Chapter 48
Excited ang lahat para sa kasalang magaganap. Hindi na mapakale si James at panay ang ayos nito sa suot na suit. Natatawa ni Brett dahil parang batang hindi makuntento sa pagkakaayos ng bowtie niya si James kaya nilapitan niya ito at pinakalma.
Samantalang sa Bride’s room naman ay todo halakhakan ang lahat dahil sa kakwelahan ni Kyra. Kahit hindi siya nakuhang Maid of Honor ay masaya na si Kyra sa pagiging Veil sponsor. Ilang oras na lang at magsisimula na ang seremonyas. Halos di na rin mapakali si Devon, naghahalo ang kaba at excitement niya.
Nagsimula nang magmartsa ang entourage. Hindi naman maalis ang ngiti ni James sa pag-aantay sa pagdating ni Devon nang biglang sinara ang pintuan ng simbahan at nagbago ang tugtog. Ilang segundo pa ay nagbukas muli ang pinto ng simbahan at iniluwa nito ang isang maganda’t morenang babaeng nababalot ng puting wedding gown at hinahangin pa ang belo sa likod. Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng nasa simbahan at hindi na rin mapigilan ni James na dungawin ang nobya. Nang magsimulang maglakad ng dahan-dahan si Devon sa aisle ay di na napigilan ni James ang pagtulo ng kanyang mga luha pero ngiting ngiti pa rin ito. Nang makita naman ni Devon si James na napakagwapo sa kanyang gray suit with bowtie ay nangilid na rin ang luha niya pero hindi niya ito hinayaang bumagsak sa takot na baka maluras ang kanyang eye makeup. Lihim nanaman itong natawa sa sarili dahil inuna pa nitong isipin ang makeup niya.
Nang maihatid na si Devon ng kanyang mga magulang kay James ay agad din namang nagmano si James sa mag-asawang Soriano at tuluyan nang pinagkatiwala si Devon sa binata.
Nagsimula na ang kasal, simple lang ang naging wedding vows nila James at Devon sa isa’t isa. Hawak kamay nilang binasa ito sa isa’t isa.
Ngiting-ngiting binasa ni James ang vow niya kay Devon:
“Devon, I’m so happy to finally be with you today asking God for His blessing on our union. We've been through a lot and I know those trials did not only make us stronger but also wiser. This relationship molded me to be a better man so I will be worthy of you love. It helped me to be patient which paid off as I am now fulfilling my greatest dream. We have used all forms of communications because of our then forbidden love and I must say they’ve helped us a lot and of course our friends too. Thank you for enduring all the pain and giving us a second chance. With all these, I promise to love you unconditionally, be your strength and be forever yours. You've always been my number one choice and will never ever be a second best. I love you, foreveh.”
Maluha-luha naman si Devon sa binitawang salita ng binata damang dama niya ang sinseridad nito. Maging ang kanilang mga bisita na naging saksi sa pinagdaanan ng dalawa ay naiiyak na rin.
Kahit may mga luha ay ubod tamis pa rin ng ngiti ni Devon nang basahin ang kanyang vow:
“James, our love is like an experiment for us. We’ve learned so much from our trial and error and here we are now hitting something that works well for both of us, us being together. I won’t promise you anything that I won’t be able to stand for. I’ll just be the wife you wanted and friend you can always count on. I love you, forever.”
Halos magkanda ngawa ang buong simbahan lalo na nang makita nilang pinupunasan ni James ang sariling luha. Humahagulgol na si Kyra pati na rin si Fretzie lalong lalo na si Aling Linda. Damang dama nila ang tamis ng pagmamahalan ng dalawang kinakasal.
Nang hiranging mag-asawa sina James at Devon ay parang nagmamadali namang iangat ni James ang belo ni Devon na nagpatawa sa mga bisita. Agad agad nang makarinig ng hudyat sa pari ay hinalikan ni James si Devon, Casablanca style na talaga namang nakakalasing na halik ang ibinigay ni James at nagkakantsawan na ang lahat kaya’t binitawan na rin ni James ang mga labi ng kanyang asawa.
