Pagod na ang utak ko kakaisip sa trabahong pilit kong tinatapos kahit dis-oras na ng gabi at dalawa nalang kami ni Jaime dito sa opisina. Utusan ko yang si Jaime, kaya kung di pa ako umuuwi, wala rin siyang karapatang umuwi.
Ako nga pala si Devine, teamlead ako ni Jaime. Makasing-edad kami pero mas nauna kasi ako sa kanya sa kompanya. Tahimik na nilalang si Jaime, gwapo yan at madaling matuto. Nakakausap ko lang siya pag may utos ako sa kanya. Bago ako maging teamlead sa team na ito ay pinagsabihan ako ng bestfriend kong dating may hawak sa team na si Mariz. Sabi ni Mariz mahirap daw tantsahin si Jaime pero matalino, iyon nga lang di mautusang bumili ng meryenda para sa team. Natawa ako sa huling sinabi ni Mariz pero tinandaan ko iyon.
Halos lahat sa mga kateam ko nakakabiruan ko maliban kay Jaime hanggang isang beses napadalaw si Mariz sa floor namin at ibinulgar ang sekreto ko sa team habang nagkakape kami sa pantry.
Mariz: Alam nyo bang nanaginip yang si Devine, dinilaan daw ni Jaime ang tenga niya? Hahaha!
Tawanan silang lahat habang hinahampas ko naman ang taklesang si Mariz. Napasulyap ako sa gawi ni Jaime at nakita kong nakikitawa rin siya. Pilit kong binabawi ang sinabi ni Mariz pero huli na ang lahat. Di ko tuloy alam pano pakikiharapan si Jaime matapos iyong ginawa ni Mariz.
Simula noon, naging tampulan ako ng tukso pero wala naman na sa akin iyon. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ko napanaginipan iyon.
Ngayon, hindi na talaga gumagana ang utak ko. Alas-dose na rin ng gabi kaya nilingon ko si Jaime na nakatutok pa rin sa computer niya.
Devine: Hindi ko na kaya. Uwi na?
Parang walang naririnig si Jaime na patuloy pa rin sa ginagawa nang mapansin kong nakasukbit sa magkabilang tenga niya ang headset. Ayun, nakikinig pala ng music niya kaya di niya ako naririnig kaya tumayo na ako’t kinalabit siya. Dahan-dahan niyang inalis ang headset niya at tinignan ako nang nakakunot ang noo.
Jaime: What is it?
Likas na inglesero si Jaime pero marunong namang magtagalog. Laking Australia at pinauwi daw ng ama para makasama niya ang inang nawalay sa kanya ng ilang taon.
Devine: Kanina pa kita kinakausap. Di na gumagana ang utak ko. Pwede ka nang umuwi.
Jaime: Ikaw lang naman inaantay kong matapos. Masyado mo nang pinapagod ang sarili mo.
Iba ang naramdaman ko nung sabihin niya iyon. Concern siya? Mahirap ngang tantsahin ang lalaking ito.
Jaime: Okay, I’m packing up.
Dali-dali na rin akong pumunta sa cube ko para ligpitin ang gamit ko at sabay na kaming lumabas ng building. Nang makapara ako ng taxi nagpaalam na ako sa kanya. Nagulat ako nang maka-andar ang taxi ko ay bigla akong nakatanggap ng text. Si Jaime pala, tinext ang plate number ng taxi ko. Di ko alam kung anong iisipin ko sa text niya, iba na talaga ang umaandar sa utak ko pero nireplyan ko lang siya ng “Thank You”.
Natural busy uli sa trabaho kinabukasan, nilapitan ko si Jaime para tanungin ang progress ng pinapatrabaho ko sa kanya nang maabutan kong nagtetext. Agad naman niya akong pinagtuunan ng pansin nang makita ako sa tabi niya. Saka ko na kita ang wallpaper ng phone niya, babae.
Devine: Girlfriend mo?
Habang nakatingin pa rin ako sa phone niya at napatingin na rin siya sa hawak niyang phone.
Jaime: Oo.
Di ko alam pero parang may kumurot sa puso ko sa pag-oo niya. Pero deadmadella na ako at kinausap ko na siya tungkol sa trabaho niya.
Sumunod na araw, may status meeting kami. Nagkukulitan kami ni Francis, isa sa mga tao ko, kilitian bago magsimula ang meeting. Napansin kong nakatingin si Jaime sa amin at napansin din pala iyon ni Francis.
Francis: Gusto mong magsub sa akin dito, Jaime?
Ngumiti si Jaime habang nakatingin sa aming dalawa ni Francis at ang dalawa pa naming kateam e inaantay din ang sagot ni Jaime.
Jaime: Next time na lang, pag kaming dalawa lang.
Sabay tawa nilang lahat samantalang ako ay nagulat. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon pero alam kong nagbibiro lang siya.
Devine: Deadma ka naman pag tayong dalawa lang.
Ngisi kong sagot sa kanya at tinapik ko na si Francis para umayos na kami’t magsimula na ang meeting.
Lumipas ang ilang mga araw lalo akong naging close sa mga kateam ko. Kahit sa oras ng trabaho ay nagagawa naming magbiruan at magharutan. Nagugulat na nga lang ako’t minsan ay nakikisali na rin si Jaime sa amin. Pero nakakatuwa rin naman kasi kahit siya ay nakikipagbiruan na rin sa akin. Isang beses habang stressed na stressed na ako sa tinatrabaho ko, nilapitan ako ni Diane, isa pa sa mga alaga ko sa team.
Diane: Devine, mamaya inom tayo. Muka ka na kasing stressed baka kailangan mong magunwind.
Tinignan ko si Diane at napansin ko mula sa likod niya si Jaime na halatang inaantay ang sagot.
Devine: Tignan ko ha. Kung matapos ko itong ginagawa ko sasama ako.
Sinimangutan ako ni Diane at bigla namang tayo tong si Jaime at nilapitan ako. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Jaime sa balikat ko at parang minamasahe ako.
Jaime: I’ll help you with that so you could come. Minsan lang magyaya si Diane, wag ka nang tumanggi.
Napapangisi tuloy ako sa ginagawa ni Jaime at napa-oo nalang ako.
Devine: Wag mo na akong tulungan. Hindi mo pa nga tapos iyong isang inuutos ko sayo e. Sasama na.
Jaime: Tapos na po, Ma’am. I just sent you an email awhile ago for your review. Ayan, sasama ka na.
Sabay bitiw ng mga kamay niya sa mga balikat ko at bumalik na siya sa desk niya.
Diane: Haplos lang pala ng pagmamahal ang kailangan mo e.
Tudyo ni Diane sa akin sabay hampas ko sa balakang niya at nagtawanan kami.
Sabay –sabay na kaming nagpunta sa inuman. Nahiya naman ako sa kanila kaya nilibre ko sila ng pulutan. Katsawan naman ang mga loko na umawit daw ako. Hindi naman ako madamot ishare ang talent ko kaya pinagbigyan ko sila. Nung tinawag na ako sa stage hiyawan ang mga sira at bago ako pumunta doon ay napatingin ako kay Jaime at nagthumbs up siya kaya nginitian ko’t pumunta na sa stage.
Habang kumakanta ako ng “Incensitive” nakatingin ako sa lamesa ng mga kateam ko. Sigawan ng sigawan ang mga loko. Pero si Jaime matamang nakatingin lang sa akin at napapansin kong napapangiti siya. Halos tumalon ang puso ko sa mga ngiti niya pero pinaalalahanan ko ang sarili ko bilang alam kong may girlfriend siya. Natapos ang kanta ko at patuloy sa paghiyaw ng “More” ang mga kateam ko pero di ko sila pinansin at sinamahan na sila sa lamesa. Nakarami din kami ng inom kaya naisipan na rin naming umuwi. Nauna na nang nakasakay ang iba sa mga kateam ko at naiwan na lang kami ni Jaime na nag-aabang ng taxi.
Halos isang dipa ang layo namin at nakatanaw lang ako sa daan para makasipat ng taxi nang bigla siyang lumapit. Kinuha niya ang kamay ko, halos manlambot ang mga tuhod ko sa ginawa niya. Napakatagal na ng panahon nang makaramdam ako nang ganung kuryente. Di ko rin naman tinangkang alisin ang kamay sa pagkakahawak niya. Tanga na kung tanga pero gusto ko lang pagbigyan ang sarili ko. Siguro naman friendly holding hands lang iyon kahit na gusto ko sana ay pang next level na. Tinignan ko siya at nagulat ako kasi nakatingin na pala siya sa akin.
Jaime: Ang dami mong nainom ngayong gabi. Next time, don’t go drinking with just anyone, okay?
Pakiramdam ko’y nahalata niya ang malaking question mark sa muka ko at napangisi siya.
Jaime: Concerned citizen.
Sabay turo ng isang kamay niya sa sarili niya at natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko napansin at may isang taxing tumigil sa harap namin. Agad namang binuksan ni Jaime ang pinto para sa akin at pinapasok ako sa loob atsaka niya binitawan ang kamay ko.
Jaime: Ingat at good night.
Devine: Sige, ingat din.
Driver: Akala ko ma’am magkasama kayo.
