Chapter 33
Halos isang linggo nang hindi nagpapansinan sina Lenny at Monette. Hindi na malaman ni Monette ang gagawin dahil sa tuwing lalapit ito kay Lenny ay iniiwasan na siya ng dalaga. Naging busy na din naman si Monette sa school at napapadalas ang overnight sa bahay ng mga kaklase para tapusin ang prototype nila at kulang isang buwan na lang ay gagraduate na rin siya.
Lunes nang maiwan si Monette mag-isa sa boarding house nang may dumating na kartero. Inabot nito ang isang sobre sa dalaga at nakitang nakaaddress sa kanya ito kaya binuksan niya. Nanlumo si Monette sa nakita. Isang imbetasyon sa susunod na buwan para sa kasal nina Renald Jacob McKinley at Lenneth Mari Romualdez. Tumakbong paakyat ng silid nila ang dalaga at napaupo sa double deck niya.
“Ito na ito. Wala na akong magagawa.” Lumuluhang wika ni Monette. Bigla namang tumunog ang cellphone niya.
“Monette, can we talk?” Basa ni Monette sa text na hindi niya alam kung kanino galing. Hindi niya iyon nireplyan nang biglang nagring ang telepono niya. Iyong number na nagtext ang rumehistro sa telepono. Nagdadalawang isip si Monette na sagutin at nakadalawang missed calls na ang numerong iyon sa kanya. Nang magring uli ay sinagot na niya ito.
“Monette?” wika ni Ren sa kabilang linya. Napalunok naman si Monette nang marinig ang boses nang lalaking matagal niyang pinanabikan.
“Bakit?” seryosong wika ni Monette.
“Pwede mo ba akong pagbuksan ng pinto ninyo? Nandito ako sa baba ng boarding house nyo. Gusto sana kitang makausap.” Wika ni Ren at napatayo sa kinauupuan niya si Monette nang marinig ang sinabi ng binata.
“Ano?! Andito ka sa boarding house. Sandali!” tarantang wika ni Monette at pinunasan ang luha’t dali-daling bumaba. Nang malapit na siya sa pinto ay naaninag na nito ang binata hindi nito malaman kung pano pakakalmahin ang puso niya. Dahan-dahan niyang nilapitan ang pinto at pinagbuksan ang binatang nag-aantay sa kanya.
“Tuloy ka.” Wika ni Monette. Agad namang pumasok si Ren at walang sabi-sabi’y naupo sa sofa. Umupo na rin si Monette sa kabilang silya.
“Ren, pasensya ka na kung nagsinungaling ako sayo ha.” Panimula ng dalaga at nakatitig lang sa kanya ni Ren.
“Bakit nga ba?” tanong ni Ren ngunit hindi inaalis ang mga mata sa dalagang nakayuko.
“Mahirap kasing iexplain. Pero di ba ikakasal ka na? Natanggap ko na nga ang imbitasyon e.” wika ni Monette pero iwas pa rin ang mga mata sa binata.
“Makikinig ako sa explanation mo. Kahit gano pa yan kahaba. At oo, ikakasal na nga ako.” Seryosong wika ni Ren. “Hindi mo ba ako pipigilan?” pagpapatuloy ni Ren. Napatingin naman ang dalaga sa kausap nang marinig ang tanong nito at napansin ni Ren ang mugtong mata ng dalaga.
“Umiyak ka ba?” tanong nito muli at umiwas muli ng tingin si Monette.
“Obvious naman. Tatanungin pa ako ng lalaking ito. Hay, this is it.” Wika ng isipan ni Monette.
“Hindi ako umiyak. Kagigising ko lang kasi napuyat ako sa tinatapos kong project. Tungkol sa tanong mo, wala akong karapatang pigalan ka. Kung yan ang napagdesisyunan nyo edi go.” Kiming sagot ni Monette at napasimangot naman si Ren.
“Iyon ba talaga ang tamang sagot dun, Monette?” tanong muli ni Ren na halata nang dismayado sa sagot ng dalaga.
“Ren, wala nga akong karapatan di ba? Magkaibigan lang tayo.” Wika ni Monette at napatingin na rin sa binata.
“E kung bigyan kita ngayon ng karapatan? Are you going to grab it and ask me not to marry your bestfriend?” seryosong wika ni Ren at napalunok naman si Monette sa sinabi ng huli.
“At bakit mo naman ako bibigyan ng karapatan, aber?” balik-tanong ni Monette at lalong nadismaya si Ren.
“Here you go again. Stop acting as if you don’t know the answer to that question. Gawd, Monette, I’m already making this easy for you. What else do you want me to do? I should be mad at you right now but here I am trying to forget how you fooled me by making up stories about you and Lenny.” Frustrated na wika ni Ren at napakunot noo naman si Monette sa sinabi nito.
“Ganito kasi yan, Ren. Ano namang maitutulong nang pageexplain ko sayo at pagsagot ko sa mga tanong mo sa hindi pagtutuloy ng kasal niyo ni Lenny? Sige nga. Ang labo kasi e.” mapuntong wika ni Monette.
“Geez, Monette. Ganyan ka ba kamanhid? Sige, I’ll say it to you upfront. All these are planned! Dahil alam ni Lenny na hindi ka aamin kung hindi namin gagawin ito. Walang kasal na magaganap, okay? We are trying to test you. Trying to see how far you can make things difficult for both of us. Pero matigas ka talaga e. I think I’m just waisting my time here. ” wala na sa mood na wika ni Ren at sabay na tumayo’t lumabas ng boarding house. Ilang minuto pa ay tumigil si Ren sa labas ng gate para antaying sundan siya ni Monette pero hindi siya nito sinundan kaya dismayadong nilisan ni Ren ang boarding house.
“Gaga ka, Monette! Ayan na ang palay, nakakumpol na sa harap mo hindi na nga ikinalat sa paligid pero anong ginawa mo?! Hinayaan mong liparin ng hangin dahil sa kagagahan mo at pagpapakademure! Siguradong galit na iyon sayo.” Inis na pakikipag-usap ni Monette sa sarili at wala nang nagawa kundi ang maiyak nalang sa pagkainis.
naman eh!....tanga ka talaga mon-mon pati aq na galit sa kanya!....naman mahal ka ni Ren anu bah!....waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ka loka ka friend affected tuloy aq sa ff mo!....nxt nah agad!..... :))
ReplyDeleteay nakakaloka!!monette, do your move now, or else..ren, dont lose hope,maliliwanagan din ang loves mo..hahaha,, affected nako, grabe!!sis, tapusin nato!!!
ReplyDelete