“I love you, Mrs. Devon Reynolds.” Titig na titig na wika ni James sa babaeng nasa bisig niya.
“I love you too, Mr. James Reynolds.” At niyakap ni Devon si James ng mahigpit.
Nang nasa reception na sila ay manghang mangha si Devon sa set-up. Mistulang palasyo ang lugar at pakiramdam niya’y Reynang reyna siya at si James namana ng kanyang Hari. Nagkakatuwaan na ang lahat at lumalalim na rin ang gabi. Ang mga malalapit nalang sa kanila ang naiwan at nagsasayawan na ang lahat sa dancefloor. Nang kalabitin si James ni Aling Linda at pumunta sila sa isang sulok ng bulwagan.
“James, ijo, thank you for making my daughter happy on this special day.” Nahihiyang ngiti ni Aling Linda.
“I could give my wife the world, I would, Ma.” Masayang sagot ni James sa ina at niyakap niya ito.
“I would also like to thank you, dahil tinupad mo ang pinangako mo sa akin dati. Thank you din dahil inilihim mo ito sa anak ko. Maraming maraming salamat, anak.” Naiiyak nang wika ni Aling Linda at naalala nito ang insidenteng hindi niya kailanman ay pagsisisihan.
Flashback…
Nang malaman ni Aling Linda na possibleng may ugnayan pa rin ang anak niya at si James base sa kwento ng asawang kauuwi lang galing New Zealand ay ginawa nito ang bagay na sa tingin ay makakabuti sa anak.
“James, I hope this will be the last time that I’ll ever speak with you.” Wika ni Aling Linda kay James na nasa kabilang linya. Nagulat naman si James ng marinig ang pamilyar na boses.
“I know that you and Devon are still together. Please stop, stop giving me a headache. I warned you already you didn’t listen. I could die with heart failure because of your persistent disobedience. Do you want Devon to lose her mother? You don’t have a mother yourself. Do you want Devon to experience that? To experience how hard it is to not have your mother around to support you and guide you. If you really love her, James, set her free. If in time you feel that you really are meant for each other and she still feels the same way to you, then win her back. But please, I’m begging you spare my life with all these worries that I have for my daughter. Do you get me, young man?” wika ni Aling Linda at di naman malaman ni James kung pano matatanggihan ang sinabi ng ginang. Batid niyang may pinanggagalingan si Aling Linda at tama siya, ayaw nga niyang maranasan ni Devon na mawalan ng ina. Ayaw nyang maging selfish at isipin lang ang sariling damdamin.
“I’ll try, Ma’am.” Tipid na sagot ni James sa ina ni Devon.
“Don’t try. Do it. I will be forever grateful to you if you do so. This is for everyone’s sake, James. I just want my daughter to focus on her studies first. You’ll just be a distraction to her. Please, listen to my plea and break up with my daughter. You know that I can do whatever it takes just to keep her away from you. I already did it. So please, if you really love her.” Mariing wika ni Aling Linda. Naguguluhan na talaga si James sa gagawin niya pero kailangan niyang magdesisyon.
“Okay, Ma’am. I’ll break up with her.” Halos bulong na wika ni James.
“Good. Thank you so much, James. You’re doing the right thing.” Wika ni Aling Linda at tinapos na nito ang tawag.
Hindi naman malaman ni James kung sa paanong paraan niya tutuparin ang binitawang pangako sa ina ni Devon. Kaya inunti-unti niya ang lahat. Hindi siya nagparamdam ng halos isang buwan at kinondisyon ang sariling damdamin na hihiwalayan na nito si Devon kaya ganun na lang ang pag-iwas niya sa mga barkada nila ni Devon at sumama sa ibang barkada hanggang sa makilala niya si Rica. Na sa panahon na iyon ay ang tanging pag-asa niya para makalimutan si Devon.
