Tuesday, July 5, 2011

Falling Slowly: Thirty

Chapter 30
Nakarating na si Monette sa Maynila at tinungo ang fastfood na pinapapasukan.

“Magreresign ka na?” takang tanong ng manager nito.

“Yes, Ma’am. Kailangan ko po kasing magconcentrate sa mga projects ko sa school at kakailanganin ko po lahat ng vacant hours ko para dun. Pasensya na po kung isang linggo lang ang abiso ko.” Pagpapaumanhin ni Monette.

“Okay. Pero di ba bakasyon ka ngayon? Papasok ka pa today para mapunan mo ang isang linggo?” tanong ng manager niya at agad namang tumango si Monette.

Nagsimula naman nang magtrabaho si Monette pero si Ren pa rin ang nasa isip niya. Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit niya ginawa iyon kay Ren. Kung tutuusin isa nang hudyat iyon para umamin siya sa binata pero naging duwag siya’t tinakbuhan ang pagkakataong iyon. Ngayon ay tumatakbo nanaman siya dahil ayaw niyang magpang-abot sila ni Ren sakaling bumalik ito sa trabaho.

“Monette!” sigaw nang pamilyar na boses. Agad namang nilapitan ni Monette ang tumawag dito para hindi na mageskandalo pa.

“Kakain ba kayo?” tanong ni Monette kina Anton at Kian.

“Aba, syempre at pakikipagchikahan na rin sayo.” Mabilis na sagot ni Kian at napangiti naman si Monette dito.

“Sya nga pala, Monette. Nagparamdam na sa wakas si Ren.” Wika ni Anton at para namang walang narinig si Monette sa sinabi ng binata’t diretso lang sa pag-gaya sa mga ito sa uupuan nila. “Hoy! Parang walang narinig. Sabi ko nagparamdam na si Ren at babalik na raw siya sa isang linggo pero baka din a daw siya magtatrabaho dito. Balik loob na daw siya sa pamilya niya e. Di ko lang sure kung dun pa rin siya sa apartment titira. Biruin mo iyon, mayaman pala ang mokong nagtitiis sa maduming apartment na iyon.” Sunud-sunod na dakdak ni Anton.

“Magreresign din siya?!” gulat na wika ni Monette at namangha din ang dalawang binatang kaharap niya.

“Teka, magreresign ka rin? Pati iyon lang ang macocomment mo? Pakadaming revelation nun ha.” Takang wika ni Kian.

“Oo, last week ko na ngayon e. Dami kasing dapat tapusin sa school. Tsaka, ano namang pake ko sa personal na buhay ni Ren?” Wika ni Monette at nagpaalam na sa dalawa at nagpatuloy sa trabaho.

“Weird talaga iyong babaeng iyon ano, Anton?” wika ni Kian.

“Weird nga kasi pag kaming dalawa lang panay ang tanong nun tungkol kay Ren e.” sagot ni Anton.

“May naiisip ako, bro. Hindi kaya yang si Monette e may HD kay Ren at walang kaalam-alam si Ren?” Pang-uusisa ni Kian.

“Impossible. Di daw sila close e kahit si Ren hindi niya daw kaibigan yang si Monette e.” nagugulang wika ni Anton.

“Alam ko na! Pagdumating si Ren, siya ang tanungin natin!” wika ni Kian na parang excited pa.

***

“Are you not going to tell me anything? It’s pretty obvious that you two are hiding something from me.” Naiinis na wika ni Ren kay Lenny na kanina pa tikom sa kusina hanggang marating nila ang likod bahay.

“Stop making me look like a fool here. Your silence is telling me that my hunch is true. That you and Monette are really not a couple.” Wika ni Ren at napatingin nang pagkatalim-talim si Lenny.

“Why do I have to explain things to you? Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan. Pati, I thought you’re smart. Why else would we keep everything a secret if Nanay Tinay knows that we’re gay?” wika ni Lenny na nakahalukipkip na sa inis.

“That’s not it! Pareho kayo nang excuse ni Monette na kesyo walang nakakaalam kaya ka niya pinayagang makisayaw sa ibang lalaki, take note lalaki ha! Tapos ngayon gumagawa ng kwento si Monette sa nanay niya mismo na may gusto siyang lalaki na nawawala at nahanap na niya dahil pa rin sa hindi alam nang nanay niya? Tapos ikaw yan din ang rason mo?” wika ni Ren at mabilis itong napa-isip.

“Wait a minute! She likes a guy who was gone for awhile and now she found him! She probably told her mom about it when you two arrived here and now you told her mom that Monette already found that guy. I was gone for a week and we met here. I might be that guy!” bibong wika ni Ren at napabuntong hininga si Lenny sa narinig.

“E asyumero ka palang talaga. Pwede namang ibang lalaki iyon at hindi ikaw.” Biglang wika ni Lenny at natuptop ang bibig nang mapagtantong parang umamin na nga siya.

“Gotcha!!! I knew you both we’re hiding something! So, you two are not really gay!” nangingising wika ni Ren. Halata namang nainis si Lenny sa sarili at nagulo pa ang buhok. “You’re frustrated now because you can’t take back what you just said.” Buong pagmamayabang na wika ni Ren sa dalagang nagmamaktol na ngayon sa harap niya.

“Grrrrr! Pero di ka sure kung ikaw nga ang lalaking iyon! Manigas ka!” bulyaw ni Lenny kay Ren.

“I’m pretty sure it’s me plus I’m just relieved that Monette is not gay.” Pangisi-ngising wika ni Ren.

“Talaga?” biglang kilig na tanong ni Len at nang maisip ang pagkakasabi ay halos iumpog ang ulo sa malapit na puno. Napangiti naman ng ubod ng tamis si Ren sa pagkakasabi ni Lenny.

“I loved how you say that. You know what Len, why don’t you try and just tell me everything? That would be easier for both of us. You know I’ll get to the bottom of this. So, talk.” Wika ni Ren

2 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa wala eh sa kinilig aq!....hahahaha parang ewan naman c mon-mon!....wag mong takbohan ang feelings mo!...

    ReplyDelete
  2. mare!!thanks for the updates!!been waiting for this!!

    ReplyDelete