Chapter 32
Pagod na pagod na umuwi si Monette. Kahit na may kaganapan sa fastfood kanina ay tinapos nito ang last shift niya at nagpaalam ng maayos sa mga kasamahan. Nang makarating si Monette sa boarding house ay nadatnan nito si Lenny sa sala at halatang inantay siya.
“Wag mong sabihing si Ate Nelia nanaman ang inaantay mo?” bati ni Monette kay Lenny na nagbabasa ng magazine. Umiling si Lenny at sinenyasang umupo sa tabi niya ang kaibigan at sumunod naman si Monette.
“Grabe, friend, tatlong araw na ako nandito pero ngayon lang tayo nagpang-abot. Daming ganap nung umalis ka.” Mabilis na wika ni Lenny at napatingin sa tulalang si Monette. “Teka, may problema ka ba?” tanong nito.
“Napakasaya kasi ng last day ko sa fastfood.” Wika ni Monette sa kaibigan na nagulat sa sinabi nito.
“Last day? Teka! Nagka-usap na ba kayo ni Jay,este, Ren kaya pareho kayong magreresign?” wika ni Lenny na napahawak pa sa hita ng nakaupong si Monette.
“Di pa uli kami nakakapagusap. Ayoko nang makita ang lalaking iyon pati buo niyang barkada. Nalaman ko lang magreresign siya pagkatapos kong magpasa sa manager ko, kinwento ng mga kasama niya sa apartment. Sana nga di nalang ako nagresign kung alam ko ring magreresign siya e pero ayos na rin. Nahihirapan na ako, Dyosa.” Hinang-hinang wika ni Monette hindi naman na malaman ni Lenny kung magkukwento pa ba tungkol kay Ren o hindi.
“Pero ano iyong sinasabi mong napakasayang last day? Nagpaparty ba sila? Kasi parang hindi ka galing sa party e.” lungkot na wika ni Lenny na nag-aalangan na talagang magkwento tungkol kay Ren.
Kinuwento ni Monette ang naganap na eskandalo ng girlfriend ni Anton sa fastfood. Awang-awa naman si Lenny sa sinapit ng kaibigan at inis na inis sa girlfriend na tinutukoy nito kahit di niya kilala.
“Ano ba naman iyong babaeng iyon? Siguro ganun katindi mambabae iyong bf niya kaya ganun siya umasta pero mali iyon ha. Buti nalang talaga nagresign ka na dun. Okay ka na ba?” alalang wika ni Lenny sa kaibigan.
“Ayus na ako ngayon. Medyo nakahinga nang maluwag. At least, iyong sa school nalang ang puproblemahin ko. Di ba? Pero teka ano ba iyong sasabihin mong importante.” Wika ni Monette sa kaibigang nakatingin sa kanya.
“Tsk! Di ko nga alam kung kailangan ko pang sabihin sa’yo e. Wag na muna siguro, magpahinga ka na.” mungkahe ni Lenny sa kaibigan.
“Pwede ba dyosa, isiwalat mo na yan. Hindi rin ako makakatulog kung mambibitin ka. Sige na sabihin mo na.” panghihikayat ni Monette kay Lenny na napabuntong hininga sa sinabi ni Monette.
“O sya, di na ako magpapaligoy. Alam na ni Ren ang katotohanang hindi tayo tibo.” Direstong mukang wika ni Lenny. Hindi naman makita ni Lenny ang inaasahang reaction mula sa kaibigan.
“Ganun ba? E mabuti naman para di na ako nahihirapang pakiharapan siya. Iyon e kung magkikita pa kami.” Parang walang pakeng sagot ni Monette.
“Kaso friend, galit siya sayo ngayon. Hindi daw niya matanggap na sa dinami-dami daw niyang nasabi sayong sekreto e pinagsisinungalingan mo pala siya.” Mahinahong wika ni Lenny.
“Alam mo, Dyosa. Wala na akong pake kung galit siya sa akin o anuman. Tapos na ang palabas. Ako na ang mali. Natakot akong umamin na mahal ko siya pero tapos na. Hindi naman ako umaasa pa e kaya ayos na iyon. Hindi na uli magkukrus ang landas namin.” Wika ni Monette at bigla nalang niyang naramdaman ang mainit na patak ng luha niya at agad niya itong pinahiran.
“May isa pa siyang ikinagalit, Mon.” wika ni Lenny na nakaakbay na kay Monette.
“Ayoko nang malaman.” Simpleng sagot ni Monette.
“Ikinagagalit niyang dahil sa pagsisinungaling mo ay hindi mo siya binigyan nang pagkakataong mahalin ka sa paraang tama. Buong akala niya ay nagmamahal siya sa maling tao dahil nga babae din ang gusto mo.” Pagpapatuloy ni Lenny at napatingin ng masama sa kanya si Monette.
“Anong gusto mong palabasin na minahal niya ako kahit alam niyang tibo ako? Pwede ba Lenny, wag mong bilugin ang ulo ko.” Inis na wika ni Monette at papatayo na nang hatakin ni Lenny ang kamay nito’t napabalik sa pag-upo.
“Yan kasi ang problema sayo e. Ang hilig mong tumakas kaya hindi mo nalalaman kung ano talaga ang totoo. Biruin mo kung umamin ka lang noon edi sana wala kang ganitong problema.” Wika ni Lenny.
“Len, babae ako. Bakit ako ang aamin sa kanya? Nagawa ko lang naman iyon dahil nataranta na ako. Akala ko ba malinaw sayo iyon?” inis na wika ni Monette.
“Wag kang magalit sa akin. Pinaparealize ko lang sayo ang nagawa mo. Pati kung ako sayo kausapin mo na si Ren bago pa siya ikasal sa akin.” Matigas na wika ni Lenny na nagpasingkit ng mga mata ni Monette at napabaling dito.
“So, tuloy na pala ang kasal niyo. Congratulations!” sarkastikong tugon ni Monette na nagpataas ng isang kilay ni Lenny.
“Iyon lang ang masasabi mo?! Ni hindi ka man lang maawa sa akin o kay Ren dahil ikakasal kami sa mga taong hindi naman namin mahal? Akala ko kaibigan ka, Monette.” Gigil na wika ni Lenny.
“Anong gusto mong gawin ko?” mabilis na sagot ni Monette.
“Gusto kong maging tao ka at maging kaibigan kita. Mapipigilan mo ang planong ito kung aamin ka kay Ren dahil Monette ikaw lang ang inantay nung tao.” Katwiran ni Lenny kay Monette na naguguluhan na rin.
“Sandali lang, Dyosa. Bakit ako ang inaantay niyang lumapit sa kanya? Kung talagang may gusto siya sa akin di ba dapat siya ang lumapit sa akin? Kelan pa naging baliktad ang mundo?” naiirita nang sagot ni Monette.
“Pinapaalala ko lang, Monette, ikaw ang nagsinungaling kaya ikaw ang dapat magexplain sa kanya. Sige kung hindi mo kayang aminin ang nararamdaman mo sa Prince Charming mo, at least magsorry ka naman. Hayaan mo na kaming makasal!” frustrated na wika ni Lenny at sabay layas. Naihawak ni Monette ang mga kamay sa kanyang sentido at hindi na malaman kung anong gagawin. Hidablot nito ang bag na dala at tumayo na sa kinauupuan.
ay grabe!!lalong naging complicated!!ayiiiieee!!exciting!!
ReplyDelete