Sunday, July 10, 2011

Falling Slowly: Thirty Five

 Chapter 35
“Nagkausap na uli kami ni Monette. Ayun, iniyakan lang ako at respetuhin ko daw ang desisyon niya. Pasensya na, Ren, hanggang dun na lang ata ang kaya ko. Ayoko rin namang masira ang pagkakaibigan naming ni Monette dahil halos parang kapatid ko na iyon.” Wika ni Lenny na nakikipaginuman ngayon kay Ren sa hotel bar na tinutuluyan ni Ren.

“I understand. Thank you for helping. But tell me, whatelse can I do?” lungkot na tanong ni Ren kay Lenny.

“Hayaan na muna siguro natin si Monette makapag-isip. Pakiramdam ko naman hindi ganun kabato iyon. Natakot lang talaga sa kung anong pwedeng mangyari.” Wika ni Lenny.

“Iba ang kaibigan mo, Len. Do you think courting her will help? I’ll do that! I’ve never been this in love in my entire existense” Wika ni Ren habang iniinom ang alak sa baso niya.

“Mainam pa nga siguro iyon. Baka sakaling magiba ang ihip ng hangin. Kilala ko kasi iyon e grabeng manindigan. Tsaka feeling ko iyon talaga ang gusto niya e ang maramdamang may manligaw sa kanya.” Kumento ni Lenny.

“Then, that’s our plan! Cheers, mate!” pilit na ngiti ni Ren kay Lenny at ikinampay ang basong hawak sa baso ni Lenny. Si Ren ay napalakas ang pagkampay at nadulas sa kamay ni Lenny ang hawak na baso at natapon ang inumin sa damit nito.

“I’m sorry, Len.” Pagpapaumanhin ni Ren.

“Okay lang.” ani Lenny at ipinagpag ang nabasang dress.

“Hindi okay. May dryer sila dito. Wag kang uuwi nang ganyan ang itsura mo baka kung anong mangyari sayo sa daan. Let’s go to my room first.” Yaya ni Ren kay Lenny at pumunta na sila sa kwarto ng binata.

Isang mahinang katok ang narinig ni Lenny sa pinto habang si Ren ay nasa restroom.

“Ako nang magbukas” wika ni Lenny.

Nang mabuksan ni Lenny ang pinto ay si Monette ang nakita nito. Isang tulalang Monette at nakatitig kay Lenny na nakabathrobe lang.

“Monette.” Gulat na wika ni Lenny. Eksakto namang palabas si Ren ng restroom at agad na pumunta sa may pinto.  Nakita ni Ren si Monette na halos lumuwa ang mga mata lalo nang makita nito si Ren sa likod ni Lenny.

“Nakakaistorbo ata ako. Sige na.” tarantang wika ni Monette at agad na tumalikod at tumakbong papalayo sa kwarto ni Ren.

“Oh my gawd, Monette! Mali ang inisip mo.” sigaw ni Lenny sa papalayong si Monette nang maisip nitong iba ang dating sa kaibigan sa nakita nito. Agad naman kumilos si Ren at hinabol si Monette.

Mabilis na nakalabas si Monette ng hotel at hindi nito malaman kung san siya pupunta. Halos sumabog ang puso niya sa nakita. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng bestfriend niya sa kanya. Tumatakbo ito nang marinig niya ang isang sigaw.

“Monette! STOP!!!!!” sigaw ni Ren at tumigil panandalian si Monette pero nang mahimasmasan ay nagpatuloy sa pagtakbo. Binilisan lalo ni Ren ang takbo niya at halos malapit na siya Monette nang biglang may isang sasakyang rumaragasa ang papasalpok sa tumatakbong binata.

Isang malakas na tunog ng brake at busina ang nagpahinto kay Monette at napalingon ito. Halos hindi makakilos si Monette sa nakita niya. Nanginginig ang tuhod niya at napahawak ito sa kanyang dibdib.

“Wag mong antaying huli na ang lahat” paulit-ulit na bumubulong sa utak ni Monette habang nakapako ito sa kinatatayuan.

No comments:

Post a Comment