Chapter 29
Hirap na hirap makatulog si Ren. Hindi niya pa rin malaman kung anong nangyari kanina. Pakiramdam tuloy niya’y baka inakala ni Monette na nagtake advantage ito sa sitwasyon kaninang nagsasayaw sila kaya ito nagalit. Kinuha nito ang cellphone at tinignan ang Photo gallery.
“You have the sweetest smile I’ve ever seen. I don’t know if you know that you look so pretty even if you’re just wearing a shirt and jeans. But tonight, you really look like a Barbie doll. I wish you didn’t have to be gay.” Pakikipag-usap nito sa stolenshot ni Monette sa phone niya.
***
“Anong nangyari kagabi, Jay?” tanong ni Lenny kay Ren nang dumaan ito sa mga Romualdez.
“I don’t know. Nagsasayaw lang kami tapos may nasabi ata akong di niya nagustuhan tapos umalis.” Wika ni Ren na napakamot sa ulo niya.
“Ano bang sinabi mo? Ayan tuloy, lumuwas na ng Manila si Mon.” inis na wika ni Lenny. Hindi napansin ni Lenny na naroroon pala ang ina ni Monette at nagulat sa narinig.
“Ano iyon, Ma’am Lenny? Lumuwas na ng Maynila ang anak ko?” gulat na tanong ni Aling Tinay at ganun din naman si Lenny nang marinig ang boses ni Aling Tinay mula sa likod niya. Napatingin naman si Ren sa nagsalitang matanda na nakakunot ang noo. Bigla namang kumilos si Lenny at hinatak si Aling Tinay sa kusina.
“Nay, kailangan na daw po kasing bumalik ni Monette kasi ngayon daw po ipapasa iyong last project niya. Pasensya na po at hindi na siya nakapag-paalam kasi nagmamadali po siya’t kinuha ang first trip kanina.” Bulong na pagpapaliwanag ni Lenny kay Aling Tinay.
“Ganun ba? Hindi kasi gawain ng anak kong hindi magpaalam kahit gano pa iyon nagmamadali. Tsaka nagsabi iyon sa akin nung isang araw na aantayin niya ang tatay niyang makabalik galing sa bukid. Alam mo ba kung kailan siya babalik dito?” lungkot na tanong ni Aling Tinay.
“Hayaan niyo po, Nay. Pagkauwi ko po’y sasabihan ko siyang tawagan kayo. Nagmamadali po kasi siya talaga e.” malambing na wika ni Lenny at hinimas ang balikat ng matanda.
“Hindi kaya may nangyari sa pinuntahan niyong reunion? O kaya nagmamadaling bumalik nang Maynila para may katagpuing boypren? Ano sa palagay mo, Lenny? Nagkwento kasi iyan sa akin pagkadating niyong may gusto daw na lalaki kaso biglang nawala at di niya malaman kung asan naroon. Hindi kaya bumalik ng Maynila iyon para hanapin?” sunud-sunod na tanong ni Aling Tinay.
“Naku po, wala pong nangyari kagabi na ikasasama ng loob ni Monette para umuwi. Tsaka, iyong tungkol po dun sa lalaki, nahanap na po niya kaya impossibleng dahil dun iyon. Wag na po kayong masyadong mag-alala at dahil lang po talaga sa school iyon.” Ngiting wika ni Lenny kay Aling Tinay at tumango nalang ang matanda’t lumabas ng kusina.
“Oh, Ijo. Kanina ka pa ba dyan? Pasensya ka na ha at kinausap ko saglit ang nobya mo.” Pagpapaumanhin ni Aling Tinay kay Ren nang masalubong niya ito sa bukana ng pintuan ng kusina. Nanlaki naman ang mga mata ni Lenny nang marinig ang sinabi ni Aling Tinay at napatingin sa dalawang nag-uusap. Nakita ni Lenny si Ren na puno nang katanungan ang muka.
“What did you say to her?” takang tanong ni Ren kay Lenny nang makalayo na si Aling Tinay. “She’s Monette’s mom? But why is she staying in another place?” sunod sunod na tanong ni Ren at halata ang frustrations sa muka ni Lenny.
“Wala na atang lusot ito!” maktol ng utak ni Lenny at dahan dahang hinarap si Ren.
sis!!ang cute!!next na!!hihihi!!
ReplyDeletemareng jak!!! nabasa ko twit mo. you're so sweet! aylabyu na talaga!
ReplyDeleteMatatapos na ito. konting tumbling at kendeng nalang ni Monette. :)
salamat sa comments. mwah!
ate chiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!
ReplyDeletehindi ko na mapigilan ang pagka silent reader ko sa ff mo. shemaaaaaaay! gustung gustu ko nang malaman ni ren na hindi tibo ang monette. at gustu kung malaman kung anu ang reaction ng bongga ng ren. shemaaaaaaay!
update na po. XD
friend!.........ang gondo!...eggxoyted na aq sa magaganap sa nxt chap!....bilisan mo nah!...nangangati na mata q na mabasa ang nxt chap!.....yeeeeeeeeeeeeeeyyyyyy :))
ReplyDelete