Thursday, July 14, 2011

Falling in love at the coffe shop



Palagi ko nalang nakikita ang lalaking ito dito. Siguro pakiramdaman niya’y opisina niya ito. Hindi kaya nagpapalpitate ito sa dami ng kapeng naiinom sa isang maghapon, kasi ako tuwing makikita ko siya nagpapalpitate ang puso ko sa kagwapuhan niya.

“Hoy, Denise! Lumulutang nanaman ang utak mo.” Pitik ni Tanya dito, “Haba na ng pila. Try mo kayang kunin ang order ni Ma’am.” Inis na pahabol nito kay Denise na natauhan.

Istorbo naman ang babaeng ito. Di pa nga natutunaw si kuyang mestizo sa mga titig ko e. Makapagtrabaho na nga. Mamaya ka nalang uli, Mr. Mysterious.

I feel like someone’s staring at me. But when I looked around everyone else seems to be so busy and preoccupied. Maybe it’s just me, I might be overly sensitive. Could it be this fifth cup of coffee? Never mind, I need to finish this proposal for our next client meeting or I’m dead.

“Sir, pwede ko na ho bang kunin ang platito para maaliwas naman po dyan sa lamesa nyo.” Tanong ko sa binatang may nagkukumislap na brown eyes. Kaso mukang isnabero’t tinuro lang ng palad niya ang platito. Sige lang isnobin mo ang beauty ko, magiging akin ka rin.

Nice skin tone, I wish every Filipina will stop trying to get their skin whitened. Wait, I know this isn’t the first time seeing her but… focus, Josh! You should win this client’s approval so you’ll be chosen to make their ads and get your long overdue promotion.

“Denise, wag mong kalimutang icheck lahat bago ka magsara. Pati iyong si Sir Josh dun, sabihan mong magclosing na tayo in 30 minutes. Kailangan ko nang magmadali, Bye!” at tuluyan nang lumabas si Tanya. Samantalang ako bitbit ko nanaman ang pamunas ng lamesa. Pano ko kaya pupormahan tong, ano daw ang pangalan? Josh! Yun! Pano ko sasabihing closing na? Bahala na!

“Excuse me, Sir. May oorderin pa po ba kayo. Maglalast call lang po ako. Magclosing na rin po kasi kami in 30 minutes.” Wika ko sa kanya at syempre tinapunan ko siya ng uber sweet smile ko.

Wow! Nice white teeth. Shit, this girl has a very nice nose too. If only she’s not working here and yes, if only I’m in a bar right now, I would definitely hit on this girl. Oh shnap, she’s blushing! Stop staring Josh, go look at your laptop instead!

“Oh, yah! Can I please ask for a glass of water? I’m almost done here. Let me know if you’re leaving, sasabay nalang ako sa’yo.” I told her without staring but I couldn’t help but smile.

“Sir? Sasabay po kayo? Saan po ba kayo nakatira baka out of way e?” sobra akong nawindang sa sinabi niya. Sasabay, ano ito? May kabilisan tong mokong na ito ha. Kala mo tatanggihan kita.

“What? I mean, sabihan mo ako kung lalabas ka na at isasara mo na ang coffe shop para dun ako sasabay sa pagsasara mo. Okay lang ba? Or you still need to know my address.” Oh my! She might have misinterpreted what I just said. This girl is funny.

Putik! Napahiya ako dun ah. Pano ako babawi nito. Ngitian ko muna.

“Sir, Kailangan ko po kasing linisin pa ang buong coffee shop bago ako umalis. Nakakahiya naman po sa inyong nagmamop ako sa paligid ninyo habang andyan kayo.” Mahinahon kong sinabi sa kanya. Pero nakatitig pa rin sa akin ang mokong. Di kaya nabighani na ito sa akin? Awwww! Lakas ng fighting spirit ko dun ah.

“I think, I’m okay with that. Kailangan ko lang kasing tapusin itong ginagawa ko. I also need 30 minutes. If I stop now, baka mawala ang creative juice ng utak ko. Baka magka-gap. I’ll be very grateful if you’ll let me stay here until you close up.” I told her with my boyish smile, I know this smile will never get me rejected. Wait, she doesn’t look happy with what I just said.


“Please, Ms. Denise Sandagon.” I read her name aloud from her nameplate. That always gets them, when you tell them their names as if you care who they are.