End of flashback…
“Ma, don’t cry. I know that’s how much you love Devon. Let’s just forget about the past and start anew. Thank you for giving us another chance to prove our love for each other and prove ourselves to you.” Pagpapatahan ni James sa biyenan.
“Tears of joy, anak. You really love my daughter. Please don’t ever change.” Wika ni Aling Linda at pinunasan ang luha. Sakto namang paparating si Devon sa dalawa at nagtaka si Devon kung bakit andun sila sa sulok.
“Ma, James, join us on the dancefloor. What are you two doing there?” nangingising wika ni Devon at bigla nitong naisip ang sinabi ni Kyra noon na baka may HD nga ang mama niya kay James pero natawa lang siya sa naisip.
“Mama, was just emotional since you’re going to live with me after this.” Wika ni James habang nakaakbay kay Aling Linda.
“Awwww! Mama, don’t be sad. You can always visit us or we’ll visit you often. Ay teka, bakit ako umeenglish?! Ikaw naman kasi mag-aral ka nang magtagalog.” Sabay hampas nito kay James at napaigik naman sa sakit ang asawa niyang si James.
“Devon, anak, bawas bawas mo yang panghahampas mo. Maawa ka sa asawa mo ang payat payat na nga e.” pagsuway ni Aling Linda sa anak at dali namang hinimas ni Devon ang brasong natamaan kay James.
“It’s okay, Ma. I actually like it when she does that.” At hinatak nito ang kamay na humihimas sa kanya at binigyan ng mabilis na halik ang asawang si Devon. Iyon naman ang naging hudyat ni Aling Linda na iwan ang bagong kasal.
_FIN_
Thank you so much for reading my first ever FF. Nagawa ko lang ito out of kainipan sa mga inaabangan kong JAEVON FFs. lol! Thank you for all your comments which made me work on this FF in a month! Sorry for the all the typos and grammatical errors.
JAEVON rules!!!!!!
-always a gem
waaaaa!!! pak na pak teh...you're such a tear jerker hahahaha
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaa iyak aq ng iyak...na fe-feel q ung momrent nung sinasabi nila ang vows nila sa isat isa...fel na fel q un eh....na iyak aq sa vow ni james!...namen panalo talaga ang FF mo fwnd!...ikaw nah ikaw na ang magaling ikaw na ang love q as in!.....gawa kapa ulit please!....haayyyyyssssssttttttt di aq maka get over teh nuh ba yan ka lurkEy!..na-iiyak na naman aq...nuh bey!......
ReplyDeletekaya pala sinabi ni james dati na nagka sakit papa nya....dahil pala keh Aling Linda tsk.....pwo LOVE conquers all....weeeeeeeeeeeeeeewwww di mo naman aq binalaan agad na gagamit ng tissue pang pahid sa mga luha q... :'))
tel ur nxt FF hah at sana JAEVON parin....god bless!.... :))
ang ganda PAK NA PAK,.,. WAPAK,.,.,. PERFECT,.,.
ReplyDeleteate may bago ka bang ff?
ReplyDeleteate ba't di ko mabasa yung new ff mo na falling slowly pag inopen ko PAGE NOT FOUND ang nakikita ko :(
ReplyDeletesana nga may bago ka na namang JAEVON ff :) ang galing galing mo talaga! UBEER!
ReplyDeletehi bianca! tinanggal ko muna kasi di ako nagandahan. hahaha! pero sige post ko ung 3 chapters tapos sabihan nyo ko kung keri ha. iniisip ko pa kasi kung panong ending ang gagawin ko e. salamat talaga!
ReplyDeletehi klaire! Thanks! Meron actually kasunod. post ko ang first 3 chaps. let me know if you liked it ha? thanks! thanks!
ReplyDeletepanalo mare :)
ReplyDeletemareng jak! thank you so much!
ReplyDeletesa lahat ng nagbasa, magbabasa, hindi natuwa, natuwa at kung anik-anik pa, maraming maraming salamat sa pagtangkilik sa una kong FF.
Thank you so much lalong lalo na sa mga nagcocomment. i love you all. :)