Devine: Di po.
At sinara na ni Jaime ang pinto ko’t sinabi ko na kay manong kung san ako pupunta. Tulad ng dati, nakatanggap uli ako ng text mula kay Jaime at plate number uli ng taxing sinasakyan ko.
Unti-unti na ata akong nahuhulog sa lalaking ito. Ang masama lang hindi siya magiging akin dahil may girlfriend siya na nabalitaan ko ay long-time girlfriend pa pala niya. Ilang gabi kong pinagmumunihan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang napapadalas na pakikipagkulitan niya sa akin, ang pakikipagholding hands niya sa tuwing magkakasabay kami sa pag-aabang ng sasakyan pauwi, ang mga panaka-nakang pagsulyap niya sa akin habang nagtatrabaho, ang paghawi niya sa buhok ko tuwing matatakpan nito ang parte ng muka ko. Naiinis ako’t binibigyan niya ako ng mga ganong signal gayong alam naman niyang may girlfriend siya pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi hinahayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya.
Minsan nagyaya ako sa mga kateam kong manood ng sine. Walang sinuman ang gustong sumama. Halos magmaktol ako sa kanila pero siguro sanay na sila sa akin na ganun ako. Bahagyang nainis ako sa nangyari kaya binuhos ko nanaman ang frustration ko sa trabaho at di ko namalayan na nagsiuwian nap ala ang lahat kahit si Jaime wala na sa desk niya nung sipatin ko. Napabuntong hininga ako’t niligpit na ang gamit at paglabas ko papuntang elevator nagulat ako’t nakita ko si Jaime na andun at parang inaantay ako.
Jaime: Good, you’re done. Akala ko mag-iintay ako gang midnight.
Sabay ngiti nanaman niya. Tinaasan ko ng isang kilay.
Devine: Sino naman kasing nagsabi sayong antayin mo ko?
Jaime: Di ba manonood tayo ng sine?
Pinilit kong wag palabasin ang galak ko at diretsong muka ko siyang sinagot.
Devine: Nag-aantay ba sila sa baba? O ikaw lang ang sasama sa aking manood? Wala na ata tayong maabutan.
At pinindot ko ang elevator button.
Jaime: Umuwi na kaya silang lahat. Tsaka, wala na talaga tayong aabutan kung magraround trip ka pa sa elevator.
Natatawang wika ni Jaime at naguluhan naman ako sa sinabi niya nang makita ko ang paakyat na ilaw sa elevator. Namali pala ako ng pindot.
Devine: Sorry naman, akala ko down ang napintod ko. Pero seryoso ka, sasamahan mo akong manood ng sine? Ang sweet mo naman.
Biro ko sa kanya at sinundot ko pa ang tagiliran niya. Napa-igik siya sa ginawa ko halatang nakiliti kaya natawa ako. Biglang bumukas ang pinto ng elevator at sinenyasan niya akong pumasok. Walang ibang laman ang elevator kundi kaming dalawa lang. Pinapakiramdaman ko siya pero parang pati siya’y pinapakiramdaman ako. Bigla siyang lumapit sa akin.
Jaime: Maabutan pa natin ang last full show.
Halos bulong niyang wika sa akin. Pero hindi ko siya matignan.
Devine: Ano kamo?
Sabay baling ko sa kanya at halos masubsob ako sa dibdib niya kaya napaatras ako at napatingin sa mga mata niya. Ngumiti naman siya pero ako dala ng kaba ay nagbawi ng tingin.
Jaime: I said, we can still make it to the last full show.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Jaime: Gusto mo pa English.
At natawa siya. Natawa na rin ako. Tumigil ang elevator sa lobby lalabas na sana ako nang pigilan niya ang kamay ko.
Devine: Akala ko ba nagmamadali tayo. Bakit di pa tayo bumaba?
Takang tanong ko sa kanya at tinuro niya ang basement button na nakailaw.
Jaime: I have a car.
Devine: Ay, very good ka dyan.
At hinayaan ko nang magsara ang pinto ng elevator. Narating namin ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaandar na niya ang kotse.
Devine: May kotse ka pala. Bakit ngayon mo lang pinaalam?
Jaime: You never asked.
Devine: Oo nga naman. Hindi kaya magalit ang girlfriend mo at sasamahan mo akong manood ng sine?
Jaime: She doesn’t mind.
Devine: Bait ng girlfriend mo ha.
Jaime: Ikaw. Di ba magagalit ang boyfriend mo kung sasamahan kitang manood ng sine.
Devine: Naku, hindi. Mabait din ang boyfriend ko, imaginary nga lang. Hahaha!
Jaime: Wala kang boyfriend?
Devine: Anong nakakapagtaka don. I’m married to my job kaya impossibleng may magkamali sa akin.
Jaime: You’re such a workaholic and hinahawaan mo ko ng sakit mo. I don’t get to go out with my girlfriend because of you.
Devine: Excuse me! I never said na magpahawa ka. Tsaka, if gusto mo talagang makipagdate sa girlfriend mo, you’ll find ways. Hindi iyong sa akin ka nakikipagdate.
Pagbibiro ko sa kanya. Feeling ko naman sanay na sila sa mga ganitong banat ko kasi tawang tawa siya ngayon e.
Jaime: I agree with you.
Devine: San ka nag-aagree?
Jaime: That we’re on a date.
Napatingin ako sa kanya bigla pero siya’y nakatuon ang pansin sa traffic sa harap namin. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Devine: Umayos ka ha. Mahiya ka sa girlfriend mo.
Hampas ko sa braso niya at batid kong nasaktan siya dahil sa aray niya.
Jaime: I’m just kidding. Akala ko ba nagbibiruan tayo.
Devine: Okay. Mabuti nang malinaw.
Ilang minuto pa at busina ni Jaime sa traffic ay narating namin ang mall kung san kami manonood ng movie. Halos magmadali ako sa paglakad kasi gusto ko ring bumili ng makakain. Siguro napansin iyon ni Jaime.
Jaime: You want to get food first?
Tumango ako at bumili kami ng hotdog sandwich at soda. Tinungo ko ang bilihan ng ticket pero iginaya ako ni Jaime papasok sa movie theater at para niya akong tinutulak gamit ang isang kamay niya sa balikat ko.
Devine: Wala pa tayong ticket! Sira ‘to.
Jaime: No need. No need.
Nang marating namin ang pinto ng movie theater ay iniabot ni Jaime ang ticket namin sa tagabantay. Napatingin ako sa kanya. Alam na siguro niya ang ibig kong sabihin.
Jaime: What? You think I really waited for you at the elevator? I went ahead and bought us tickets at binalikan lang po kita.
Devine: Sneaky.
At nagtawanan kami. Sige na nga, kahit di na kami maging, okay na rin ito. Kahit magkaibigan lang. Habang nagmumuni ako’t naglalakad sa loob ng sinehan ay kinuha niya ang softdrinks ko at inalalayan ako. Nang makaupo kami ay sinimulan ko nang kainin ang hotdog sandwich ko habang trailer pa ang pinapalabas.
Jaime: Gutom lang, ma’am.
Puna ni Jaime sa akin habang nangingisi.
Devine: Oo e. Pasensya na ha.
At mabilis kong sinubo ang huling parte ng hotdog sandwich ko. Biglang kumilos si Jaime at para akong nanigas sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. Tinignan ko siya nang masama.
Jaime: Excuse, lalabas lang ako saglit.
At tumayo siya’t iniurong ko ang mga binti kong nakaharang sa lalakaran niya. Shungak ko talagang isiping may gagawin siya sa akin. Pero siguro kung meron hahayaan ko siya. Pero parang mali. Kung ako siguro ang girlfriend niya syempre ayokong gagawin niya iyon sa iba. Iwinaksi ko sa isip ko ang mga masasamang balak na pwede niyang gawin sa akin na handa kong payagan. Makalipas ang ilang saglit bumalik si Jaime. Nagulat ako kasi may bitbit siyang malaking tub ng popcorn at iniabot sa akin.
Jaime: Kulang sayo ang hotdog. Enjoy.
Bulong niya at saktong nagsimula na ang pelikula. Di ako masyadong makapagconcentrate kaya nginasab ko ang popcorn sa harap ko. Sa isang pagdukot ko nagkasabay kami ni Jaime, agad kong binawi ang kamay ko sa loob ng tub ng popcorn at iniabot kay Jaime ang popcorn. Kinuha naman niya nang walang tanong tanong. Kailangan kong magconcentrate sa pinapanood namin baka pagkatapos magtanong siya at wala akong masabi. Nagegets ko na ang tinatakbo ng story nang biglang magdikit ang braso namin. Hinayaan ko lang kahit halos maihi ako sa kilig. Bigla akong nakaramdam ng antok, marahil dala ng init ng braso niya sa braso ko. Hindi ko na napigilan at napahilig na ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman din siya pumalag at tinignan lang ako’t hinaplos pa ang pisngi ko at inayos pa ang pagkakahilig ko sa balikat niya. Napakakomportable ng pakiramdam ko sa pagitan ng balikat at pisngi niya. Napapikit na ako ng tuluyan.
