Friday, May 6, 2011

Trial and Error: V

Chapter 5
“What’s up with you, James? You look hungry.” Patawa-tawang bati ni Ryan nang makitang umupo sa tabi niya si James. Gusto sanang patulan ni James si Ryan pero blanko pa rin ang utak niya sa kaganapan kanina. Nginitian na lamang nito si Ryan at hinablot ang hawak nitong sandwich sabay kagat.

“Whoa! I knew it! Give that back, that’s my favorite sandwich.” Maktol ni Ryan na mukang nagulat at di nasiyahan sa ginawa ng kaibigan. Inabot naman ni James ang sandwich matapos makatatlong kagat at sabing, “What’s so special about that sandwich anyway? It’s like a normal tuna sandwich to me…”

“Well, for you information Mr. Reynolds, I happen to put 3 strands of my precious locks in that sandwich!” pagmamayabang na pagkakasabi ni Ryan na siya namang ikinaduwal ni James, “Yuck! What’s wrong with you?! You’re so weird! Why the hell would you put your hair in that sandwich?! You dummy!” windang na saad ni James sa kausap.

“For your information, James. This sandwich is not meant for me and not even for you. I’m trying this special thing, what’s that called again, ga-yuma? Anyway, I’m supposed to give this to Jenny, you douche! She’s supposed to fall in love with me and now I might have to stay away from you because you ate it. I don’t want you stalking me now. I can’t handle another stalker.” Wika ni Ryan na di mo mawari kung nagbibiro ba o hindi.

“You believe that? That’s stupid, Ryan! No one will like you if you let them eat your hair. That’s just plain gross. And mind you Ryan I won’t be stalking you and ever fall for you because I have a girlfriend. “ at biglang natigilan si James. “Do I still have a girlfriend?” tanong nito sa sarili at biglang tumalikod kay Ryan.

“You’re really weird today, James. But I don’t care about what you just said. If it’s the only way for me to get Jenny’s sweet Yes then I’ll have my hair shaved and let her eat all of. ..Wait! That’s a brilliant idea!” wika ni Ryan na ngayo’y mukang may masamang balak nanamang naformulate sa isipan nyo. Pinabayaan na rin nito si James na ngayo’y naglalakbay nanaman ang isip kung saan.

Samantala, di malaman ni Devon kung san huhugutin ang lakas ng loob na bumalik sa classroom. Halatang seryoso ang ina nito sa mga sinabi kanina. Pero pinakiusapan ni Devon si aling Linda na kung maaari’y makausap niya si James sa huling pagkakataon. Nung una ay di payag ang ina, pero may mabigat na pangakong binitiwan si Devon kaya napapayag ito.

Matagal bago natapos ang araw para kina James at Devon.  Di nasilayan ni James si Devon during lunchtime naisip niyang baka di pa rin tapos mag-usap ang mag-ina pero nang tanungin niya sina Fretzie at Brett ay bumalik naman daw sa klase si Devon after recess pero di ito kumikibo.  Di rin nila namalayan kung saan pumunta si Devon pagkabell for lunchtime.

“Bessy, care to share?” kulbit ni Fretzie sa likuran ni Devon na parang nagmamadaling umuwi baka sabi ng teacher nang, “Class, dismissed!”

“I wish I have the luxury of time to tell you everything pero nag-aantay na si Mama sa labas.  Gustong gusto kong magkwento, Bessy. Pero hindi muna ngayon. James knows every detail baka siya pwede mong maka-usap. I need you Bessy pero kailangan ko nang umuwi. Bye!” at nagmadali nang lumabas ng classroom si Devon na bigat na bigat na sa kaloobang dinadala. Naintindihan naman ni Fretz ang kalagayan ng kaibigan kaya hindi na niya ito pinigilan.

Nakita iyon ni Ivan at agad lumapit kay Fretzie, “What’s wrong with our friend, Fretz? She’s not in her normal self today.” Tanong nito sa huli.

“Naku, Man, it’s very complicated.  Let’s just give our Bessy some time. Malalaman din natin lahat. Let’s just support her right now. Okay?” sabay tapik sa balikat ni Ivan at lumabas na rin ng classroom.

“I don’t like what’s happening right now.  This morning James was acting weird and now Devon. Oh no! no, no, no, no, no! could it be? No!” pakikipagdebate ng isipan ni Ivan.  Hindi lubos maisip ni Ivan na mangyayari kung anuman ang tumatakbo sa utak niya ngayon kay Devon, not her. Kaya dali daling kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Devon.

“Hi, Bes!” bati ni Ivan.

“Ivan, this is not Devon.  She’s not allowed to answer calls nor texts. Bye!” at pinutol ni aling Linda ang usapan.

“What was that? Why?” naguluhang lalo si Ivan and he felt hopeless sa nangyayari sa kaibigan.  Kilala niya si Devon at never pa itong nagrounded sa kahit na anong bagay. Isa lang ang pumasok sa utak niya at iyon ay ang…

“What did you do to Devon? Tell me!” sigaw ni Ivan kay James na papaalis na rin sa campus.

“Do I look like I’m in the mood to talk to you, Smith?” iritableng baling ni James kay Ivan.

“Just answer me, Reynolds! What’s the deal with Devon? There’s something going on and I want to know.” Pangungulit ni Ivan kay James.

“Look, if you really want to know go ask her! I’m so tired today, Smith, and you’re not helping at all.” Papalayo na sana si James ng hablutin ni Ivan ang balikat nito para patigilin.

“Do you think I’ll approach you if I was able to talk to her? Where’s your brain, Reynolds?!” sigaw ni Ivan na siyang nagpapantig ng tenga ni James at nagpakawala ng isang suntok dito. Halatang nasaktan si Ivan at nasapo nito ang natamaang parte ng mukha niya.

“I warned you, Smith! You didn’t listen.” At tumalikod ito nang biglang may nagpaharap sa kanya at tumama ang kamao ni Ivan sa pisngi nito at natumba sya sa lakas ng pagkakatama.  Doon na nagsidatingan ang iba para umawat. Tatayo na si James at aambahan ng isa pang suntok si Ivan nang biglang dumating ang guard at pumagitna.

“Tumigil na kayo! Nasa loob pa kayo ng campus. Sumama kayo sa akin ngayon sa Principal’s office.” Awat ng guard at daling hinawakan ang dalawa at sinamahan patungong principal’s office.

1 comment: