Chapter 25
Nang matauhan si Monette sa sinabi ni Ren ay napatawa ito nang mahina sa kinauupuan niya. Sandali namang napatingin si Ren sa kanya.
“Anong tinatawa mo dyan?” takang tanong ni Ren na ngayo’y nakatingin na uli sa kalsada.
“Wala, Jay.” Wala sa isip na sagot ni Monette at naitutop nito ang kamay sa bibig pagkasabi. “Shunganga ka! Di niya pa dapat malaman na alam mo na! Taklesa kang tunay.” Bulyaw ng utak ni Monette. Bigla namang pumreno si Ren at halos mapunta ang muka ni Monette sa dashboard kung di lang siya nakaseatbelt.
“I’m sorry! But what did you call me?” takang tanong ni Ren at umayos naman ng upo si Monette at yukong sumagot sa binata.
“Alam ko na ang lahat, Jay.” Wika ni Monette.
“Ren na lang. Mas gusto kong Ren ang tawag mo sa akin.” Wika ni Ren pero nakita niyang nagblush si Monette, “Mas gusto kong Ren ang tawag sa akin.” Paglilinaw ni Ren at umiwas ng tingin sa dalaga.
“What the effffff! You’re losing it again! Control yourself!” sigaw ng isipan ni Ren napalunok naman si Monette sa inakto ng binata.
“Okay, Ren. Umayos ka ha! Wag mong papakasalan ang dyosa ko kundi tatalupan kita ng buhay.” Pagbabanta ni Monette. “Please sabihin mong hindi mo siya pakakasalan.” Wika ng isipan ni Monette.
“Sabihin mo!” bulalas ni Monette at naitutop nanaman ang kamay sa bibig. “Ano iyon, Monette?! Bakit lumabas sa bibig ko iyon! Syet!!!! I’m going down the drain!” natatarantang wika ng utak ni Monette. Nagulat naman ang kausap na binata.
“Hindi ko siya pakakasalan.” Gulat na sagot ni Ren. “Alam kong masaya kayong dalawa at kahit kailan Monette hindi ako nagkaroon ng pagtingin kay Len.” Seryosong sagot ni Ren.
“Hay, salamat naman.” Sagot ni Monette at nginitian si Ren nang pagkatamis-tamis.
“You have a nice smile, do you know that?” nakatitig na wika ni Ren sabay bawi uli ng tingin nang makitang kumunot ang noo ni Monette. “Damn it! You really have to say it out loud.” Bulyaw uli ng isipan ni Ren.
“Umayos ka pre ha. Hindi magandang sensyales yang pinagsasabi mo. Sige na magmaneho ka na at baka malate ka pa sa dinner ng mga biyenan mo na dapat e biyenan ko.” Wika ni Monette na halata ang pagka-inis sa huli nitong sinabi.
“Byenan ka dyan. Hindi ko nga pakakasalan. Hindi ko nga gusto si Len. Ano pa bang gusto mong marinig? Na ikaw ang gusto ko?” panggugulat ni Ren kay Monette na hindi na malaman kung paanong upo ang gagawin sa narinig, “Impossible Monette. Nasa tama pa akong pag-iisip. Hindi ko lang talaga gusto si Len at kahit ipalapa pa nila ako sa leon, hindi ako pakakasal sa babaeng hindi ko mahal. Okay na?” pagpapatuloy ni Ren.
“Mabuti na iyong malinaw. Sige na wag ka nang highblood. Baka bigla mo nalang ako sipain palabas ng kotse mo. Nakapalda pa naman ako ngayon.” Pilit na pagiiba ni Monette sa mood sa loob ng kotse.
“Bakit mo binawi, Ren? Jackpot na iyong nasabi mo kanina e. Sasagot naman ako n goo e. Ang sakit sa dibdib.” Bulong ng utak ni Monette at napatingin nalang sa kalsada nang maramdamang umandar nang muli ang kotse.
“That was so close! I almost jeopardize our friendship, Monette. Don’t worry I will not pursue this feeling, whatever it is that I have for you.” Pagsasaisip ni Ren at nakatutok na rin ang mata sa kalsada.
Naihatid na ni Ren si Monette sa mga pinsan nito kaya dali-dali nang umalis si Ren para bumalik sa tahanan nila at magpalit para sa inihandang munting salu-salo ng mga Romualdez.
Nakarating na ang buong pamilya McKinley sa mga Romualdez at nagsimula na ang hapunan. Masayang nagkukwentuhan ang mag-amiga pero si Lenny at Ren ay walang kibuan at kahit pilit na pinag-uusap sila ng kapatid nitong si Andrea ay wala pa ring imik ang dalawa.
“Lenny is going to her high-school reunion tomorrow. It would be nice if Jay could be her escort.” Wika ni Mrs. Romualdez na ikinagulat ni Lenny pero halatang ikinatuwa ng mga magulang ni Ren.
“That’s a brilliant idea! Jay doesn’t have anything to do tomorrow. He can be Lenny’s escort. Right, Jay?” wika ni Mrs. McKinley. Pinandilatan naman ni Lenny si Ren na ang pagkakaintindi nito’y dapat siyang sumang-ayon. Kaya umoo si Ren sa mga magulang na sobrang ikinatuwa nang mga ito.
Nang matapos ang hapunan ay kinorner ni Lenny si Ren sa may hardin.
“Bakit ka umoo?!” gigil na wika ni Lenny.
“I thought you wanted me to say yes. Don’t worry, I’ll take it back.” Akma nang aalis si Ren nang pigilan siya ni Lenny.
“No need. Napaka slow mo rin pala talaga.” Wika ni Lenny na umikot pa ang eyeballs at kumunot ang noo ni Ren sa narinig. “Sunduin mo nalang ako bukas ng 7pm dito. Sige na. Matutulog na ako.” Wika ni Lenny at nilayasan si Ren.
Agad namang kinontact ni Lenny si Monette para abisuhan pero hindi niya macontact ito. Inisip niyang bahala na bukas.
“Mum, what was that all about?” tiim-bagang tanong ni Ren sa ina.
“What about? We were just admiring the two of you and we didn’t force you to say yes. We asked you politely, didn’t we?” pagrarason ng ina nito.
“I was caught off guard, Mum! If this happens again, I swear this will be my last visit here.” Halos bulyaw na sagot ni Ren.
“Don’t talk to your mum that way! She’s still your mum, for god’s sake, Jay! Where’s your manners?” galit na wika ni Mr. McKinley sa anak.
“Dad, it’s okay. Let him be. If he thinks we deserve this kind of treatment from him then let him enjoy it. Let’s just go home now. Call the driver, Andrea.” Mahinahong wika ni Mrs. McKinley pero ang Ren ay nagmatigas pa rin at hindi kinibo ang pamilya gang makauwi ng tahanan nila.
sister!!worth the wait!!nakakakilig!!
ReplyDelete_waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa akala q matatagalan pa ang pag-gawa mo ng nxt chap....eh ang dami naman pala!....yeeeeeeeeeeeeyyyyy....mag babasa na aq! :))
ReplyDelete