Sunday, June 26, 2011

Falling Slowly: Nineteen

Chapter 19
Masiglang tinungo ni Monette ang fast food. Pakiramdam niya ay next level na ang closeness nila ni Ren simula nang makapag-usap sila kagabi.

“Ces, nakita mo ba si Tisoy ngayon?” tanong ni Monette sa nakatokang kahera.

“Hindi nga e. Bihira namang malate iyon. Bakit mo hinahanap? Kayo na siguro ano?” pang-uurirat ng kahera.

“Malisyosa ka. Nagtatanong lang. Pati kung jowa ko iyon bakit sayo ako magtatanong kung asan siya. Di ba dapat alam ko kung jowa ko nga siya? Di nag-iisip.” Inis na wika ni Monette at nagpatuloy na sa trabaho.

“Sana naman hindi nanaman naisipang kidnapin iyon ng mga magulang niya.” Pag-aalala ni Monette.

Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay biglang may pamilyar na binatang bumungad sa pinto ng fast food. Nataranta naman si Monette at pilit nagtago sa gilid ng counter.

“Miss, wag ka nang magtago. Nakita na kita e. Lumabas ka na dyan. Di kita kakagatin.” Wika ni Anton sa nakakubling si Monette. Dahan-dahan namang lumabas si Monette at nakasimangot na hinarap ang binata.

“Kung hinahanap mo si Ren, wala siya dito.” Pagtataray ni Monette kay Anton.

“Aba, may gana ka pang magtaray sa akin. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sa akin.” Mayabang na saad ni Anton sa ngayong nakapamewang na si Monette.

“Wow! Angas mo rin ano? Wala akong kasalanan sayo dahil kagagawan mo iyon. Ngayon kung wala ka nang sasabihin, kailangan ko pang magtrabaho.” Sabay talikod ni Monette at naiwan si Anton na manghang-mangha sa inakto ng dalaga.

Natapos na ang trabaho ni Monette at nililigpit na nito ang gamit. Hindi maiwaksi sa isipan niya ang pagkawala ni Ren nang wala man lang abiso. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ni Monette na kahit sa paglabas sa fast food ay si Ren pa rin ang nasa utak nito.

“Psssst!” napalinga si Monette sa narinig at nakitang ang kinabubwisitang lalaki ang naroon.

“Talagang nag-abala ka pang antayin akong matapos magtrabaho ha?” Pikon na wika ni Monette kay Anton na naglalakad papalapit sa kanya.

“Excuse me. Bumalik lang ako dito. Bakit naman kita aantayin?” sagot ni Anton.

“Ano namang masamang hangin ang nagpabalik sayo dito?” tanong ni Monette.

“Hindi ba pumasok si Ren ngayon? Nakita daw kasi siya ng mga kapitbahay naming umalis kanina. May napag-usapan ba kayo? Alam kong dapat sanay na akong nawawala iyon paminsan-minsan pero iba ang pakiramdam ko ngayon e.” dirediretsong wika ni Anton na ikinabahala naman ni Monette. Pinaalalahan nito ang sariling hindi niya dapat sabihin kay Anton ang napag-usapan nila ni Ren nung kagabi pero pano kung may masama ngang nangyari dito? Baka hindi makaya ng kunsensya niya.

“Hindi siya pumasok e. Baka naman may nilakad lang iyon. Masyado kang mag-aalala, parang jowa lang.” panunukso ni Monette.

“Alam mo ikaw, iba ka e. Babae ang jowa ko at hindi si Ren. La ka naman pala talagang kwentang kausap e. Kaya pala di ka kinaibigan ni Ren.” wika ni Anton sabay tisod nito kay Monette na napatid at napasubsob sa nilalakaran niya. Hindi na napigilan ni Anton ang matawa at napatingin naman si Monette sa kanya nang pagkatalimtalim at biglang bumangon sa pagkakadapa.

“Masaya ka sa ginawa mo ha? Napakababaw pala ng kaligayahan mo e. Tantanan mo na ako ha? Ayoko nang makita ang pagmumuka mo.” Galit na galit na wika ni Monette habang dinuduro ang muka ng binata. Tinalikuran na ni Monette si Anton at iika-ikang lumakad.

“Gago ka, Anton! Babae iyon! Magsorry ka!” sigaw ng kunsensya ni Anton sabay habol nito kay Monette.

“Miss, sorry!” sigaw ni Anton pero lalong binilisan ni Monette ang lakad hanggang sa hindi na siya maabutan ni Anton.

1 comment:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa friend!me upd8 kana pala!....ang gondo ng chap nato...palaban talaga c mon-mon....

    _magbabasa na aq........ :))

    ReplyDelete