Chapter 23
“Nay, nasan ho si Lenny?” tanong ni Monette sa inang nagdidilig ng halaman sa mansyon ng mga Romualdez.
“Naku, pumunta dun sa mapapangasawa niya.” Wika ni Aling Tinay.
“Ano ho? Tuloy pa rin pala ang planong iyon? Alam mo nay pasalamat talaga ako’t di tayo mayaman. Iyong isa ko rin hong kaibigan sa Maynila, mayaman din, pareho ng kapalaran ni Lenny.” Wika ni Monette.
“Teka! Pocha! Hindi kaya si Ren ang taong pakakasalan ni Lenny? Nak ng bugelyang froglet naman kung nagkataon! Pero hindi impossible mukang galing sa ibang bansa tong si Ren e.” bulong ni Monette sa sarili.
“Nay, ano ho bang pangalan nung mapapangasawa ni Lenny?” tanong muli nito sa ina.
“Ang lagi kong nadidinig sa mag-asawa ay Jay e. Iyon, Jay nga marahil.” Sagot ni Aling Tinay sa anak. “Bakit ka ba naging interesado, e dati rati’y wala ka namang pake sa usaping yan.”huling hirit ni Aling Tinay.
“Ano ho? E ano, syempre nay may isip na ako ngayon tsaka gusto ko lang itanong.” Sagot ni Monette at biglang talikod sa ina.
“Buti nalang hindi Ren ang sinabi ni nanay!” munting tili ni Monette. “Sige Nay, tulungan ko na ho kayo dyan.” Wika ni Monette at sinimulan nang diligan ang kabilang hilira ng mga orchids.
Maya-maya pa’y dumating na ang inaantay ni Monette na si Lenny.
“Dyosa! Galing ka daw sa mapapangasawa mo? Tuloy pa pala iyon?” mabilis na wika ni Monette sa paparating na si Lenny.
“Gaga! Di ko papakasalan iyon ano. Akala niya kasi babae rin ang gusto ko.” At pinanlisikan ng mata si Monette.
“Ano?! Bakit naman niya naisip iyon?” takang tanong ni Monette nang biglang, “Homaygas! Len! Si Jay at Ren ay iisa?!” nanlalaki na ring matang wika ni Monette na nagpatango naman ng bonggang bongga kay Lenny.
“Kaya pala alam niyang maganda ka. Syet! Dyosa, parang awa mo na wag mong pakasalan si Ren.” Bulong ni Monette habang hatak-hatak ang kaibigan papunta sa likod ng mansyon.
“Sira! Hindi naman talaga. Pero pano tayo neto ngayon? Dadaan daw ang pamilya nila mamaya dito sa bahay para maghapunan.” Alalang wika ni Lenny.
“Magpapaalam ako kay nanay, sabihin ko dun muna ako sa mga pinsan ko ngayon gabi. E kung bumalik nalang kaya muna ako sa Maynila?” Natataranta nang wika ni Monette at natampal ni Lenny ang noo ng huli.
“Maynila! E kaya nga tayo umuwi dito dahil aattend tayo ng highschool reunion tapos babalik ka ng Maynila, iiwan mo ako dito? Umayos ka. Gagawa tayo ng paraan.” Pangungumbinsi ni Lenny.
“Pero dyosa, seryosong tanong ha. Kahit kailan ba hindi ka nagkagusto kay Ren? Sa gwapo nun hindi mo natipuhan?” tanong ni Monette kay Lenny.
“Ibang level ka na talaga, Mon! Sa tingin mo, kung gusto ko talaga iyon, magpapainom ba ako nung hindi natuloy ang engagement? Labo mo e. Iyong iyo na si Jay este Ren mo.” Natatawang wika ni Lenny at para namang natanggalan ng tinik sa dibdib si Monette sa narinig mula sa kaibigan.
“Pano ba naging Ren si Jay?” tanong ni Monette kay Lenny.
“Simple, Renald Jacob ang buo niyang pangalan. Ayaw niya ng Jacob kaya Jay. Di ba nakalagay sa nameplate nyo iyon sa trabaho?” takang tanong ni Lenny kay Monette.
“Renald lang ang nakalagay.” Simangot na sagot ni Monette.
waaaaaaaaaaa ganun naman pala!....di gusto ni dyosa c jay!....weeeeeeeeeeewwww kinabahan aq hah......waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa pa sigaw lang
ReplyDelete