Chapter 10
“Ulitin mo nga iyong sinabi mo?” titig na wika ni Monette kay Ren. Di naman malaman ni Ren kung pano babaliktarin ang sitwasyon. Pero naging maagap siya.
“Pasensya na. Minsan lang mauulit iyon. Dati kasi akong call center agent at Australian account kasi ang nahawakan ko kaya kinailangan kong pag-aralan iyong accent na iyon.” Wika ni Ren sabay iwas ng mga mata sa dalaga.
“Stir! Parang hindi naman iyon ang totoong istorya. Pero sige hahayaan kita sa munti mong sikreto. Hindi naman ako mapang-urirat na tao. Ayoko din kasing may nangengeelam sa buhay ko. Malapit na tayo sa inyo.” Masiglang wika ni Monette at itinuro pa ang apartment ng binata. Pero kahit kating kati siyang malaman ang totoo ay hindi niya magawang pilitin si Ren dahil batid niyang medyo may pagkareserved ang taong kasama niya ngayon.
“Ang husay ng memorya mo ha. Pero parang hindi ko naman ata tinuro sayo kung san eksakto ang apartment ko.” Baling ni Ren sa namumulang si Monette at pinandilatan pa ang dalaga at ngiting ngiti dito. “May nililihim ka rin sa akin, Monette. Quits na tayo. Pero parang mas madaling mahulaan ang sa’yo” wika ng isipan ni Ren.
“Isa ka pang malisyo. Nagturo lang ako, hindi ko naman alam na tama ang pagkakahula ko. Dali mo ring mapasakay. Kala ko pa naman observant ka.” Wika ni Monette at pinandilatan na rin ng mata ang binata.
“Observant nga. Kaya nahahalata na kita e.” ngising wika ni Ren pero bumawi na ng tingin sa dalaga at diretso nang nakatingin sa nilalakaran.
“Punyemas! Yari na ito! Kasi naman ate ang shunga-shunga mo. Pano na ito?” natataranta na ang utak ni Monette.
“Ano namang nahahalata mo? Iniisip mong may gusto ako sa’yo?!” matapang na wika ni Monette at nakapamewang na tumigil sa paglalakad. “Hoy, Ren kahit sobrang gwapo ka hindi kita type. Pareho tayo ng gusto noh?” bulalas ni Monette. “Sira ka! Bakit iyon ang sinabi mo! Naku babae ka, sana mapanindigan mo yan!” sigaw ng utak ni Monette. Natigilan din naman si Ren sa narinig.
“Tibo ka, Monette?!” biglang baling nito kay Monette at halatang nagkagulatan sila dahil nasapo ni Monette ang dibdib niya sa paglingon ng binata. “Stop acting like you’re worried! You should be thankful! Hinding hindi mahuhulog ang babaeng kaharap mo sa’yo.” Wika ng isipan ni Ren at biglang nagbago ang expression ng muka niya na halatang disappointed ng makitang tumango ang dalaga.
“Ayos pala e. Tropa pala tayo dyan. Kaya pala wala akong nakikitang dumadalaw man lang sayo sa trabaho. May girlfriend ka siguro ano? Baka magalit sa akin iyon ha?” wika ni Ren ng mahanap ang boses niya mula sa pagkagulat.
“Naku! Ano ba naman itong pinasok ko. Pektus ka ng bonggang bongga! Tibo? Bading pa pwede pero Tibo. Nalintikan ka na talaga.” Sabi ng isip ni Monette.
“Ah, oo e. Maganda siya at kasama ko sa boarding house. Pero susme, bakit naman magagalit sa iyo e lalaki ka naman kung babae ka pa siguro.” Pilit na sagot ni Monette. “Yari ka na talaga neto.” Bulong ng utak niya.
“Ahhhh! Pakilala mo sa akin minsan. O pano, dito na ako. Pero sandali ihatid na kita sa dati baka may sumunod nanaman sayo e.” wika ni Ren.
“Pakilala? Mahirap yan. Baka iwan ako nun dahil ang laki ng ikinagwapo mo sa akin. Tsaka wag mo na akong ihatid doon. Kaya ko na ito. Salamat.” Mabilis namang sagot ni Monette.
“Sige na, ihahatid na kita. Hindi naman kabawasan ng pagiging lalaki mo ang paghatid ko sayo sa kanto. Kaya pala alangan kang sumabay sa akin e. Naintindihan ko na ngayon.” Wika ni Ren at hindi na rin tumanggi si Monette sa binata.
waaaaaaaaaaaaaaa kaloka!....nxt chapter na ere!........na e-excite aq frnd!...tawa lang aq ng tawa...nakakawala ng problema ang chapter na itich!...... :))
ReplyDeletewaley parin upd8??????/bakit!..ang sakit-sakit naman!.....nxt nah naman plzzzzzzzzzzzzz maawa ka frnd!....nag nenet aq dahil inaabangan q ang nxt chap nito eh....cge nah naman ilabas mo nah... :'(
ReplyDeleteasan naba ang nxt chap na etich!....ang haba na ng pambibitin mo sa akin frnd huh!......nakuuuuuuuuu....maawa ka naman sa akin...e-labas mo nah please!!!!!!!!!! :'(
ReplyDeleteso sorry, friend. naging soooobrang busy lang talaga sa work.
ReplyDeletenagpost na ako. Try ko uling magsulat sa weekend. Pasensya na talaga. Pero salamat pa rin sa pag-aabang. aylabyusomuch!
sa lahat ng nag-aabang, paumanhin din po. try ko talagang maghanap ng time para mag-update. keep the comments coming. :)