Isang mahinang tapik sa hita ko ang naramdaman ko at bigla akong napadilat. Credits na ang nasa screen. Agad kong chineck ang pisngi ko baka naglaway ako at napatingin ako kay Jaime na nakangiti naman sa akin.
Jaime: You slept like a baby. Pagod na pagod ka nga siguro. Dapat pala di tayo dito nagpunta e.
Biglang iba ang pumasok sa utak ko. San kami dapat nagpunta? Sa taranta ko iba ang lumabas sa bibig ko.
Devine: Biglang liko?
Halos matampal ko ang bibig ko. Kapehan ang nasa utak ko pero iyon ang lumabas. Natawa si Jaime sa sinabi ko.
Jaime: Hindi iyon ang nasa isip ko pero sana sinabi mo kanina para dun tayo nagpunta.
Devine: Sira-ulo!
Sabay hampas sa kanya.
Jaime: Nakakarami ka na ng hampas ha.
Devine: Ikaw kasi. Teamlead mo ko ha. Wag mo kong ganyanin.
Jaime: So, ikaw lang ang pwedeng pagnasahan ako? Unfair naman ata iyon.
Devine: Adik ka. Halika na.
At tumayo na ako ganun din siya. Nang makalabas kami sa sinehan ay kinwento ni Jaime sa akin ang mga namiss kong kaganapan sa pelikula. Nakakaaliw siyang magkwento, napakadetalyado. Natatawa pa ako kasi with matching sound effects pa ang pagkwento niya. Nabilib nga daw siya sa akin kasi kahit gaano kalakas ng sound effects ng pelikula e tulog na tulog daw ako.
Devine: Humilik ako?
Nahihiya kong tanong sa kanya.
Jaime: Konti. Pero cute. Nakakaawa ka nga e halatang pagod na pagod ka.
Napakacute niya nung sinabi niya iyon sa akin at hinawakan nanaman niya ang isang kamay ko. Naglalakad kaming holding hands ngayon at nakakatuwa siya’t pinasway-sway niya ang mga ito. Hindi ko na napigilang matawa.
Jaime: Why? May kiliti ka ba sa kamay?
Devine: Wala, para kasi tayong bata. Pasway-sway pa.
Pagkasabi ko nito ay lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Gustong gusto ko nang tanungin kong bakit niya ginagawa ito sa akin pero natatakot akong matapos ang lahat. Natatakot ako na baka pagsinagot niya ang tanong ko, madismaya ako at hindi ko na uli maranasan kung pano kiliging muli. Mali. Maling mali. Pero pakiramdam ko tama ang lahat. Narating namin ang kotse niya, pinagbuksan niya uli ako’t pinandar ang kotse. Nagtataka ako’t di niya tinatanong kung san ako nakatira. Kaya nawindang ako’t biglang pumasok sa utak ko iyong biglang liko.
Devine: hoy! San mo ako dadalhin?
Jaime: Iuuwi na kita sa inyo? May gusto ka pa bang daanan?
Devine: Di ko pa naman sinasabi kung san ako nakatira. Don’t tell me alam mo kung san ako nakatira?
Jaime: Ikaw ba hindi mo alam kung san ako nakatira? Ano pa’t may record tayo ng addresses sa repository site natin? Alam ko kung san ka nakatira pero kung may alam kang mas madaling daan, just let me know.
Bakit nga ba di ko naisip iyon? Nagfifeeling ba ako?
Devine: Oo nga naman pala. Pasensya na wala akong alam na ibang daan e.
Narating na namin ang tinutuluyan kong condo. Mukha na rin siyang pagod kaya nilakasan ko ang loob ko’t inalok siyang magkape saglit. Pero tumanggi siya at gusto din naman daw niyang makatulog. Bago ako bumaba ng kotse niya’y tumunog ang cellphone niya at minustrahan akong kailangan daw niyang kausapin ang nasa kabilang linya kaya hinyaan ko na siya’t bumaba na. Marahil iyon ang girlfriend niya’t chinecheck na kung nakauwi na siya. Maswerteng babae.
Gulong-gulo na ako. Alam kong iba na ang nararamdaman ko patungkol kay Jaime pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ako mapakali sa condo ko’t kinakalikot ko lang ang laptop ko nang biglang mag-online si Mariz. Pakiramdam ko ay sasabog na ako any moment kaya chinat ko si Mariz.
Devine: Friend! Help!
Mariz: Jaime?
Devine: Pano mo alam?!
Mariz: Naku, chinichismis ka sa akin ng mga bataan mo.
Devine: Hirap na hirap na ako. Mali kasi e.
Mariz: Ano ba talaga ang score sa inyong dalawa? Kayo na ba?
Devine: Iyon nga ang problema. Hindi ko alam ang nararamdaman niya sa akin. May girlfriend siya.
Mariz: Tungak! Pano iyon? Naku pigilan mo yang nararamdaman mo. Mahirap umasa, friend.
Devine: Gustong gusto kong pigilan. Kaso naman naghoholding hands kami tapos minsan nakikipagnose-to-nose iyon sa akin.
Mariz: Naku! Sikat yang nose-to-nose na yan sa mga alaga mo. Akala nga nila kayo na e. Tanungin mo kaya siya.
Devine: Ewan ko. Natatakot ako e. Sobrang kinikilig ako tuwing ngingitian niya ako, o kaya pagsasabihan niya akong sexy o kaya maganda. Bakit ba kasi hindi ako nagkakaboyfriend?
Mariz: Alam mo ang sagot kung bakit di ka nagkakaboyfriend. Ang buhay mo kasi umiikot sa trabaho. Naku, Devine, mag-ingat ka dyan sa pinapasok mo ha. Mukang playboy yang si Jaime e.
Devine: Alam ko. Pipigilan ko ang sarili ko.
Mariz: Mabuti pa nga bago pa lumala yang pagkahumaling mo sa gwapong tisoy na yan. Pero teka, baka naman may nangyari na sa inyo ha.
Devine: Wala! Ano ka ba? Hindi naman ako ganun. Gang holding hands lang at nose-to-nose.
Mariz: Wag mong isusuko ang bataan dyan. Di ka nakakasigurado.
Devine: Promise. Salamat sa pakikinig ha, este, pagbabasa pala.
Konsintedor na kaibigan si Mariz, alam kasi niya na kahit anong payo pa ang gawin mo sa taong nagmamahal walang magagawa iyon unless ung may issue ang kumilos at gumawa ng paraan. Pano, nanggaling din siya sa ganun. Laging problematic sa boyfriend niya yan at kahit anong payo kong hiwalayan niya wala rin naman siyang ginagawa, ayan, ikakasal na sila next month. Isa pang kinalulungkot ko dahil lahat na ng kabatch ko kundi kasal ay ikakasal. Samantalang ako walang boyfriend at may lumalandi nga sa akin, attached naman. Hay.
Isang beses, nagemail sa akin si Jaime. Nagpapaalam ng tatlong araw na bakasyon. Pinayagan ko naman. Tapos narinig kong nagkukwentuhan sina Rey at Diane sa cube nila na nagpunta pala si Jaime sa Palawan kasama ang girlfriend niya. Nadurog ang puso ko sa narinig ko. Ako lang ba ang ganitong babae? Ako lang ba ang nagtatanga-tangahan at umaasang may mangyayaring iba sa amin?
Gusto kong maiyak sa harap ng laptop ko pero pinipigilan ko ang sarili ko’t nakakahiya sa kung sino mang makakita. Pero ano nga bang pinoproblema ko e halos ako nalang ang nasa floor namin. Biglang tumunog ang cellphone ko.
Jaime’s text: Cheers!
Nagulat ako. Loko-loko talaga ang lalaking ito. Kahit kasama niya ang girlfriend niya nagagawa pa akong itext.
Devine: Naglalasing ka? Ang daya mo di ka nagyayaya.
Jaime: Pano kita yayain e busy ka nanaman dyan sa office? Itatagay nalang kita.
Devine: Pano mo alam?
Jaime: Nararamdaman ko. Feeling ko you’re checking me out at my desk. J
Devine: Mangarap ka ng gising. Mahiya ka sa girlfriend mo.
Jaime: Why? Wala namang masamang itext ang kaibigan.
Doon na lumabas ang mga luha ko. KAIBIGAN. Iyon lang ako sa kanya. Gusto ko siyang murahin at sabihing kaibigan ba ang makipagholding hands sa daan at halos maghalikan! Hindi ko alam kung san ko isusuntok ang nakakumyos kong kamao.
Devine: Hindi naman. O sige na. Enjoy kayo dyan.
Jaime: Tagal ng reply. Akala ko nakatulog ka uli. Hayaan mo, papasalubungan kita. Pahinga ka na.
Gusto ko na talagang ipahinga ang puso ko sayo! Iyon ang gusto kong isagot sa huling text niya pero hindi ko na siya nireplyan. Naubos ang lakas ko kaya hindi ko na tinapos ang gawa ko’t napagpasyahang umuwi na. Kahit sa loob ng taxi ay si Jaime pa rin ang nasa utak ko. Inaantay ko ang text niya para ipaalala sa akin ang plate number ng taxing sakay ako, pero wala.
