Chapter 36
“Magpapakamatay ka ba?!” sigaw ng driver nang sasakyang nasa harapan ngayon ni Ren. Saka lang natauhan si Ren mula sa pagkagulat at humingi nang paumanhin sa mamang driver at tinakbo si Monette na tumutulo na ang luha ngayon.
Hawak ni Ren ang magkabilang balikat ni Monette.
“Monette! I’m okay. Please stop crying.” Wika ni Ren kay Monette at biglang nahimasmasan si Monette sa nasaksihan at inalis nito ang pagkakahawak ni Ren sa mga balikat niya at akmang tatakbo uli nang pigilan siya ni Ren.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Monette.
“Hindi! Mag-usap tayo.” Wika ni Ren.
“Wala na tayong dapat pag-usap. Balikan mo na si Lenny dun.” Bulyaw ni Monette kay Ren na napangisi. “Natatawa ka pa? Ano, balak mo pa kaming tuhuging magbestfriend.” Gigil na wika ni Monette at lalong hinigpitan ni Ren ang hawak sa braso ni Monette.
“Please listen to me and stop running away! I spilled a drink on Lenny’s dress and kailangang patuyuin kaya siya nakarobe. There’s nothing. We we’re actually talking about you. Now, can we talk?” seryosong wika ni Ren at ginaya si Monette pabalik sa Hotel.
“Kailangan talaga sa hotel tayo mag-usap?” tanong ni Monette habang sumasabay sa bilis ng lakad ni Ren.
“Di ba iyon naman ang plano mo kanina? Ang kausapin ako sa hotel kaya ka andun at nakita mong nakarobe lang si Len. Ayan ka nanaman ha. Wala nang tanong.” Wika ni Ren at iniba ang hawak sa dalaga at ngayo’y hawak na nito ang kamay ni Monette. Pilit namang ikinakalas ni Monette ang kamay nito pero hinihigpitan lalo ni Ren ang pagkakahawak.
Nasalubong nila si Lenny na palabas ng hotel at ngumiti lang ito’t tumango sa dalawang papasok naman sa hotel. Narating nila ang kwarto ni Ren pero si Ren ay nakahawak pa rin sa kamay ni Monette.
“Upo ka muna. Gusto mo ba ng maiinom?” tanong ni Ren kay Monette na ngumuso naman para ituro ang kamay ni Ren na nakahawak pa rin sa kamay ng dalaga. Bigla ding inalis ni Ren ang kamay at dumiretso sa fridge para kumuha ng maiinom. Umupo naman si Monette at nakatingin lang sa labas ng hotel.
“Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin bago mo nakita si Len?” tanong ni Ren sa nakaupong si Monette at inilapag nito ang baso ng tubig sa lamesang nasa harap ni Monette saka umupo sa harap nito.
Nakatingin lang si Monette kay Ren at tinapik ang tabi ng inuupuan niyang sofa para sabihin kay Ren na tabihan siya nito. Napangiti naman si Ren sa nakita at mabilis pa sa alas kwatrong tumabi sa dalaga.
“Okay. Talk.” Halos bulong na wika ni Ren pero hindi makatingin kay Monette. Napalunok naman si Monette para pakalmahin ang sarili.
“Pumunta ako para magsorry. Sorry kasi hindi ko talaga kaya.” Wika ni Monette at nabahala naman si Ren at napatingin na sa dalaga. Napansin naman ni Monette ang lungkot sa mga mata ni Ren. “Patapusin mo ako. Sorry kasi hindi ko talaga kayang mawala ka sa akin. Kahit bilang kaibigan lang Ren masaya na ako dun.” Pagtatapos ni Monette na nakayuko’t di makatingin sa binata. Kinuha naman ni Ren ang isang kamay ni Monette na hindi naman tumanggi.
“Kaibigan lang ba ang gusto mo?” tanong ni Ren na nakatitig pa rin sa dalaga. Habang si Monette ay nakatingin naman sa mga kamay nila ni Ren na magkahawak. “Sabi kasi ng kamay mo hindi lang pagiging kaibigan ko ang gusto niya.” Ngiting wika ni Ren at napatingin na rin sa magkahawak nilang kamay.
“Monette, hindi mo man sabihin nararamdaman kong mahal mo ako.” Wika ni Ren pero bigla namang inalis ni Monette ang mga kamay niya sa pagkakahawak ni Ren na ikinabahala ng huli. Kinuha naman din uli ni Ren ang kumawalang kamay at hinigpitan na ang hawak. Napakunot noo naman si Monette sa binata at ang isang kamay ni Ren ay kumilos at pinaghiwalay ng kanyang hintuturo at hinlalaki ang kumunot na noo ni Monette. “You have a nice forehead.” Ngiting wika ni Ren at nagblush naman si Monette at iniwas ang tingin sa binata.