Ibang klase din itong lalaking ito. Akala ko pa naman okay. Ang hirap pa lang kausap. Puwes! Gusto mo palang nandito kahit naglilinis ako ha. Pahihirapan kita.

“Okay, Sir. The customer is always right.” Nagpipigil na ako ng inis ng sabihin ko iyan at tinalikuran ko siya.

“Umm, Denise. Water, okay?” I knew she wouldn’t be able to resist my charm. They just can’t.

Gustong gusto ko na talagang kumuha lang ng tubig sa gripo para ipainom sa kanya kaso baka magkasakit, makasuhan pa ako. Pano na ako maglilinis neto? Humanda ka talagang lalaki ka.

“Sir, here’s your water. Maglilinis lang po ako ha?” inilapag ko ang baso ng tubig sa tabi niya pero deadma lang siya at patuloy sa pagtype sa laptop niya. Simulan ko na muna siguro sa counter. Babalikan kita mamaya.

Good. She didn’t start cleaning here. She’s considerate. Maybe I should treat her later to dinner since she allowed me to finish my work here. Okay, you’re losing track again, Josh. Focus! I’m in the middle of my proposal when I felt something underneath my feet. That startled me.

“Whoa! What was that?!” I was about to look down but saw in my peripheral vision this girl pulling a mop. “Really? You didn’t even excuse yourself?” I glared at her. I know it was inappropriate of me to do that. Crap! One of her eyebrows rose up to her… nice forehead… Shit, Josh! Stop!

“Sinabi ko naman po kasi sa inyong kailangan ko pong maglinis. Kung ayaw nyo pong maistorbo…”

“I get it. I’ll just move kung san ka natapos maglinis.” And I’m now trying to pick up my things.

“At ano, dudumihan nyo? Dyan na lang ho kayo. Pero pakitaas nalang po iyong gamit nyo para mapunasan ko na ang lamesa.” Matapang na wika ko sa kanya. Kala niya siguro. May pagka-dense itong taong ito. Parang di nakakagets.

Why do I feel like she’s doing this on purpose? What the hell! Just let her clean your table. Wow, her hair smells great and her neck. Snap out of it Josh, let her finish wiping your table so you can move on with your proposal. You’re almost done.

Hirap namang linisan ito kung andyan ka’t nakatingin sa bawat kilos ko. Nakakaconscious naman. Bibilisan ko na nga lang ang pagpupunas dito.

“Sir, you only have 15 minutes. Okay?” mabilis na sabi ko sa kanya pero hindi ko maintindihan ang sarili ko biglang hindi ko siya matignan ng matagal. Pakiramdam ko’y nanghihina ang mga tuhod ko sa tuwing masilayan ko ang kanyang deep-set-brown-eyes at ang kanyang labi. Magtigil ka Denise! At nilayasan ko na siya kahit hindi pa siya sumasagot.

Oh, so she’s now affected by my presence. Girls… you are all the same. And so I typed away. I’m done now but she’s nowhere to be found. I don’t want to be rude and just leave. Whoa! Is that her?

Ay, kaloka lang si kuya. Namangha na ng tuluyan. Buti nalang may gig ako ngayon at kailangan kong mag-ayos. Ano ka ngayon? Kanina kung deadmahin mo ako ha.

Oh my gawd, she’s so sexy in her tank top and skirt. Is this the same girl who was cleaning here awhile ago? Come on, Josh. It’s not as if she’s the first girl you ever saw wearing such clothes. You’ve seen less cloth than that.  I looked away and picked up my things.

“Ayan, Sir ha, binigyan ko pa po kayo ng additional 15 minutes. Labas na po kayo at ilalock ko pa po ang pinto.” Wika ko sa kanya at syempre nilambingan ko ng konti para talagang mawindang siya. Mga lalaki talaga basta nakapaldang babae halos maglaway. Tsk! Tsk! Tsk!

“Thanks! You look nice. You have a party to go to?” I blurted out. Josh! You’re so lame to ask.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. “Thank you, Sir. No, sa pangalawang trabaho ko po. May gig ako ngayong gabi e.” tapang kong sagot sa kanya habang bitbit na niya ang mga gamit niya’t nakatitig pa rin sa akin.

Wow! She’s been in this coffee shop since ten in the morning and she still has another work to go to and it’s already nine in the evening.

“Do you even sleep?”