Pag-uwi ko sa condo ko, naramdaman ko nanaman ang pag-iisa. Naninikip na ang dibdib ko sa lungkot. Kaibigan nga lang talaga ako. Pero naiinis ako sa kanya’t pinapaasa niya ako na higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa akin. Kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan na akong mamulat sa katotohanang hindi kami kahit kailan magiging magboyfriend at maggirlfriend. Nakatulugan ko na ang pag-iyak.
Kinabukasan, nangungulit nanaman ang mga bataan ko maliban kay Jaime na kababalik lang galing sa bakasyon niya. Hindi ko siya kinamusta, inutusan ko lang siyang magtrabaho at sinimangutan pa nga ako. Masyado na ata siyang nasasanay na lagi akong naglalambing.
Diane: Sige na Devine, isang gimik lang tutal andito na si Jaime. Kumpleto na uli tayo. Promise di kami magpapalibre sayo. KKB.
Rey: Tara na Devine.
At hinatak ako ni Rey samantalang si Diane ay sinara na ang laptop ko at niligpit ang gamit ko. Karay-karay naman ni Francis si Jaime palabas. Dumiretso kami sa favorite bar namin. Tumabi ako kay Diane at nakikipagchismisan nang biglang mawala si Jaime sa lamesa namin. Deadmadella nanaman ako. Pero walang naghahanap kay Jaime nang biglang may kumanta’t nagulat kaming lahat dahil ang Jaime nasa stage na’t bumibirit ng “Angel”. Halos malaglag ang puso’t pakiramdam ko’y dinededicate niya ang kanta sa akin na kahit si Diane ay panay ang siko sa akin at ngiting ngiti. Pinipilit ko namang di maapektuhan sa panunukso ng babaeng katabi ko pero sobra talaga ang kilig ko dahil habang umaawit siya pakiramdam ko’y nakatingin siya sa akin. Natapos ang kanta niya’t dali-daling binitawan ang gitara’t iniwan sa stage at tumakbo pabalik sa lamesa naming.
Rey: Angas, pre. Songer ka pala.
Ngumiti lang siya at tumingin sa akin. Akala niya siguro magcocomment ako pero uminom lang ako ng alak at tuloy ang chikahan with Diane.
Francis: Devine, parang di affected sa pag-awit ni Jaime pero kanina halos bumaha na dito sa pagkakakilig niya.
Panunukso ni Francis. Gusto ko sanang matawa pero kailangan kong manindigan na iiwasan ko na si Jaime kaya binato ko ng mani si Francis. Biglang lapit naman si Francis sa akin at nakipagharutan na. Halos mabuga ko ang iniinom ko kay Francis sa kakulitan nito nang bigla natigilan si Francis sa pangungulit at ngumuso sa direksyon kung san nakaupo si Jaime.
Nakatingin lang sa amin si Jaime at bigla akong binulungan ni Diane.
Diane: Lumaser eyes yang si Jaime kanina kay Francis.
Siniko ko lang si Diane pagkabulong niya. E ano ngayon kung lumaser eyes siya? Wala siyang karapatang gawin iyon tulad nang wala akong karapatang magselos sa girlfriend niya. Nalungkot nanaman ako. Natapos ang kulitan at inumang ni hindi ko tinitignan si Jaime kahit na ilang beses niyang pinilit makipagkwentuhan sa akin. Nag-aabang kami sabay sabay ng masasakyan nang makapara si Diane ay agad kong kinuha ang taxi niya’t nagpaumanhin ako kay Diane at nagdahilang kailangan kong mauna. Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko. Kahit papano ay nag-antay pa rin ako ng text galing kay Jaime para ibigay sa akin ang plate number ng taxi ko pero nakarating na ako sa bahay wala akong natanggap.
Nakahiga na ako pero hindi pa rin ako makatulog. Si Jaime pa rin ang nasa utak ko pero kinongratulate ko ang sarili ko sa nagawa kong pag-iwas. Kahit na hirap na hirap ako, nakayanan ko!
Nagpatuloy na ganun ang pakikitungo ko kay Jaime. Maayos naman kami ni Jaime sa trabaho pero wala nang biruan tulad ng dati, lumalabas pa rin kaming magkakateam pero iwas talaga ako kay Jaime. Hanggang isang beses, naghahanda na akong matulog at balak ko talagang magpahinga buong weekend nang magtext siya.
Jaime: Busy ka ba bukas?
Hindi ko alam ang isasagot ko. In fairness, namiss ko ang text niya.
Devine: Hindi.
Jaime: Sunduin kita sa inyo ng mga 10am.
Devine: Anong meron?
Pero nag-antay ako sa wala. Loko talaga iyon, gustong gusto ko na siyang tawagan pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi tamang tawagan ko pa siya. Pinilit ko na ring matulog kahit na binabagabag ako ng huling text ni Jaime.
Napabaliktwas ako sa kinahihigaan ko sa malakas na katok sa pinto. Bumangon ako’t nagmugmog saglit. SIguro iyong maintenance nanaman iyon, baka mamaya sasabihan nanaman akong mawawalan nanaman ng tubig. Di ko na nagawang magsuklay at binuksan ko ang pinto ko’t nagulat ako nang makita ko si Jaime na nakaporma’t ngiting ngiti. Naisara ko ang pinto sa taranta. Kumatok uli siya. Binuksan ko uli.
Jaime: You’re not ready yet?
Napakunot ang noo ko. Akala ko panaginip lang iyong text kagabi. Tinakpan ang bibig ko bago ako magsalita bilang nagmumog lang ako’t kagigising ko lang.
Devine: Akala ko nagbibiro ka. Kagigising ko lang. Sorry.
Jaime: It’s okay. I’ll wait for you then.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Patutuluyin ko ba siya o pag-aantayin sa labas. Mali namang pag-antayin ko siya sa labas kaya pinapasok ko na rin siya. Pinaupo ko siya sa sala at inalok ng maiinom. Nagtitimpla na ako ng juice nang maalala kong wala akong suot na bra! Hala! Baka napansin na niya. Kaya hindi ko pa naabot ang juice niya ay mabilis kong tinakbo ang kwarto ko’t nagsuot ng bra.
Devine: Here’s your juice. Wait for me, I’ll be quick.
Jaime: Don’t worry, I won’t go anywhere.
At mabilis kong tinungo ang kwarto ko’t sinara ang pinto’t naligo’t nag-ayos. Hindi ko na nagawang magpatuyo ng buhok ni magmake-up ay di ko na nagawa. Paglabas ko sa kwarto nakita ko si Jaime na tinitignan ang photo album ko. Gusto ko sanang takbuhin at agawin iyon pero mukang nageenjoy siya sa nakikita niya.
Devine: Let’s go?
Jaime: Ngayon lang kita nakitang walang kamake-up, make-up. Mas bagay sayo ang ganyan.
Devine: Ang aga ng bola ha. San ba tayo pupunta pati naku hindi kaya magalit ang girlfriend mo?
Ibinaba ni Jaime ang photo album at tumayo.
Jaime: Girlfriend ko? Hindi magagalit iyon. Friendly date lang naman ito e. Tsaka, di mo ba ako namiss kasama?
Devine: Hindi! Ambisyoso ka. E kung hindi ako sumama sa’yo ngayon. Kapal nito.
Jaime: Okay lang, edi dito na lang tayo sa inyo.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Loko ‘to, nakitang mag-isa lang ako dito tapos gusto niya dito kami tumambay. Hindi pwede yan.
Devine: Magtigil ka. Lumabas na tayo.
Naisipan ni Jaime na pumunta sa Tagaytay. Doon daw kami maglunch tapos magkwentuhan after. Siguro nga nakikita niya lang ako bilang kaibigan. Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungong Tagaytay. Sinuggest ko sa kanya ang Leslie’s dahil natakam ako sa bulalo nung sabihin niya sa aking sa Tagaytay ang punta namin. Kaswalan lang kami habang kumakain e nagkukwentuhan at pinagtatawanan ang bawat taong makita namin. Magaan talaga ang pakiramdam ko pag kasama ko siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako sumama sa kanya ngayon. Sige na, pinagbigyan ko na ang sarili ko. Di naman siguro masamang kahit minsan pakiligin ko naman ang sarili ko’t maging masaya ako kahit saglit. Wala naman na akong ibang masamang ginagawa, hindi ko naman inaagaw si Jaime sa girlfriend niya. Paulit-ulit kong sinasaksak sa utak ko iyan habang magkasama kaming kumakain.
Ang nakakainis lang kay Jaime e tinatrato niya akong girlfriend. Pinunasan ang labi ko nung makita niyang may dumi dala ng paghigop ko sa sabaw ng bulalo, pinaghainan pa ako ng kanin at ulam sa plato ko, at kung may kailangan ako sa waiter siya ang tatawag sa waiter at magsasabi dito kung ano ang kailangan ko. Okay ang lahat. Para akong nasa isang panaginip. Hanggang magring ang telepono ni Jaime. Agad na napatayo si Jaime sa kinauupuan niya’t sinagot iyon at lumayo. Marahil si girlfriend uli. Nalungkot ako. Pero nilantakan ko nalang ang litid sa sahog ng bulalo. Halos maubos ko na nang bumalik si Jaime sa labas at natatawa siyang pinagmasdan ako.