“I know you’re scared but I promise I will never hurt you, Monette. I love you.” Malambing na wika ni Ren samantalang si Monette na iwas pa rin ang tingin sa binata ay napangiti sa narinig. Pero hindi niya ito ipinahalat at seryosong tumingin sa binata.
“Seryoso ka ba?” taas isang kilay na tanong ni Monette sa nakangiti pa ring si Ren.
“I’m dead serious.” Simpleng sagot ni Ren. “Do you love me?” mabilis na tanong ni Ren at pinakatitigan si Monette. Halos malusaw naman ang dalaga sa mga binabatong tingin at ngiti ni Ren. Makalipas ang ilang Segundo hindi pa rin makasagot ni Monette kaya pinisil ni Ren ang hawak nitong kamay at parang bumalik sa huwisyo si Monette.
“Sobra ka ha. Ganun ganun lang ang pagtatanong?” Nangingising wika ni Monette.
“Then how do you want me to ask you that question para sagutin mo ang tanong ko?” tanong ni Ren kay Monette na biglang napangiti. “Okay, I already know the answer. Remember this date okay?” wika ni Ren at nagtaka naman si Monette.
“June 2? Bakit ko tatandaan?” pagpapacute ni Monette kay Ren na natatawa sa inaakto ng dalaga.
“Because, today, June 2, is our official date of being together. I’m your boyfriend now.” Mayabang na wika ni Ren at gusto nanaman kumawala ng kamay ni Monette pero hinigpitang muli ni Ren ito.
“Ayos ka talaga ano?” mataray na tanong ni Monette.
“Ayaw mo?” nangingising tanong ni Ren.
“Lambingan mo naman kasi iyong tanong mo. Nag-assume ka kagad di mo pa nga ako tinatanong kung gusto kitang maging boyfriend.” Wika ni Monette at natawa si Ren.
“Okay. Sorry. Ms. Monette, pwede mo ba akong maging boyfriend?” wika ni Ren at nagwink pa kay Monette na ikinatuwa ng dalaga.
“Mr. Ren… pag-iisipan ko ha?” wika ni Monette at si Ren naman ngayon ang napakunot ang noo. Nakakawala ang kamay ni Monette sa pagkakahawak ni Ren at tinalikuran ang binata. Natulala naman si Ren sa sinabi ni Monette nang biglang harap si Monette at sinabing, “Okay! Boyfriend na kita!” napahawak si Ren sa dibdib niya nang marinig ang sinagot ni Monette.
“Yes! Promise, you won’t regret this.” Wika ni Ren at napayakap sa katabing dalaga. Nagulat naman si Monette pero niyakap na rin si Ren. Ilang minuto pa ay bumitiw na sila sa pagkakayakap.
“May regalo nga pala ako sa’yo.” Wika ni Monette at may kinukuha sa bulsa ng pantalon niya habang si Ren ay sinundan kung san pumunta ang mga kamay ni Monette at nakaharap ito sa kanang pisngi ng dalaga.
“Here!” at isang halik ang iginawad ni Monette pagbaling nito kay Ren. Hindi inasahan ni Monette na sa labi niya mahahalikan ang binata kaya mabilis na mabilis lang na halik ang naigawad nito na ang plano niya ay isang matagal na smack sa pisngi ni Ren. Napangiti si Ren habang si Monette ay napatingin lang kung san dumampi ang mga labi niya. Kaya si Ren sinunggaban na rin ang mapang-anyayang labi ni Monette at inangkin ito.
_FIN_
aw mare!!!nakakakilig!!love this!!!
ReplyDeletepanalo!...........kakilig friend!...kaloka super duper like!.........
ReplyDeletemga mare! salamat sa pagbabasa at sa pagcomments. your comments mean alot! alam kong di masyadong mahusay ang pagkakasulat nito pero salamat talaga. pinataba nyo ang puso ko sa mga comments nyo.
ReplyDeletemay one-shot ako pero tinatapos ko pa. post ko agad pagtapos na para di nakakabitin. char.
i can't get enough of jaevon. salamat uli sa pagbabasa at pagtangkilik.
frnd!....walang anuman..ganda kaya ng mga FF moh!...........i cant get enuf of u!.... :))
ReplyDeleteilabas ng 1 shot moh!.....eggsayted na aq!... :))