“Opo naman. Ano pong akala ninyo sa akin, bampira? ” soplang ka Mr. Josh. “Sir, I really need to close the shop.” At syempre ginawaran ko uli ng ngiti ko pero teka ano ito? Bakit ganyan ka makangiti’t makatingin sa akin? Siyaks! Binawi ko agad ang tingin ko sa kanya at may narinig akong munting tawa. Loko talaga itong lalaking ito.

“Okay. Bye. Thanks Again.”

 ***

Nacheck ko na ang bawat sulok ng coffee shop. Pwede na akong umalis. Buti nalang pang second set ako kundi late nanaman ako neto. Nailock ko na rin ang main door ng shop. Pababa na ako ng hagdan nang magulat ako’t nakita ko siyang nakasandal sa hood ng kotseng blue. Marahil kanya iyon. Pero teka! Ano pang ginagawa niya dito? Napakunot ang noo ko.

Now what, Josh? I am now scratching the back of my head out of shyness. This is not you, Josh! Speak up!

“I was thinking if you have a ride to your gig. Since you’ve been kind to me by letting me finish my work while you clean, I could give you a ride there but that’s if you want.” I shyly said and stood up straight. Gosh, those smile again.

“Ayos ah. Hindi kita tatanggihan dyan. Tara!” at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Bigla siyang napangiti sa akin, bakit kaya?

“You look like a kid, skipping on each step. That’s cute.” Really? Just go to the driver’s seat and act coolly. I wonder what’s in that smile that I couldn’t help but say what I’m thinking. Tsk!

Di ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya. Kaya binuksan ko nalang ang pinto ng passenger’s seat. Di siya gentleman, di niya ako pinagbuksan ng pinto. Hahaha! Ang adik ko talaga, ako na nga itong ihahatid ng libre gawin ko pa siyang alilang pagbubuksan ako ng pinto. Mabango ang loob ng kotse niya. Parang bago pa ang kotse. Pogi points ka dyan, Mr. Josh.

“Uy, thank you ha! Sa Saguijo tayo sa Makati. Alam mo iyon?” tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang palda ko.

“Seatbelt please. Yes, I know where it is. Wait, you’re a rocker?” I’m so amazed by her now. It doesn’t show in her personality that she can be in a band. As soon as I heard a click from her seatbelt, I backed out my car.

Halatang namangha ka kuya. Kung sabihin ko kayang waitress ako doon? Mamangha pa kaya siya. Biruin ko nga, “Yes, rocker ako pero waitress ako dun. Iyon ang gig ko. Pero I like rock music. Ikaw din ba?” sagot ko sa kanya. Teka, ano ito, fineflex niya ba ang payat niyang brasong puno ng muscles habang hawak ang manibela. Si kuya talaga, pumaparaan. Sarap pisilin. Behave, Denise!

“Ahhh! I thought you have a band when you said gig. Yes, I do appreciate rock but I don’t really love it. I’m more into acoustics.” I was actually laughing inside of me. To think I was almost interested in her. At least now I know, she’s really not my type.

Acoustic pala. Siguro mahusay mag-gitara itong mokong na ito. Ang gwapo niya sigurong panoorin na naggigitara?

Narating na namin ang Saguijo. Madami din kaming napag-usapan sa biyahe, tungkol sa trabaho niya na mukang nahihirapan siya pero masaya naman daw siya. Ako naman wala masyadong mashare kasi bukod sa hindi ko naman nagagamit ang natapos kong Business Management dahil napilitan lang akong kunin iyon e hindi ko pwedeng sabihin na musika talaga ang hilig ko dahil mahuhuli niya ako pihado. Makulit siya kahit na dinudugo na ako sa kaka-ingles niya.

She’s fun to be with. I didn’t even realize that we’re already here. I could get used to this. What Josh? Will you please stop feeding that into your head? Seriously, I’ve been with different girls but she’s something, I do think she has substance even if she’s just a waitress. She didn’t wait for me to open her door and she jumped out of the car. I guess she’s a bit nervous now.

“Sir, thank you po sa paghatid. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi.” Masayang sabi ko sa kanya pagkasara ko ng pinto. Hindi ko na siya inantay na sumagot nang ibaba niya ang bintana ng kotse niya at sigawan ako.

“Denise, where can I park my car? I think I need a drink.” I shouted at her back. I don’t know what has gotten into me but I felt like I still need to see more of her tonight.

Hala! Seryoso ba ang mokong na ito? Bahala na, gugulatin kita ngayon.

“Just park your car near that curb.”pocha! Napaenglish ako dun ah. “Sige sir, mauna na po ako. Kita nalang po tayo sa loob.” At mabilis akong umalis.