Jaime: Nakakatuwa ka talagang kasamang kumain.
Binelatan ko siya’t isinubo ang huling pagkain sa plato ko.
Jaime: You wanna have coffee after?
Devine: Choks lang.
Siya ang nagbayad sa kinain namin. Nakikipag-agawan pa ako ng bill nung una pero nakita kong nanlisik ang mga mata niya kaya hinayaan ko na siyang magbayad. Dumiretso kami sa Starbucks at nagpahangin sa labas habang ako’y umiinom ng mainit na kape at siya naman sumisipsip ng kanyang passion fruit frap. Parang baliktad kami. Ang dami naming napag-usapan, kung ano anong topic ang nabuksan namin maliban sa topic na gustong gusto kong ungkatin. Inabot kami ng alas-tres ng hapon sa Starbucks. Nang makita niya akong mahikab ay tinanong niya ako kung gusto ko nang umuwi. Umoo ako kaya tumayo na rin siya’t naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Di pa kami nakakalayo ay kinuha niya ang kamay ko. Ito nanaman ako’t wala nanamang ginawa kundi ang hayaan siya.
Jaime: I had fun.
Devine: Ako rin. Patok tayong dalawa ano?
Jaime: Patok?
Devine: Swak. Ummm, bagay. Mali! Ibig kong sabihin, nagjajive tayo. Iyon.
Natawa siya sa pagkakasabi ko at pati ako’y natawa na rin para pagtakman ang nasabi ko.
Jaime: Yes, we’re bagay. Alam mo yan.
Sabay pisil niya sa kamay ko at napatingin ako sa kanya. Nagkakalakas loob na akong magtanong kung ano kami pero nang bubuka na ang bibig para magtanong para namang naramdaman niya ang gagawin ko.
Jaime: Where do you wanna go next?
Devine: Huh? Akala ko uuwi na tayo?
Jaime: Okay, let’s drink at you house then.
Devine: Ano ka? Hindi pwede, ako lang ang andun.
Jaime: You can invite friends in your house for a drink, right?
Devine: Oo, pero kung tayong dalawa lang hindi pwede.
Jaime: Pwede sa place ko. Dun na lang.
Devine: Hindi. Kung ano man ang nasa isip mo, hindi pwede.
Napakunot noo siya sa sinabi ko. Tama naman ako para sabihin iyon. Pumapayag na akong makipagholding hands sa kanya pati ba naman ang masarili ako sa pamamahay ko at mag-inom dun, papayagan ko? Malabo iyon. Kahit naman puno ako ng pagkakilig sa lalaking ito, kaya ko pang magpigil.
Jaime: Why do I have a feeling that you are avoiding us to be alone in one place? I won’t do anything to you.
Devine: Mahirap na.
Jaime: Ahhh, so, ikaw ang may balak sa akin?
Sabay sundot ni Jaime sa tagiliran ko. Napatingin ako ng masama sa kanya.
Devine: May kakapalan talaga ang muka mo. Di nga pwede. Wag kang makulit.
Jaime: Sige na. Kung ayaw mo nga sa inyo edi sa amin na lang.
At nagpacute pa ang sira. Gustong gusto ko talagang magpigil. Pero di ba may girlfriend siya at kaibigan nga lang ang tingin niya sa akin? Wala naman siguro siyang masamang balak na gawin sa akin. Ayoko na ring makipagdiskusyunan at pumayag na ako.
Narating namin ang apartment niya. Malaki at halatang pangbinata. Pagpasok namin ay binati kami ng isang katulong at inutusan ni Jaime ito na maghanda ng pagkain. Gumaan ang pakiramdam kong malamang hindi lang kaming dalawa ang nasa bahay niya. Malinis ang apartment ni Jaime nang mailibot ko ang mata ko nakita ko larawan ng girlfriend niya sa ibabaw ng decorative table malapit sa hagdan kasama ng iba pang litrato. Marahil pamilya niya iyong iba dun. Pinaupo niya ako sandali sa sala at maya-maya pa’y niyaya na sa hapag para magdinner. Nagiging uneasy na ako sa lagay namin habang kumakain pero nahahalata kong pinipilit ni Jaime na pagaanin ang atmosphere sa pagbibiro niya.
Natapos kaming kumain at nagpaalam siyang magpapalit lang ng damit saglit at pinag-antay uli ako sa sala. Pilit akong naghahanap ng photo album para lang makaganti pero wala. Hindi ko rin matignan ang larawan ng girlfriend niya dahil nagiguilty akong naroroon ako sa bahay ng boyfriend niya. Mabilis ding nakapagpalit si Jaime at ang walanghiya nagsando pa. Kung hindi nga naman talaga nanunukso ang lalaking ito. Dumiretso si Jaime sa kusina at pagbalik niya ay madala na itong bote ng vodka at sprite. Balak ata talaga akong lasingin ng lalaking ito.
Devine: Grabe ka naman. Patutumbahin mo ba ako ngayong gabi?
Jaime: Anong grabe? Malala pa nga mga iniinom mo dito e.
Sinimulan na namin ang session. Walang nagsasalita sa amin, inom lang ng inom habang nakikinig ng sounds. Naupo na kami pareho sa sahig pero nasa gitna namin ang coffee table. Ilang saglit pa habang hawak ko ang baso, tinitigan ako ni Jaime.
Devine: Bakit?
Jaime: Lakas mo talagang uminom ano?
Devine: Naku late bloomer kasi ako sa pag-inom. Nagsimula ata ako nung pangalawang taon ko sa pagtatrabaho. Ikaw?
Jaime: Mali ang sagot mo e. Dapat tatanungin mo ko kung bakit?
At ngumingisi siya pero sinunod ko naman siya.
Devine: Take two, bakit?
Jaime: Kasi may tama ka na sa akin.
Sabay tawa niya ng malakas at aktong makikipag-apir sa akin. Di ko nga inapiran at sinimangutan ko siya.
Devine: Ikaw ang may tama sa akin!
Sabay tawa ko na rin pero nakita ko siyang sumeryoso at parang tumatango. Naguguluhan nanaman ako. Pagsang-ayon ba iyon sa sinabi ko?
Jaime: Alam mo Devine, masaya kang kasama. Hindi ko inakala na pwede ang ganitong relasyon sa magkatrabaho. To think na mas mataas ang posisyon mo sa akin ha. Mahusay kang teamlead. Madali kang pakisamahan.
Naweirduhan ako sa pagiging seryoso ni Jaime habang pinupuri ako. Natawa lang ako sa kanya.
Devine: Hoy, Jaime. Kahit anong pambobola mo hindi ko itataas ang rating mo sa performance. I-earn mo dapat iyon.
Bigla niya akong tinapunan ng seryosong tingin.
Jaime: Seryoso ka sa sinasabi mo? Feeling mo nagpapaimpress ako sayo para makakuha ng mataas na rating?
Devine: Joke lang! Ito naman usapang lasing lang ito. Seryoso ka masyado. Smile.
Tapik ko sa kamay niyang may hawak sa baso. Hindi ko naman sinasadyang napalakas ang tapik ko at natapon sa sando niya ang inumin niya. Hindi siya nagalit bagkus tinanggal niya ang suot niyang sando at walang pakeng inilapag sa sahig. Napanganga ako sa maganda niyang katawan kahit na payat siya.
Jaime: Kung may langaw dito sa bahay ko nakapasok na.
Tawa siya sabay ismid ko naman sa kanya. Saka ako napatingin sa kanilang orasan. Alas-onse na ng gabi! Dali-dali akong tumayo at nagulat siya. Sa sobrang bilis ng pagkilos ko nakaramdam ako ng pagkahilo at napaupo sa sofa nila. Nataranta naman siya’t mabilis akong nilapitan. Halos gadaliri nalang ang layo ng muka ko sa muka niya, ramdam ko ang init ng paghinga niya sa ilong ko. Nanigas nanaman ako sa posisyon na iyon at sinapo niya ang pisngi ko.
Jaime: Nahilo ka?
Malambing na tanong niya. Pakshet! Pano ka naman hindi mahuhumaling sa lalaking ganito kasweet at kagwapo. Tumango nalang ako sa tanong niya at hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinaupo ako ng maayos sa sofa.
Jaime: I think you should stay here for tonight. I have a spare room.
Wala na akong lakas, alam ko iyon, kahit na gusto kong tumanggi hindi ko nagawa. May spare room naman daw siya e. Tsaka, magkaibigan na kami. Okay lang namang makitulog ang kaibigan sa bahay ng kaibigan di ba? Tumango uli ako sa suhestyon niya.
Agad siyang tumayo at pagbalik niya ay may dala siyang baso ng tubig at pinainom ito sa akin. Inalalayan niya ang paginom ko at hinawi ang bangs ko sa aking noo. Nakaramdam nanaman ako ng kilig at pakiramdam ko’y napapabeautiful eyes ako sa ginagawa niya dahil napapangisi siya.
Jaime: Feeling better?
Devine: Konti.
At inalalayan niya akong tumayo.
Jaime: Kaya mo o buhatin kita?
Devine: Di na! Kaya ko na. Nakikihiya sa kasama mo sa bahay baka kung anong isipin. Kaya ko.
