Chapter 31
Nakauwi na rin si Lenny sa Maynila at halos ilang araw na silang hindi nagpapang-abot ni Monette sa boarding house. Kung hindi siya tulog ay si Monette naman ang tulog. Kaya nag-iwan siya ng note sa desk ng dalaga.
Mon! Mag-usap tayo mamaya ha? Kung makita mong tulog ako, gisingin mo ako. May ikukwento lang ako sa’yo. IMPORTANTE. – Lenny
Hawak ni Monette ang iniwang note ni Lenny at nabahala ito sa nabasa. Kaya tinext nito agad ang kaibigan.
“Para kang sira. Pwedeng magtext. Sige, usap tayo mamaya. Pag ito hindi ganun ka importante. J”
Dali na ring tinungo ni Monette ang eskwela at ilang linggo nalang ay matatapos na siya. Kailangan na lang niyang tapusin ang prototype nang kanyang design na ilang araw na niyang tinatrabaho. Matapos sa school ay diretso na siya sa fastfood at huling araw na niya doon.
Pag pasok ni Monette sa fastfood ay laking gulat niyang makita ang mokong na nakaupo sa lamesa malapit sa pinto. Ngumiti si Monette at bumati dito saglit at sumenyas na babalik siya.
“Bakit ikaw lang?” tanong ni Monette patapos nitong magtime-in kay Anton.
“Susunod si Kian. Gusto daw niyang magpaalam sayo e. Nagfifeeling close nanaman iyon.” Natatawang wika ni Anton.
“Sira ka talaga. Si Ren ba hindi pa bumabalik sa inyo?” tanong ni Monette pero hindi makatingin nang diresto sa kausap na binata na napangisi naman sa nahihiyang tanong nito.
“Hindi pa. Kakaiba ka talaga. Di bale kung walang alam si Ren, your secret is safe with me.” Wika ni Anton sabay kindat pa sa dalaga. Ang kindat na iyon ang naabutan ni Candice at walang anu-ano’y sinugod nito si Monette at hinatak ang buhok ng dalaga. Nagulat si Anton sa ginawa ng kadarating lang na nobya at inaawat na nito si Candice. Nakatingin na ang lahat sa kanila at lumabas na rin ang manager ni Monette. Si Monette naman ay parang nawalan ng boses at ni hindi makasigaw sa ginawa ng babaeng nakahawak pa rin sa buhok niya.
“Anong kaguluhan ito?” sigaw ng manager ni Monette.
“Hon, bitawan mo siya.” Sigaw na rin ni Anton.
“Malanding babaeng ito! Kaya pala ang hilig mong kumain dito! Sino ka bang babae ka ha?” bulyaw ni Candice kay Monette. Si Monette nama’y nagpantig ang tenga sa sinabi ng babae kaya nagkalakas na ng loob at ubod lakas na kumawala sa kamay ni Candice at sinampal ito.
“Para yan sa pamamahiya mo sa akin! Bago ka sana gumawa ng eskandalo e siguraduhin mong nasa tamang lugar ka! Wala akong gusto dyan sa boyfriend mo. Anton! Umalis na kayo baka magdilim ang paningin ko sa babae mo.” Bulayaw ni Monette sa nagwawalang babae na ngayo’y hawak na ni Anton.
Agad din namang nagsorry si Anton at kinaladkad palabas ang walang tigil sa pagpalag na si Candice.
“Okay ka lang, Monette? Nakakaloka ang babaeng iyon. Sino ba kasi iyong lalake? Akala ko nga din nobyo mo e.” tanong ng manager niya.
“Okay lang po ako. Kaibigan po ni Ren iyong lalaki. Kasama niya po sa apartment. Nakikibalita lang po kay Ren kaya laging nandito.” Nakayukong sagot ni Monette.
“Ganun ba? Mistaken identity ka pa ngayon. Nakakahiya iyong ginawa nun pero buti last day mo na. Sige, magpakalma ka na muna sa locker room. Sabihan mo ko kung di mo na kayang magtrabaho pwede ka na ring umuwi.” Mungkahe ng manager nito at sumunod naman si Monette at tinungo ang locker room.
“Monette!” sigaw ni Kian at napalingon naman si Monette dito at nanlilisik ang mga mata.
“Kung may babae ka ring susugod dito pwede ba lumayas ka na!” biglang lapit ni Monette kay Kian at galit na binulungan ito na ipinagtaka naman ni Kian.
“Anong nangyayari sa’yo? Magbababye lang naman ako sa’yo. Tsaka sasabihin ko sanang umuwi na si Ren kaya ako nagmamadali dito. Asan na si Anton?” sagot ni Kian sa galit pa ring si Monette.
“Ayon, inuwi ang walang modo niyang girlfriend. Pati pwede ba, since last day ko na ito wag na kayong magpakita sa akin? Ginugulo niyo buhay ko e.” sabay talikod ni Monette at nagmadaling pumasok sa locker room.
Takang takang naiwan si Kian at nilapitan nito ang isang crew at nagpakwento. Inis na nilisan ni Kian ang fastfood at nag-iwan ng sorry para kay Monette sa kausap na crew.
bad trip tuloy c mon-mon ka loka naman ung gf ni anton!........gusto q ang chap nato may sabonutan factor!...hahahahahahaha :))
ReplyDelete