Chapter 11
“Ay! Kinuyog ng bubuyog! Ano ba, Monette!” gulat na gulat na wika ni Lenny nang biglang bumulaga sa harap ng pinto ng boarding house ang nakasimangot at sabukot ang buhok na kaibigan. Binigyan naman siya ng tipid na ngiti ni Monette.
“Hinay-hinay sa kape, dyosa. Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa pinto para kang gwardya sibil?” tanong ni Monette at sabay hinawi ang buhok na nakahambalang sa muka niya.
“Si Ate Nelia kasi wala pa. Inaabangan ko e. Pero bakit sambakol ang pagmumuka mo, Mon?” tanong nito sa kaibigan.
“Bago ang lahat, dyosa. Gusto ko nang magsorry sayo ngayon palang. Nakompormiso kasi kita kay Ren.” Ngiwing wika ni Monette sa kaibigan na naguluhan sa sinabi nito.
“Anong kompormiso? Naku parang hindi masaya iyan.” Alalang wika ni Lenny.
“Sorry talaga. Bigla nalang kasing lumabas sa bibig ko e. Kundi ko naagapan malamang nahuli na ako ni Ren na may gusto ako sa kanya.” Pagsasalaysay ni Monette sa kaibigang nag-aantay ng paliwanag.
“Ano ba kasing nangyari? Pati pakiclarify ang kompormiso at kinakabahan ako sa sinasabi mo.” Napapailing na wika ni Lenny.
“Okay. Pero sana okay din lang sayo na papasukin muna ako sa loob. Malamok kasi dito.” Pagmamakaawa ni Monette at natawa naman si Lenny nang isiping hindi pala niya pinapasok ang dalaga at naguusap sila sa may screen ng pinto. Nang makapasok at makaupo sa sofa ang dalawa ay nagsimula nang magkwento si Monette.
“Ano?! Loka ka talaga! Pagdating talaga sa Ren na yan nawawala ka sa tamang pag-iisip. Bakit mo sinabing Tibo ka? Pati ako gagawin mo pang jowa. Alam mo namang kahit gano ka kaganda hindi kita papatulan, Mon.” windang na wika ni Lenny sa kaibigan na ngayon ay napapakamot na lang sa ulo.
“Wala na e. Napasubo na ako. Kesa naman mapahiya ako’t malaman niyang gusto ko siya tapos ipagtabuyan ako. Hayaan mo hindi naman kita ipapakilala sa kanya e. Promise.” Pangungumbinsi ni Monette sa kaibigan.
“Pano mo ngayon malulusutan yan? Tsk! Pano ka magugustuhan nun ngayon kung ang tingin niya sa iyo e one of the boys? Lukaret!” sabay pektus sa kaibigan. Nasapo naman ni Monette ang bumbunang natamaan.
“Hindi ko nga alam. Pakiramdam ko kanina lumagapak ako mula 8th floor gang basement. Pero sorry talaga ha. Pasensya na. Hindi ko na tuloy alam pano ako aakto sa harap niya. Paninindigan ko nalang siguro.” Simangot na wika ni Monette.
“For now, kailangan mo talagang panindigan yan, friend. Tsumempo ka nalang uli para mabawi mo iyong pagsisinungaling mo sa kanya.” Payo ni Lenny.
“Oo nga. Pero alam mo nahihiwagaan na talaga ako sa taong iyon. Parang may tinatago siya na hindi ko talaga mahinuha. Iyon pa naman ang weakness ko parang Sudoku pag-iisipin ka.” wika ni Monette.
Di pa rin makapaniwala si Ren sa naganap kanina at sa nabunyag na lihim ni Monette. Pero naglalaro sa isip ni Ren ang mga mapanlusaw na titig ni Monette sa kanya dati pati na rin ang ilang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa katawan niyang nang magdampi ang balat nila ni Monette. Marahil ay mahusay lang talagang magtago si Monette tulad niya. Kahit gustong iwaksi ni Ren ay hindi niya maiwasang di madisappoint sa nalaman. “Umayos ka. Para kelan mo lang lubusang nakilala iyong babae. Don’t tell me you’re falling for her already? That’s not you Ren!” pagsuway nito sa sarili at inayos na ang unan para matulog.
****
Hapung-hapong napabangon sa kinahihigaan niya si Ren. Wala pa sigurong tatlong oras ang naitulog niya nang dalawin siya ng panaginip. Pilit niyang inaalala ang naganap sa panaginip niya.
Salu-salo.
Maleta.
Susi sa apartment.
Nasapo ni Ren ang noo. Binabalikan nanaman siya ng nakaraan niyang pakiramdam niya’y isang malaking bangungot. “They’ll never win.” Bulong nito sa sarili at pinilit na bumalik sa pagtulog.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa frnd na buhay kana ulit!...naku!naku!...pasenxah nat ginigipit kita sa pag-gawa ng nxt chap...hehehehehehe kasi naman miss q kasi magbasa ng FF...hehehehe.........♥♥♥
ReplyDelete_more power friend!....cge mag concentr8 kana sa wrk :))