Wagas na pagtanggi ko. Iginaya na niya ako paakyat sa spare room na sinasabi niya. Parang laging handa ang kwarto na iyon sa mga bisita dahil ayus na ayus at mabango ang kwarto.
Devine: Sinong natutulog dito?
Jaime: Elaine uses this room whenever she visits.
Aray! Si girlfriend pa pala ang gumagamit ng kwartong ito. May naganap kaya sa kanila sa kwartong ito?
Devine: Nakakahiya naman kung gagamitin ko. Kahit sa sala na lang ako.
Jaime: It’s okay. She seldom comes here, it’s been months actually. You make yourself comfortable, I’ll get some clothes that you can change into and a toothbrush. The washroom is at the hall way 2 doors from here.
At lumabas na siya sa kwarto’t naiwan ako’t naupo sa kama. Tama ba ang ginagawa ko? Wala naman akong gagawing mali. Makikitulog lang ako. Kung hindi lang talaga naparami at napabilis ang inom ko kanina dala ng pagkatense baka pwede pa akong umuwi sa condo, kaso hindi na pagpapanggap ito e. Sadyang di ko na kinaya si pareng alcohol ngayong gabi.
Bitbit na ni Jaime ang mga kailangan ko. Pinasuot sa akin ang jogging pants niya at puting t-shirt. In all fairness, kasya sa akin ang damit niya ganun siya kapayat medyo mahaba nga lang ng konti ang jogging pants niya pero sakto sa bewang. Natatawa ako habang sinusuot iyon sa washroom nang bigla akong makaramdam ng paghahalukay sa tyan ko. Inilabas ko ang nainom ko at nakain ng gabing iyon. Isang katok ang narinig ko sa pinto ng banyo.
Jaime: Are you okay?
Devine: I’m fine. Thank you.
Nanghihina kong sagot at saka ako naghilamos at nagtoothbrush. Medyo hilo pa rin ako nang lumabas sa banyo at isang maagap na kamay ang sumalubong sa akin at inakay ako papunta sa kwarto. Bigla akong nanghina, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko dala ng alcohol na nananalaytay pa rin sa katawan ko kahit naisuka ko ang iba. Nang bumagsak ang katawan ko sa kama ay tila umikot ang paligid at inayos ni Jaime ang unan ko at saka ako binulungan ng “Good night.”
Umaga na marahil dahil naaninag ko ang sikat ng araw. Malambot ang nahigaan kong kama at hinigpitan ko ang yakap ko sa unan na tela may sariling paghinga at medyo matigas. Dali kong iminulat ang mata ko at tumambad sa akin si Jaime! Agad kong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at napatayong bigla paalis sa kama. Anong nangyari? Bakit kami magkatabi? At bakit wala ako sa spare room? Agad kong ginising si Jaime. Galit ako. Galit na galit.
Devine: Hoy! Gumising ka dyan! Bakit tayo magkatabi at bakit wala ako sa spare room mo? Bumangon ka!
Bulyaw ko at dahan-dahang iminulat ni Jaime ang mga mata niya’t pupungas-pungas pa.
Jaime: Good morning to you too. Looks like you’re feeling better.
Devine: Wag mo kong daanin sa pag-english mo ha. Sagutin mo ang mga tanong ko.Bakit tayo magkatabing natulog? May nangyari ba?
Jaime: You don’t remember?
Balik na tanong niya sa akin na may mapanlokong tingin. Halos manlambot ang tuhod ko sa tanong niyang iyon at napaupo ako sa gilid ng kama’t napahagulgol na sa iyak.
Jaime: Why are you crying?
Devine: May nangyari sa atin? Ikaw ang una? Pero wala akong maalala.
Ngawa ko sa kanya at bigla siyang napa-upo mula sa pagkakahiga at hinawakan ang balikat ko.
Jaime: Anong may nangyari sa atin? Devine, walang nangyari sa atin.
Nang marinig ko iyon ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pero may konting panghihinayang. Tanga ko talaga. Pinunasan ko ang mga luha ko ng suot kong t-shirt at hinarap siya.
Devine: Sigurado ka?
Tumango siya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.
Jaime: Nasukahan mo kasi iyong kama mo. Buti at hindi pa ako nakakalabas ng kwarto kaya nilipat kita dito. Hindi naman talaga kita balak tabihan kaya lang para kang batang naiyak at ayaw mong bitawan ang kamay ko kaya tinabihan na kita. Pero wala akong ginawa sayo. Promise.
Namula ako sa hiya. Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko. Wala akong maalala.
Devine: Naku! Sorry nadumihan ko ang kama ng girlfriend mo.
Jaime: Girlfriend? Why would you think that that’s my girlfriend’s bed? Shouldn’t we be sharing a bed since she’s my girlfriend?
Napanganga ako sa sinabi niya.
Devine: Hindi girlfriend si Elaine?
Jaime: No! She’s my sister. My girlfriend hasn’t been here in my apartment. I don’t bring girlfriends in my house.
Aray! Sakit nun. Kasi naman Devine, kaibigan nga lang ang tingin niya sayo.
Devine: E bakit mo ako pinapunta dito?
Di ko na napigilan ang sarili kong itanong sa kanya iyon. Napansin kong napakamot siya ng ulo.
Jaime: I don’t know.
Devine: Seryoso kang hindi mo alam? Ano ba tong nangyayari sa atin?
Jaime: I love hanging out with you. I feel like we can talk about anything under the sun. That’s why I invited you here.
Devine: Alam mo kung ito ang trip mo ng hanging out then leave me out of it. San mo nilagay ang mga damit ko? Uuwi na ako.
Jaime: I thought we’re okay. We’re friends, right? Anong mali sa sinabi ko?
Devine: Walang mali sa sinabi mo. Okay? Ako ang mali dahil mali ang pagkakaintindi ko sa mga pinaggagawa mo.
Mabilis akong kumilos at matapos akong makapagbihis ay diresto akong lumabas ng apartment ni Jaime at umuwi. Inis na inis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong sumpa ang ibinigay sa akin ni Jaime at napapapayag nya ako sa mga gusto niya kahit alam kong walang kasiguraduhan ang lahat. Kahit alam kong sa paningin niya kaibigan lang talaga ako. Naiyak nalang ako sa inis sa lalaking iyon.
Biglang may kumatok sa pinto. Agad kong inayos ang sarili ko. Ano nanaman kaya ang gusto ng lalaking ito at pinuntahan nanaman ako sa bahay ko? Pagbukas ko ng pinto si Mariz pala ang kumatok.
Mariz: Mahal, san ka natulog kagabi?
Mapanlokong tanong ni Mariz at hinatak ko siya papasok ng condo.
Devine: Anong saan ako natulog kagabi?
Mariz: Tigilan mo ko sa maang-maangan portion mo ha. Halos maupod ang knuckles ko kakakatok dito kagabi pero hindi ka sumasagot. Tapos iyang phone mo out of reach. San ka kagabi?
Pinaupo ko si Mariz sa sofa at nagsimula na akong magkwento.
Mariz: Ikaw ha, baka may inililihim ka sa akin. Isinuko mo na ano?
Devine: Gaga ba ako? Nagpapakatanga na nga ako sa kanya tapos isusuko ko pa. Ano siya sinuswerte?
Mariz: E malay ko ba, dala nang kalasingan mo e nakalimot ka. Mabuti nang sure. Ikaw, kinukonsinte kita dyan sa tanga mong pag-ibig pero this time sana naman magising ka na. Ginagamit ka nalang nun e. Malay mo may problema sa girlfriend at ikaw ang ginagawang pampalipas oras.
Devine: Hindi naman siguro.
Mariz: Ipagtatanggol mo pa! Sige, magbulag-bulagan ka. Ang kilig panandalian lang iyan ang tunay na pag-ibig pangmatagalan. Yan ang tandaan mo.
Devine: Teka, sino bang nagsabing mahal ko na si Jaime.
Mariz: Wag mong bilugin ang buwan at bilog na yun. Alam ko kahit hindi mo aminin, hulog na hulog ka na sa bitag ng Jaime na yan. Ganyan ka e, mahilig ka sa mga malihim at nasa loob ang kulong mga lalaki. Kaya wag mo na akong pagsinungalingan pa. Para ano pa’t bestfriend mo ako kung di ko kilala ang totoong Devine.
Devine: Mahal ko na nga siguro. Pero pinipigilan ko naman. Kaya lang anong magagawa ko kung kinikilig talaga ako sa kanya.
Mariz: E wala ngang kasiguraduhan di ba? Sabi nga ni facebook, in a relationship ang kinakikiligan mo. Malamang sa malamang namimis-interpret mo ang lalaking iyon dahil matagal ka nang natigang sa kilig.
Devine: Sakit mong magsalita ha. Pinagbibigyan ko lang naman ang sarili ko. Pero promise, itatry ko na uling iwasan.
Mariz: Iyon kasi ang dapat mong marinig para magising ka. Pati wag kang magpromise, gawin mo.
Dami pang sinabi ni Mariz pero ganun ba talaga kadaling diktahan ang puso? Patigilin sa kung anong nararamdam na parang de baterya lang. Sabi nga ni Mariz, maputol man daw ang dila niya kakapayo, nasa sa akin pa rin ang huling desisyon. Kaya napagdesisyunan kong maging civil kay Jaime.
