Chapter 26
Kinabukasan ay naging abala sa McKinley residence. Aligaga si Mrs. McKinley at niyaya agad si Ren na magshopping ng isusuot nito para sa dadaluhang highschool reunion ni Lenny. Gusto sana ni Ren na puntahan si Monette para ipagpaalam na dadalo siya sa reunion ng akala niyang nobya nito pero dahil sa ina nito’y hindi niya nagawang umeskapo.
Mag-aalas syete na ng gabi nang marating ni Ren ang bahay ng mga Romualdez. Naruruon na sa sala si Lenny na simple lang na bestidang black at mataas na itim na takong ang suot. Hindi naman maipagkakaila ni Ren na maganda si Lenny pero hindi niya lang talaga tipo ang dalaga.
“Hi Jay! I thought you won’t come.” Wika ni Lenny kay Ren na nakacoat and tie pa ng dumating. Tumango at ngumiti naman si Ren sa dalaga. “Is it okay if we stop by a friend before going to the reunion?” tanong nito kay Ren na parang gusto nang umalis.
“It’s okay. So, where to first?” tanong ni Ren at nagsimula nang lumabas ng tahanan ng mga Romualdez. Sumunod naman si Lenny dito.
“To the next town. We need to fetch someone.” Ngiting sagot ni Lenny sa nauunang si Ren. Kibit balikat naman ang isinagot ni Ren at pumasok na sa sasakyan.
Pamilyar kay Ren ang tinatahak nilang daan ni Lenny.
“Are we by any chance going to get Monette? She’s also going to the reunion?” takang tanong ni Ren kay Lenny na ikinagulat ng huli.
“How did you know?” manghang tanong ni Lenny sa nagmamanehong si Ren.
“We met yesterday and I gave her a ride.” Simpleng sagot ni Ren at napanganga nalang si Lenny sa naranig.
“Talaga nga naman. At pinagtatagpo talaga kayo ng tadhana.” Bulong ni Lenny sa sarili.
Narating nila ang tinutuluyan ni Monette pero sabi ng mga pinsan nito’y nasa reunion na daw at hindi nadala ang charger ng phone kaya hindi nila macontact. Nagmadali naman nang pumunta sina Ren at Lenny sa resort kung san gaganapin ang reunion.
Agad lumibot ang mga mata ni Lenny sa bulwagan para hanapin si Monette. Kailangan niyang makita muna ito bago pa siya maunahan si Ren. Nagpaalam si Lenny kay Ren na pupunta muna ng restroom pero ang totoo ay hahanapin lang nito si Monette. Si Ren din ay halos lumuwa ang eyeballs sa pagikot para lang makita kung san naroroon si Monette.
Bigla nalang may isang morenang babaeng nakalugay ang mahaba’t itim na buhok at nakasuot ng pulang tube dress na hanggang tuhod ang dumambad sa harap ni Ren mga limang dipa ang layo sa kanya. Napanganga si Ren sa nakitang kagandahan ng babaeng hindi niya inakalang si Monette. Marahil ay hindi napansin ni Monette ang binatang halos malaglag ang panga sa pagkamangha. Lalapitan na sana ni Ren si Monette pero naunahan siya ni Lenny at sabay nitong kinaladkad si Monette palayo.
“Monette, sorry! Kahapon pa kita kinocontact e. Empty battery ka daw sabi ng pinsan mong si Hero.” Wika ni Lenny.
“Teka, bakit ka nagsosorry? Tsaka, di ba usapan natin dito tayo magkikita e panong nagkausap kayo ni Hero? ” takang tanong ni Monette sa kaibigan.
“Kumalma ka ha? Si Ren kasi kasama ko at dumaan kami kina Hero kanina bago pumunta dito kaso wala ka na nga daw. Tapos sasabihan kita dapat kahapon kaso di kita macontact, friend. I’m so sorry.” Wika ni Lenny sa kaibigan. Pero iba ang rumehistro sa muka ng kausap niya… isang matamis na ngiti. Hinampas naman ni Lenny si Monette sa pagkakangiti nito at napaaray ang dalaga.
“Masaya ka pang nandito iyon? E pano kung mabuking tayo?” inis na wika ni Lenny.
“Ang ganda ko ngayon di ba, dyosa?” parang wala sa sariling tanong ni Monette at todo ngiti pa ring parang baliw lang. Nagulat naman si Lenny sa sinabi nito at halos makurot niya sa singit ang kaibigan.
“Ako ba’y nadinig mo? Sabi ko lagot tayo! Sige, ikaw rin, malalaman niyang nagsinungaling ka sa kanyang tibo ka kahit babae ka naman talaga.” Pananakot ni Lenny at biglang natauhan si Monette.
“Shocks, dyosa! Ano nang gagawin ko? Uuwi ako para magpalit. Wait ka lang dyan ha.” At akmang tatalikod na si Monette nang bilang makita nito ang isang mestizong binata na nakatingin sa kanya ng mataimtim.
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ang sexy naman ni MOn-mon sa suot nya!...naiimagine q.......galing mo talaga friend!....da best!
ReplyDelete