Saturday, July 2, 2011

Falling Slowly: Twenty Seven

Chapter 27

“She’s so beautiful. How is it possible that she’s gay? Is she trying to fool me?” bulong ni Ren sa sarili habang matamang nakatitig pa rin kay Monette. Napansin niyang lumingon si Monette at hindi nito alam kung anong gagawin kaya napakaway na lang siya sa dalaga at nagsimulang maglakad papalapit dito.

“Dyosa!! Nakita na niya ako.” Biglang harap uli ni Monette sa kaibigang si Lenny.

“Kumalma ka! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat hindi kita pinahiram ng damit at tinuruang mag-ayos e.” reklamo ni Lenny.

“Pero aminin mo Dyosa, kinabog ko ang reunion na ito, di ba nga?” wika ni Monette na kinikilig pa.

“Oo, ang ganda mo ngayon at problema yan. Naku, lights, camera, action na tayo ha. Andyan na si Ren.” Bulong ni Lenny kay Monette habang nakatingin sa papalapit na si Ren.

“What are you two doing here? Iniwan nyo akong mag-isa.” Pagpapacute ni Ren at dahan-dahan nitong hinarap si Monette. “Ganda mo ngayon, Pre ah.” Bati nito kay Monette na nag-ala Maria Clarang tinakpan ang bibig at tumawa ng mahina. Isang matinding kurot naman ang binigay ni Lenny sa kaibigan na biglang napa-aray at saka naalalang lalaki nga pala dapat siya.

“Mali, Pre! Pogi! Parang ikaw lang.” ani Monette at siniko pa ang binata at isang apak naman sa paa ang naramdaman nito at napa-aray uli. Nagulumihanan naman si Ren sa nangyayari sa dalawang kaharap.

“Ang sweet nyong dalawa ha. Sakitan ang theme nyo ngayon. Pero honestly you look like a Barbie doll.” Wika ni Ren at bigla namang napatingin si Lenny kina Monette at Ren na napuna ng huli. “You too, Lenny, you both look like a dolls that’s why two look good together.” Pahabol ng binata.

“Tama na! Bilog na bilog na kami sa kakabola mo. Lenny, kamay!” at kinuha ni Monette ang kamay ng dalaga at pumunta sa lamesa nila. Nakasunod naman si Ren at parang naaasiwa sa nakikita niya.

Nang makaupo na sila ay wala pa ring tigil sa kakatitig si Ren kay Monette. Nang mapuna ni Monette ang mga mapanglusaw na titig ni Ren ay bigla nitong nginitian ang binata at binulungan si Lenny na kala mo magjowa lang talaga at ngumisi si Lenny sa pagkakabulong ni Monette na animo’y kinikiliti siya. Napakumyos naman ng palad ang binata habang pinagmamasdan ang dalawa. Bigla namang tumayo si Monette at nagpaalam na kukuha ng pagkain. Naiwan si Ren at Lenny sa lamesa.

“Why is she dressed that way? She’s really comfortable in it as if she doesn’t mind. Sya lang ata ang nakita kong tibo na ganyan, lahat ng kilala kong katulad niya makakita lang ng dress nandidiri na pero siya dalang dala niya.” Wika ni Ren kay Lenny na napalunok naman sa narinig mula sa binata.

“Hello? E bakit ako? Di ba ikaw na mismo ang nagsabing gay din ako.” Pagpapalusot ni Lenny.

“Sabagay.” Simpleng tugon ni Ren at sakto namang pagbalik ni Monette.

Nagsimula na silang kumain at nagkakatuwaan na rin sa biruin pero si Lenny at Monette ay di mapaghiwalay. Nang biglang may lalaking nakakilala kay Lenny at niyaya itong isayaw. Wala naman sa isip ng dalawang nagpapanggap at sumama si Lenny sa nag-aya.

“Okay ka rin ah.” Bulalas ni Ren kay Monette na sinundan pa ng ngiti ang dalawa at halatang kinikilig din dahil batid niyang dating crush ni Lenny ang nagyaya. Napabaling din naman agad si Monette sa katabing binata.

“Bakit? Anong okay?” wala pa rin sa sariling tanong ni Monette sa takang takang si Ren.

“I’m sensing something really off tonight.” Wika ng isipan ni Ren pero napapangisi sa nasasaksihan.

“Oh, don’t mind me.” Simpleng sagot ni Ren at napakunot naman ng noo si Monette at bumalik ang tingin sa kaibigang nagsasayaw ngayon sa dancefloor.

1 comment:

  1. ayyyyyyyeeeeeeeeeiiiiiiiii na-alala q tuloy nung nasa PBB sabi ni james parang doll daw c devon!......

    anyways nakaka halata na c Ren!.....yeeeeeeeeeeeyyy kinikilig aq friend!ka loka!.....di aq maka get over!....nuh bey! :))

    ReplyDelete