Chapter 6
Nakarating si Monette sa mall at nagsimula nang mag-ikot-ikot. Lahat na ata ng store napasok na niya at walang anu-ano’y naisipan niyang pumasok sa bilihan ng damit para sa lalaki. Nagulat din siya sa sarili pero kinumbinsing iyon na kasi ang di pa niya napapasok.
Habang tumitingin ng polo shirt si Monette ay pumasok nanaman sa isip niya si Ren. “Siguro babagay ito sa kanya. Bagay sa maputi ang blue. Siguro small un, napakapayat kasi e.” bulong nito.
“Excuse me, miss. May stock pa ba kayo nito?” tanong ng binata kay Monette.
“Ahh, sir? Ako po ba ang kausap nyo?” medyo iritadong tanong ni Monette sa binata.
“Yes. Kesa kasi patayu-tayo ka dyan bakit di mo maisipang magtrabaho? Baka isumbong kita sa manager mo.” Pagtataray ng lalaki kay Monette.
“Naku sir, pasensya na ha. Ano ba naman akong klaseng empleyado? Napakawalang modo ko naman. Stock po ba, sir? Sandali po, antayin nyo po ako’t ichecheck ko sa stock room namin. Dyan lang po kayo ha, wag po kayong aalis.” Pagpapatol ni Monette sa maangas ng binata.
“Mabuti pa nga. Ganitong design ha pati size. Pakibilisan ha, may lakad pa ako e.” hirit ng binata.
“Tanga ka! Mag-iintay ka ngayon sa wala” bulalas nito sa isip niya. Tumango at minustrahang antayin siya nito at sumimple itong lumabas ng store.
Tawa ng tawa si Monette habang papalayo sa store. Nilingon niya saglit ang binata at napansin nitong mukang nagtataka na ang lalaki dahil di niya nakikita si Monettte sa loob.
****
Ilang minuto na rin siguro ang nakalipas at naiinip na ang binata sa kakaantay sa bagong stock na hiningi niya sa sales lady kanina. “Excuse me. Nasan na iyong sales lady niyo na kausap ko kanina?” tanong ni Anton sa cashier.
“Sir, sino pong sales lady? Puro po lalaki ang tauhan namin dito.” Pagkukumpirma ng cashier kay Anton.
Namangha si Anton sa nangyari. “Ayos iyong babaeng iyon ah! Naisahan ako.” Wika nito sa sarili. “Ahh, ganun ba? Pwede bang makakuha ng stock nito?” tanong nito sa cashier na takang taka na rin sa naunang sinabi ng binata.
“Sir, sorry po pero last na po yan.” Sagot ng kahero kay Anton na di pa rin makale sa nangyari.
“Talaga naman. Sige, thank you na lang.” tapik nito sa lamesa ng kahero at lugmukang lumabas ng store.
“Pag nakita ko iyong babaeng iyon… talaga naman. Sinira ang araw ko nun ah. Ibang klase talaga!” buwisit na sabi nito sa sarili at pumasok naman sa ibang store.
Biglang nagring ang kanyang telepono, “Hello Babe!” sagot nito sa kabilang linya. “Naghahanap pa ako na isusuot para mamaya. Promise hindi ako malelate, I’ll see you later. Love you.” At tinapos na nito ang tawag. Kailangan niyang kumilos ng mabilis dahil kung hindi malilintikan nanaman siya kay Candice. Bumalik ang inis niya sa babae kanina, “Di ko makakalimutan ang pagmumuka ng babaeng iyon.”
na wendang c anton!...waaaaaaaaaaaaaa super lyk q ang chapter na ere!........
ReplyDelete