Chapter 28
Hindi na mapakali si Ren. Iba na ang nararamdaman niya sa mga napupuna niya kina Monette at Lenny. Alam niyang merong hindi tama sa dalawa dahil habang may kasayaw na ibang lalaki si Lenny ay halatang halatang kinikilig ang babaeng kasama niya ngayon.
“You must be kidding me. You shouldn’t be okay with that?” bulong ng isipan ni Ren habang nagpapalit nang tingin sa nagsasayaw na si Lenny at sa katabi niyang si Monette na patuloy sa pag-ngiti.
“Do you wanna dance, Monette?” pagbabasag ni Ren sa katahimakan. Napatingin naman ng masama si Monette kay Ren.
“Okay ka lang? Niyayaya mo akong mag-sayaw? Nakakalalaki ka naman.” Sagot ni Monette na nagdramang galit. Napangisi naman si Ren.
“Akala ko sport ka? Sayaw lang. Bakit si Lenny pinayagan mong makipagsayaw dun sa lalaking iyon?” tanong ni Ren at biglang napakunot ang noo ni Monette.
“Pocha! Nalimutan ko! Bakit ko ba pinayagang isayaw si Lenny ni Brian. Tsk!” bulyaw ng isip ni Monette.
“Natural. Wala kasing nakakaalam na kami ni Lenny dito. Sa tingin mo bakit ako magbibihis ng ganito kung alam nilang tibo ako? Medyo slow ka ngayon ha.” Pambubuska ni Monette sa binata.
“All the more na dapat kang makipagsayaw sa akin para di sila magkaclue. Sayang naman kasi ang suot mo kung hindi ka mang lang magsasayaw.” Ngiting wika ni Ren na nagpasimangot naman kay Monette.
“May point ka! Tara na.” sabay hatak ni Monette kay Ren na bigla ring napatayo.
Nang marating nila ang dancefloor ay biglang nag-iba ang tugtog mula sa maindayog na kanta ay naging slow and sweet song. Natigilan si Monette at tatalikod na sana nang hinigpitan lalo ni Ren ang hawak sa kamay nito at hinatak siya. Napayuko nalang si Monette pagkaharap sa binata. Habang si Ren ay ginamit ang isang kamay at itinaas ang muka ng kaharap na dalaga. Nagkatitigan sila at inilagay ni Ren sa leeg niya ang kamay ni Monette at saka niya hinawakan ang beywang ng dalaga. Gusto mang idikit ni Ren ang katawan sa dalaga pero batid niyang nag-aalangan si Monette kaya halos kasya pa ang isang tao sa gitna nila. Pilit iniiwas ni Monette ang mga mata sa binata pero alam niyang nakakatitig pa rin ito sa kanya.
“Relax. It’s just a dance.” Bulong ni Ren kay Monette. Parang nakiliti si Monette sa bulong na iyon at napangisi. Natuwa si Ren sa pagngisi ni Monette.
“Omygas!!! Pangarap na butuin ito! Thank you, Lord! Ngayon lang po ito. Pagbigyan na.” munting tili ng isipan ni Monette.
Nang maramdaman ni Ren na nagrerelax na ang kasayaw ay dahan-dahan niyang inilapit ang sarili dito. Para namang nawala na ang hesitations ni Monette at pinabayaan na si Ren at naisandal na ulo sa may balikat ng binata. Naging komportable si Monette sa posisyon na iyon at hinayaan nang dumaloy ang kuryente sa buo niyang katawan. Si Ren naman ay hindi maitago ang ngiti at batid niyang ngayong gabi niya lang magagawa ito sa dalaga. Halos matatapos na ang kanta pero pakiramdam ni Monette ay halos buong buhay na niya siya nasa bisig ng pinapangarap na binata at napapikit siya.
“I don’t know why you have to be gay, Monette?” bulong muli ni Ren at walang anu-ano’y parang natauhan si Monette at nadilat ang mga mata at inilayo ang sariling katawan sa binata’t tinitigan ito.
“Babalikan ko na si Lenny.” Mabilis na wika ni Monette at kinalas ang mga kamay sa leeg ng binatang kaharap. Para namang may malaking question mark sa muka ni Ren. Kanina lang ay maayos silang nagsasayaw pero biglang nag-iba nang masabi ni Reni yon.
“Did I say something wrong?” tanong ni Ren kay Monette at di pa rin inaalis ang mga kamay sa bewang ng dalaga. Hindi naman na sinagot ni Monette ang tanong na iyon at galit na inalis ang mga kamay ng binata sa bewang niya at dali-daling lumabas ng bulwagan.
HInagilap ni Ren si Lenny para abisuhan na umalis si Monette. Pero wala na rin si Lenny sa bulwagan.
naalala q ang scene nung nagsasayaw cla sa 18th b-day ni MM at DD....yeeeeeeeeeeeeeyyyyy galing talaga ng friend q!...panalo talaga lahat ng FF mo!.....nakaka-kilig naiihi aq!......waaaaaaaaaaaaaaaaaaa
ReplyDelete