni Fretzie habang takang taka pa rin si Devon sa hawak na papel.
“Ewan ko nga, inabot lang ni Ivan sa akin kanina.” At unti-unting binubuksan ang papel habang halos mabali naman ang leeg ni Fretzie sa pagsilip. “Bessy, okay lang? Ako muna magcheck? Promise isheshare ko sayo.” Natatawang sabi ni Devon kay Fretzie na halata nang mababali ang leeg sa pagdungaw.
“Ay, sorry naman Bessy. Nacurious lang ako kung bakit ka bibigyan ng sulat ni Man” pagdidepensa naman ni Fretzie at sabay sandal sa upuan niya.
Dear Baby,
Yes it’s me, writing you a letter. Since you don’t have your cellphone and your facebook has been deactivated, Ivan and I planned on doing it the old sweet way. I just want to let you know how much I love you. I’m not waiting for any reply from you, just want to reassure you that I’ll keep my promises to you.
p.s. Throw this after so Mama won’t see this.
Always and Forever,
Your James
Nangingisi’t napapailing si Devon. Di nito lubos maisip na magagawa ni James na magsulat sa kanya pero she find it sweet. Subalit parang naguilty si Devon sa nagaganap. Tama ba na i-entertain niya ang mga liham ni James?
Napansin naman agad ni Fretzie ang mabilis na pag-iiba ng facial expression ni Devon,”Hoy, Bessy! Okay ka lang? Kanina lang para kang nasa heaven nung binabasa mo yan. Kay Ivan ba talaga galing yan?” pangungulit nito.
“Bessy, kay James galing. Di ko lang kasi alam kung tama ba ito. Di ba parang sinusuway ko si mama dito?” gulong tanong nito kay Fretzie.
“Huh? So, okay na sila ni Ivan? Galing ha. Anyway, tungkol kay Tita e Bessy inaalok ka ba ng tanan ni James kaya ka namunroblema ng ganyan? Wala naman akong nakikitang mali sa pagsusulat ni James pero naku wag mong itatago yan tiyak dun ka malilintikan.” Pagpapaliwanag ni Fretzie.
“Gusto ko siyang sagutin. Kaso iyon ang parang maling bagay na magagawa ko. Hayaan ko na siguro. Bessy, pwede bang ikaw na ang magtago nito?” sabay abot ni Devon ng sulat kay Fretzie.
“Oo naman. E kamusta na pala kayo ni James? Di pa tayo nakakapagkwentuhan tungkol dun.” Di na nakapagpigil si Fretzie na magtanong . Kaso parang di sumasang-ayon ang panahon dahil tapos na ang recess at nagsisibalikan na ang mga kaklase nila.
“Sabay tayong maglunch mamaya sa may garden? Kailangan ko na rin ata kasing ilabas ito e baka kung san pa dumaan.” Tinuturo ang puso habang sinasabi ang mga katagang iyon na siya namang nagpangiti kay Fretzie at sumang-ayon ito sa plano ng kaibigan.
Nagpaalam na si Fretzie kay Brett na di ito sasabay maglunch ngayon. Hawak kamay sila ni Devon na pumunta sa garden bitbit ang kanilang mga baon. Nang makahanap ng tahimik na pwesto ay nagsimula na sila sa kanilang agenda.
Kasabay ng bawat subo,“Fretz, sakit palang makipaghiwalay sa boyfriend ano?” panimula ni Devon sa kaibigan.
“Ay, oo! Lalo kung mahal mo.” Mabilis na sagot ni Fretzie sabay tingin na parang nagsosorry ito kay Devon.
“E ayun nga, alam mo namang nahuli kami ni Mama ni James sa hindi magandang sitwasyon. Kinausap niya kami ni James, dito mismo sa garden na ito.” At inilahad ni Devon ang lahat ng naganap sa garden na iyon at si Fretzie naman ay matiim na nakikinig sa kaibigan.
“Hindi naman ako pumayag na di kami magkausap ni James bago namin tapusin ang lahat, kaya pinakaiusapan ko si mama kung maaring kausapin ko si James for the last time. Pumayag siya, Besy. Kaso may kapalit.” Malungkot na pagtatapos ni Devon.
“Ano namang kapalit un?” tanong ni Fretzie.
“Di ko pa pwedeng sabihin Fretzie e. Pasensya na pero nakapag-usap kami ni James ng kinakabihang din iyon. Nagpaalam lang ako ng maayos sa kanya at nangako siya Fretzie na aantayin niya ako. Sa palagay mo ba sa edad nating ito, kakayanin niyang antayin ako?” sabay subo ng huling karne sa baunan si Devon.
“Nangako talaga siya? Sobrang mahal ka talaga nung mokong na iyon. Sa palagay ko Devon, magiging praktikal lang ako ha. Bata pa kasi tayo e, lalo pa wala kayong commitment sa isa’t isa. Hindi sa pinapahina ko ang kalooban mo, pero ayoko rin kasing masaktan ka kung sakaling hindi magkatotoo ang pangakong iyon. Pero nasa sa’yo iyan. Kung ako siguro, ienjoy ko ang buhay at hindi ako mageexpect ng sobra. Kung bumalik siya it will only prove na mahal ka talaga niya at totoo siya sa mga sinasabi niya pero sa ngayon, masyado pang maaga. Have faith na lang.” tuloy tuloy na saad ni Fretzie na parang nalilito rin sa sinasabi.
“Kunsabagay. Pero ako Fretzie, siguro kaya kong magmahal ng isang tao sa buong buhay ko. Pero mahirap ngang magsalita ng tapos. Pero sa ngayon, iyon na siguro ang aalalahanin ko para matupad ko ang pangako ko sa kanya” ngiting salaysay ni Devon kay Fretzie na tapos na rin sa pagkain.
Sweet ng letter <3
ReplyDelete