Reading ready na ako sa plano ko. Mabibilib ka rin naman kay Jaime dahil parang wala na sa kanya iyong naganap nung nakaraang araw. Pero iniiwasan ko na uli siya. Hanggang isang beses nagchichismisan nanaman itong si Rey at Diane at narinig kong wala na daw girlfriend si Jaime. Halos pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko pero agad ko ding sinuway ang sarili ko. Kailangan ko na talagang manindigan. Kung gusto niya talaga ako dapat siya ang gumawa ng paraan.
Nag-uusap naman kami ni Jaime pero never kong inopen ang tungkol sa pakikipaghiwalay niya daw sa girlfriend niya. Kating kati akong magresearch kung totoo bang wala na sila pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Nahihirapan na din ako dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko talaga siya pero naiinis din ako dahil wala talaga siyang ginagawa. Ang mahirap pa nito, since iniiwasan ko siya parang gumaganti naman siya’t iniiwasan din ako. Nalalabuan na talaga ako. Halos gabi-gabi ay siya ang nasa isip ko pero hindi ko alam kung ganun din ba siya sa akin. Hopeless na.
Nagkayayaan ang team na magouting dahil natapos namin ang isa naming project. Naisipan nilang magbeach kami sa Batangas. Nagcommute kami pero wala si Jaime, syempre bilang teamlead tinanong ko sila kung bakit wala si Jaime. Halos sabay sabay silang sumagot nang susunod na lang ito dahil sila daw ang may-ari ng pupuntahan naming resort. Hindi ko iyon inaasahan. Pakiramdam ko tuloy sineset-up ako ng mga kateam ko.
Narating namin ang resort pero wala pa rin akong nasilayang Jaime. Pinatuloy kami ng attendant sa isang bahay at dun daw kami tutuloy. Nag-aayos na kami ng gamit naming ni Diane nang masigawan sina Rey at Francis bilang dumating na daw si Jaime. Gusto ko sanang masilayan siya pero nang yayain ako ni Diane tumanggi ako at hindi naman na niya ako pinilit. Maya-maya pa habang nakasilip ako sa bintanang nakatapat sa dagat may lumapit sa likod ko. Nagtutumambol naman ang puso ko sa kaba kaya hinarap ko ito.
Francis: Maglunch na daw tayo. Maya ka na mag-emote.
Sira talaga tong si Francis. Nahalata ata niya ang disappointment ko nang siya ang makita ko.
Francis: Sorry di ako ang ineexpect mo.
Sabay sundot sa tagiliran ko at naghampasan na kami nang mapansin ang isang pigura sa may pinto ng kwarto namin ni Diane.
Jaime: Maya na ang kulitan. Gutom na kami.
Wika ni Jaime na napakagwapo sa itim niyang sando ang boardshorts. Inakbayan na ako ni Francis at iginaya pababa sa kusina. Kulitan uli hanggang tanghalian pero puro tawa lang ang maririnig kay Jaime. Pagkatapos kumain ay nagkayayaang tumambay sa may dalampasigan. Nagpalit na kami ni Diane ng panligo para ready kami. Simple lang ang suot kong bathing suit at pinatungan ko ng dress. Naglaro kami ng baraha sa isang cottage at naging masaya naman ang laro namin. Hindi na rin ako masyadong nagpaapekto sa presensya ni Jaime. Kailangan ko ring magenjoy. Matapos kaming maglaro ay lumangoy na kami sa dagat. Alam kong nakatingin sa akin si Jaime at nang umahon ako’t umupo sa cottage habang siya ay nandun hindi niya siguro napigilan ang sarili niya.
Jaime: Sexy
Devine: Anong sabi mo?
Jaime: Nothing.
Devine: Akala ko pa naman sinabihan mo akong sexy.
Jaime: Narinig mo pala e.
Devine: Baka kasi mali ang narinig ko sa sobrang hina ng pagkakasabi mo. Bakit di ka naliligo?
Jaime: Di ka nagyayaya e.
Devine: Maligo ka na. Ako nang magbabantay dito.
Jaime: Sigurado ka?
At ang walanghiya, tumayo nga’t pupunta na sa dagat. Akala ko pa naman hihindi siya’t sasamahan ako sa cottage. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito. Hindi ko na talaga siya matantsa. Kumuha nalang ako ng chichirya at kinain ito. Maya-maya pa’y dumating si Rey.
Rey: Ngasab ka nanaman ng ngasab. Buti hindi ka tumataba sa pagkain mo. Kaya tuwang tuwa sayo si Jaime e.
Devine: E bakit sumingit si Jaime sa usapan?
Rey: Masama ba? Alam naman naming may something sa inyo e.
Devine: Walang something. Hindi pwede.
Rey: Bakit hindi pwede? Wala naman na siyang girlfriend. Choosy ka ate?
Devine: Loko ka talaga. Hindi pwede dahil wala naman talaga dahil walang nagaganap. Hindi nga ako pinapansin.
Rey: Iyon! Apektado ka sa ginagawa niya. Okay lang yan, Devine. Hayaan mo na muna siguro kasi kakahiwalay lang sa girlfriend e. Malay mo di maglaon, kumilos din siya.
Devine: Magtigil ka na Rey. Ibang topic nalang.
Rey: Okay. Nagdala kami ng alak. Inom tayo mamayang gabi ha?
Devine: Normalan na talaga sa inyong kasama sa agenda ang lasingan.
Rey: Oo at normalan din sayong sumali. Kaya nga favorite ka naming teamlead e.
Sakto pagkasabi ni Rey nun ay nagsidatingan na sila. Para naman akong mother hen at pinakain sila.
Natapos ang hapon at nasa bahay na uli kami’t kumakain ng hapunan. Pagkatapos na pagkatapos ay nagkayayaan nang maginuman at magvideoke sa sala. Masaya ang session namin. Lahat kami umawit. Inabutan ako ni Francis ng tagay nang harangin ni Jaime.
Devine: Uy, akin yan.
Jaime: You’re done. This is mine.
Devine: Ang damot mo.
Jaime: Nakadami ka na. Hindi mo na nga maalis ang tingin mo sa akin.
Devine: Kapal talaga. Hindi ako sayo nakatingin sa ornament sa likod mo.
Jaime: Wag nyo nang tagayan si Devine. Kung anu ano na ang nakikita.
Sumimangot ako at nakita kong nag-bubulungan sina Diane at Francis.
Francis: Sige last na tagay na yan. Magstar gazing tayo sa labas.
Lahat sila sumangayon pero parang nawalan na ako ng gana. Matapos ang round nila, nakahalukipkip nalang ako’t nag-aantay na may kumilos. Lalapit n asana si Diane sa akin para yakagin ako papunta sa labas nang kumilos si Jaime at hiningi ang kamay ko. Tatanggi sana ako kaso kinuha na niya ang kamay ko at lumabas na kami sa may dalampasigan. Naglatag sila Diane ng mahihigaan namin. Pumwesto ako sa tabi ni Diane. Nagkukwentuhan kami habang nagiistar-gazing nang biglang nagexcuse isa-isa sina Francis, sumunod si Rey at huli si Diane. Nakahalata na ako kasi dalawa nalang kami ni Jaime na natira. Maya-maya’y umupo sa may tabi ko si Jaime at tinignan ako.
Jaime: Masarap na hindi puro trabaho ang iniintindi ano?
Devine: Oo din. Pero pag nasa sistema mo na kasi kahit ayaw mong isipin, maiisip mo e.
Jaime: Nakakabilib ka sa dedication mo sa work. Ganyan ka din ba sa mga naging boyfriend mo?
Devine: Ayos sa segway ah. Hindi. Sorry.
Jaime: Hindi halata. Maalaga ka kasi e.
Napabangon ako sa sinabi niya at naupo na rin.
Devine: Bakit mo sinasabi iyan?
Jaime: Naoobserbahan ko lang.
Devine: Napakapormal mo lang sabihin yan sa akin ano?
At hinawakan niya ang baba ko’t pinaharap sa kanya. Nang makita ko ang brown eyes niya para akong nahypnotize. Inilapit niya ang muka niya sa muka ko at hinalikan niya ako. Hindi ako nakapag-pigil. Sumanib nanaman si tanga sa akin. Ninamnam ko ang tamis ng mga halik niya. Tagal kong hindi naranasan ito at ang tagal kong inantay ito. Hanggang sa maramdaman ko ang mga luha ko. Bumitiw ako sa pagkakahalik niya at tinitigan siya sa mata.
Devine: Ano ba ako sayo?
Jaime: Hindi ko alam. Hindi ko pa alam.
Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya pero hinalikan niya uli ako. Umiiyak ako habang hinahalikan niya ako. Alam kong dapat magalit ako sa kanya pero parang pinapakalma ako ng mga halik niya. Naiinis ako sa sarili kong pinapayagan ko siyang ganituhin ako. Kaya mahina ko siyang tinulak.
Devine: Bumalik na tayo sa bahay.
