Thursday, June 16, 2011

Falling Slowly: Thirteen

Chapter 13
Sa bawat kilos ni Monette ay matamang nakabantay ang mga mata ni Ren. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nainis ang dalaga sa kanya. Pakiramdam tuloy niya’y hindi pa niya talaga ganun kakilala ang dalaga.

Closing na at di pa rin siya kinikibo ni Monette. Inantay niya ito sa locker room pero halatang iniiwasan na siya ng dalaga. Hindi naman mapakali si Ren at hindi niya maintindihan kung bakit ganun nalang ang epekto ng di pagpansin ng dalaga samantalang dati’y halos hindi sila magkibuan nito. Nang mainip si Ren ay lumabas na rin ito.

“Hay salamat wala na. Napakahirap naman nito, Lord! Bakit kasi sa kanya pa ako nagpanggap? Pano na ang pangarap kong maging prinsesa niya kung isang prinsipe din ang tingin niya sa akin? Gaga ka kasi! Ang daming pwedeng excuse.” Inis na pakikipagusap ni Monette sa sarili habang kinukuha ang gamit sa locker. At dali-dali na itong lumabas.

“Monette!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Hinanap naman agad ni Monette san nanggagaling iyon at pagbaling niya’y nakita niya si Ren sa may poste. Isang matinding irap ang itinugon niya dito.

“Hoy, Monette! Kung makairap ka parang babae lang.” paghabol ni Ren dito.

“Tsk! Ano bang gusto mo? Ako napipikon na sa’yo ha. Uupakan na kita dyan.” Matigas na wika ni Monette. Gusto naman matawa ni Ren sa sinabi ng dalaga pero pinigilan nito ang sarili.

“Ito naman. Sorry na. Hindi ko na uulitin.” Pagsusumamo ng binata at nang lumingon si Monette sa kanya’y binigyan niya ito ng kanyang boyish smile.

“Ayun e! Wala na! Buo na ang gabi ko! Napakahirap!” sigaw ng isip ni Monette.

“Sige na, okay na! Umuwi ka na at uuwi na rin ako.” Pagseseryoso ni Monette at binilasan ang lakad. Humabol naman agad ang binata.

“Sabay na tayong umuwi para may makausap naman ako habang naglalakad.” Mabilis na wika ni Ren sa nakatalikod na si Monette.

“Syet! Okay din pala itong drama ko. Biruin mong gusto nanaman akong sabayan. Kaya lang Monette pare ang tingin niyan sayo. Tsk!” naiinis na bulong ng isip ni Monette at napaismid siya.

“Ren, okay na tayo pero gusto ko sanang mapag-isa e.” sagot nito kay Ren na ngayo’y nasa tabi na niyang naglalakad.

“Bakit?” pangungulit ni Ren.

“Kailangan kong mag-isip.” Iritang sagot ni Monette. Di na malaman ni Monette kung ano ang irarason sa binata kahit na gustong gusto sana niyang sumabay dito. Pero pakiramdam niyang konti nalang ay mahahalata na rin ang tunay niyang kulay dahil batid nitong observant nga ang binata.

“May problema ka ba, Monette? Pwede mo kong sabihan. Promise makikinig ako.” Wika ni Ren na hindi rin malaman kung bakit sobrang concern ito sa dalaga.

“May problema kami ng girlfriend ko, okay? Kaya di nakakatulong ang pangungulit mo. Wag muna ngayon Ren. Utang na loob!” at tinapunan nanaman ng malilisik na tingin si Ren na nagulat sa pagkakasabi ng dalaga.

“Okay. Sorry. Di ko alam e. Di na kita sasabayan.” Taas kamay na wika ni Ren at hinayaan nang maglakad si Monette.

“Pocha! Ganun ganun lang. Hindi man lang ako pinilit? Kainis ha. Dyan ka na nga. Bukas nalang uli.” Wika ni Monette sa sarili at binilisan na ang lakad.

Ilang minuto pa’y nakarating na rin si Monette sa boarding house. Nakaaabang naman ngayon si Lenny sa gate na ipinagtataka ni Monette.

“Dyosa, anong ginagawa mo dyan? Si Ate Nelia nanaman ba?” tanong ni Monette kay Lenny at napatingin naman ang huli sa paparating na kaibigan.

“Naku, Mon! Oo e. Napapansin ko ha lately napapadalas ang layas nun sa gabi. Baka mamaya marape iyon sa daan.” Alalang sagot ni Lenny sa kaibigan at bineso si Monette.

“Ikaw naman. Hayaan mo na si Ate Neliang rumampadu. Tsaka malay mo gusto talaga nung marape. Pagbigyan na natin. Tara na’t pumasok na tayo sa loob, nilalamok ang dyosa ko dito.” Sabay akbay ni Monette kay Lenny at sabay na silang pumasok sa boarding house.

“Maganda nga ang girlfriend niya.” Bulong ni Ren sa sarili nang makita ang dalawa. Hindi napansin ni Monette na nakasunod pala sa kanya si Ren at di rin naman lubos maisip ni Ren kung bakit niya sinundan ang dalaga. Iiling-iling na iniwan nito ang lugar at dumiretso nang umuwi.

1 comment:

  1. _ka loka!....natawa lang aq ke ate nelia noh!....naku sana mapanindigan ni mon-mon ang pag-papanggap nya....weeeeeeeeeee lalong nagiging xciting ang mga susunod na kabanata ah.... :))

    ReplyDelete