Hindi naman siya tumanggi at kinuha uli ang kamay ko’t hawak kamay kaming bumalik sa bahay. Kinatok ko ang kwarto namin ni Diane pero nakalock ito. Kaya sabi ni Jaime sa kwarto nalang niya ako matulog at sa sala na daw siya hihiga. Pumayag na din ako at ayoko nang makipagdiskusyunan pa sa kanya tutal wala naman ako sa kanya e. Nakapwesto na si Jaime sa sala at ako’y paikot-ikot sa kama nang maisipan kong lumabas saglit. Naiiyak ako sa nangyayari sa sarili ko. Naawa ako’t kailangan kong gawin ito sa sarili ko. Bigla namang lumabas si Francis at nagulat ako.
Francis: Sorry, nagulat kita. Okay ka lang ba?
Devine: Muka ba akong okay.
Francis: Sandali, kuha ako ng maiinom natin.
Mabilis din namang bumalik si Francis dala ang dalawang bote ng beer. Magbanlaw daw kami sa cottage kaya tinungo naming ang cottage.
Francis: Nagiguilty ako Devine kasi iniwan namin kayo kanina dito.
Naiyak na ako sa sinabi niya. Alam ko namang mabuti ang hangarin ng mga ito pero anong magagawa ko kung para kay Jaime e wala lang ako. Hinimas ni Francis ang likod ko at hinayaan akong umiyak.
Francis: Iinom mo nalang yan.
Nagcheers pa kami bago kaming sabay uminom at pinunasan ko na din ang luha ko. Kinwento ko sa kanya ang sinabi ni Jaime sa akin kanina at nakikinig lang siya.
Francis: Siguro Devine, kaya nya nasabi iyon kasi hindi pa talaga siya handa. Kakabreak niya lang sa girlfriend niya.
Devine: Iniintindi ko iyon, Francis. Pero kailangan bang paasahin niya ako.
Francis: Bilang lalaki ganun siguro talaga. Para alam mong may pag-asa nga. Tsaka , ikaw na mismo ang nagsabing hindi mo siya matanggihan.
Devine: Uy, wag kang mag-isip ng kung ano dyan ha. Walang nangyari sa amin.
Francis: Ma’am, alam ko naman poi yon.
Devine: Nakakalungkot lang talagang minsan para lang akong doormat sa paningin niya. Pagpagan ba ng dalahin niya.
Francis: Wag mong sabihin yan. Napakaganda mo namang doormat. Feeling ko may gusto sayo iyon. Antayin mo nalang sigurong kumilos siya.
Devine: Pano kung Manawa ako sa pag-aantay?
Francis: Hindi mo magagang Manawa. Mahal mo na rin siya e.
Natahimik ako sa sinabi ni Francis at naistraight ko ang bote ng beer. Hindi ako pinigilan ni Francis at hinayaan lang ako.
Francis: Sabihan mo lang ako kung gusto mo nang bumalik tayo sa loob.
Devine: Iwan mo na muna siguro ako dito.
Hindi na nakipagtalo si Francis at iniwan na din ako sa cottage. Tinamaan ako nang husto sa isang boteng nainom ko at naidantay ko ang ulo ko sa gilid ng cottage. Naiiyak nanaman ako. Yumugyog na ng husto ang mga balikat ko at hinayaan ko nang lumabas ang lahat ng sama ng loob ko. Marahil pagkatapos nito wala na akong mararamdaman. Please sana gawin nyo nalang manhid ang puso ko.
Jaime: Devine?
Nang marinig ako ang boses niya ay agad kong pinunasan ang mga mata ko at tumingin sa malayo.
Jaime: Matulog ka na. Lalamukin ka dito.
Devine: Ayos lang ako. Salamat.
Jaime: Gusto mo bang samahan kita dyan?
Devine: Wag na. Gusto ko kasing mapag-isa.
Pero parang wala siyang narinig at nilapitan pa rin ako.
Devine: Wag mo kong tignan.
Hindi ko alam kung sinunod niya ang utos ko pero inakbayan niya ako at ipinilig ang ulo ko sa balikat niya. Pilit kong inaalis ang ulo ko pero pinipigilan iyon ng isa niyang kamay.
Devine: Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?
Naiyak nanaman ako nang sabihan ito.
Jaime: Because I care for you.
Devine: Di ko kailangan ng care mo. Pagod na ako, Jaime. Pakiramdam ko ako lagi ang talo sa laro nating ito.
Jaime: This isn’t a game, Devine.
Devine: Pero mukang pinaglalaruan mo ang damdamin ko. Iyon ang nararamdaman ko.
Jaime: Gusto kita pero hindi ko alam kung tama bang sunggaban kita kahit alam kong magiging unfair sayo dahil Devine kakabreak ko lang sa girlfriend ko. Hindi ko alam baka vulnerable pa ako at masaktan lang kita.
Napaupo ako ng direst sa sinabi niya.
Devine: Pwes, tigilan mo na ito. Tigilan mo ang pagiging sweet mo sa akin! Tigilan mo ang pagkecare mo sa akin. Gusto ko ding mamuhay ng normal at di umasang may tayo. Wag mo naman akong gawing tanga.
Kinuha naman niya ang isang kamay ko na pilit kong inaalis sa pagkakahawak niya pero sadyang hinigpitan niya ito.
Jaime: I don’t want to make promises with you yet. Please give me some time to fix myself.
Devine: Pwes, bigyan mo rin ako ng time to fix my life. Tapusin na natin ito kung ano man ito.
Jaime: Okay.
Okay?! Umalingawngaw ang okay na iyon sa tenga ko at sa inis ko nilayasan ko siya. Hindi man lang mag-effort na tanggihan ako. Bukas na ang pinto ng kwarto namin ni Diane kaya dun na ako nahiga at pilit matulog.
Naging alangan na kami sa isa’t isa ni Jaime. Sa simula masakit dahil nasanay na ako na lagi siyang nandyan. Hindi ko na matiis ang hirap na nararamdaman ko kaya nakapagdesisyon akong magpalipat ng ibang team.
Nagpadinner ako for the last time. Hindi nila inasahan na huling dinner ko na iyon bilang teamlead nila. Hindi naman makatingin ng diretso sa akin si Jaime at wala na akong pake. Nang sabihin ko sa kanilang last day ko na sa team ng araw na iyon ay nabigla sila at halos maiyak si Diane pero pinigilan ko’t ayoko ding maiyak. Halos mga walang gana lahat sa pagkain pero pinakiusapan ko silang wag malungkot dahil isang kompanya pa rin naman kami at sinabihang pwede pa rin naman nila akong yayain kung maisipan nilang lumabas. Natapos ang dinner na mabigat ang loob ko. Matagal ko na ding nakasama ang mga lokong ito at talagang naging close kami pero hindi pwedeng magsuffer ang trabaho ko dahil lang may isa akong hindi makasundo sa kanila. Ito ang pinakamahusay na desisyong nagawa ko sa tanang buhay ko. Nauna na akong nagpaalam sa kanila matapos kumain. Kahit paano merong parte sa akin ang umasang sana samahan niya ako.
Nakasakay na ako sa taxi at di ko inaasahang magtetext si Jaime. Halos mangilid ang luha ko nang mabasa ko ang text niya.
Jaime’s text: One last time, here’s the plate number of you taxi: PXL 098. Take care, Devine. We’ll miss you.
Durog na durog ang puso ko sa nabasa ko. Pero bakit we’ll miss you? Bakit hindi I’ll miss you? Wala na talagang pag-asa ang lalaking ito. Wala na talaga kaming pag-asa.
shet ate! new ff na naman?! yiiii! next chaptie na! :"> kaka excite! btw, i love your stories! <3
ReplyDeleteawwww mare :(
ReplyDeleteThank you so much, sis! Wait for Jaime's side of the story ;) mwah!
ReplyDeleteMareng jak!!! Awts ano?? Salamat uli sa pagcomment at pagbabasa. Love yah!
ReplyDeleteuhuhuhuhuh naiyak ako
ReplyDeletelabsya too mare!!write ka lang ng write,at ako'y d magsasawang magbasa't magcomment :)
ReplyDeleteso,mei james' side ang kwento na itey???ay,cant wait!!haha!!demanding mode na naman!hehe
ahhh
ReplyDeletekaka sad..
akala ko namn happy ending..
teka ending na ba toh?
hahaha
gaganda ng ff mo te..
like!!!
my frnd!....ang gondo!.....ngayon lang aq na buhay ulit hahahahaha wala ka talagang kupas...galing galing mo talaga!....me nxt chap ba to?.....qng meron ilabas nah... :))
ReplyDeletehello po ate chiharu
ReplyDeleteim one of your avid reader
from trial and error hanggang dito
sa plate number
nabasa ko po yun lahat :)
grabe ang gaganda po ng gawa nyo
super handsdown ako sa talent mo ate
eto pong plate number ang sakit sa heart
grabe, i feel sad for devine :'(
sana malinawan ang lahat sa paglabas ng side
ni jaime
abangers po ako dun :)
Mare end na ba tong FF na to? Hangsakit sa bhengs e.. Ouchy!! Pro ang galing,kc pati mga readers mo naaapektuhan. Hehehe. Keep it up sis!
ReplyDelete