There are a lot of people today here. I sat in one of the tables at the back facing the stage. They are already setting up but I don’t see Denise anywhere. I called one waiter to order.

“I’ll have one rum and coke.” I told the waiter who approached me, “Would you know where Denise is?” I asked him and he smirked at me which is kind of weird.

“Sir, lalabas na po maya-maya.” Then he left.

The lights on the stage went out and I still couldn’t find Denise. She’s probably busy. The music started blasting from the speakers. I actually liked the intro and then I heard the most amazing voice. Suddenly this girl with the microphone stood infront of a stage light. Could it be? I knew she was teasing me when she said she’s a waitress here. I’m smiling while she’s there on the stage, rocking it out. My heart jumped when I saw her look my way. I smiled back and she jumped up and down banging her head as she sang the chorus of her song. She’s really in her zone right now. Gawd, she’s beautiful. After her fourth song, I checked my watch and it’s already late, so I asked for my check. I don’t think I need to wait for her to finish her gig. Hell, I’m not her boyfriend to do that. As soon as I paid my drinks, I stood up and went home.

Nakita ko siyang tumayo. Siguro hindi niya nagustuhan ang tugtog namin. Sabagay, hindi naman daw talaga niya trip ang rock songs. Fine, ganun talaga.

Kinabukasan, dating gawi ako’t pumasok sa coffee shop. Ito nanaman si Tanya, para nanamang magmemenopause. Himala’t wala si Mr. Mysterious ngayon. Parang kulang tuloy ang araw ko. Umasa ako hanggang closing na kahit iyong asul na kotse man lang sana niya ay masilayan ko pero wala talaga atang pag-asa.

Lumipas pa ang mga araw na naging linggo at ngayo’y halos isang buwan nang hindi ginagawang opisina ni Josh ang coffee shop namin. Tapos ang maliligayang araw ko. Pero tuloy ang buhay, maghahanap nalang uli ako ng pagpapantasyahan. Hahaha!

Nasa Saguijo ako at naghahanda na sa set namin nang hatakin ako ng isa sa mga waiter at may umorder daw sa akin. Nabastusan ako sa sinabi niya’t halos matampal ko nang tinuro sa akin kung sino ang umoorder sa akin. Inis na inis akong nilapitan ang walanghiyang nakatalikod.

“Anong akala mo sa akin? Pulutan, para orderin?” binulyawan ko ang nakatalikod na lalaki. Bigla niya akong hinarap at ubod tamis ng ngiting binati ako. Pambihira si Josh pala! Tinaasan ko nang kilay at tatalikuran na nang isang mainit na palad ang dumampi sa braso ko at saka niya ako pinaharap.

“I’m sorry if I offended you. I just wanted to get your attention because I know you’re busy preparing for your set.” I told her while offering my sweetest smile. I’ve been busy with my work, I got the account that I was busy making the proposal with when I met this girl that has not left my mind since then. I’m still holding her arm and when she turned around and she glared at my hand and then at my face. I was a bit scared but composed myself, “I just want my presence to be known. I promise I’ll stay until your last song.” I told her and winked at her. She then shrugged her arm lose from my grip. She looks really mad and I’m really affected by it but I let her be and just let her do whatever. I’ll just sit here and wait for her set to finish.

Kainis iyon. Pinainit ang ulo ko. Akala siguro niya sasambahin ko siya pagkakita ko sa kanya. Manigas siya. Matapos mong hindi magparamdam sa akin akala mo ganun-ganun lang iyon. Teka, Denise! Jowa lang? Ano ba talaga ang ikinagagalit ko? Iyong pagoorder niya sa akin o iyong hindi niya pagpaparamdam ng isang buwan? Naku, umayos ka at baka hindi ka maka-awit ng maayos sa inaakto mo. Hindi pa nakatulong ang panunukso ng mga hinayupak kong kabanda. Ngayon lang daw may umorder sa akin, ibig daw sabihin mabenta na daw ako. Talaga nga naman!

Nagsimula na ang set namin. Hindi ko siya inintindi na nakaupo nanaman sa dulong lamesa tulad ng dati. Pakiramdam ko tuloy kahit sinabi niyang tatapusin niya ang set ko e maya maya lang ay aalis nanaman siya nang wala man lang paalam. Affected na ako masyado pero kailangan kong magfocus. Natapos ang unang set namin, nagpakademure akong hindi siya hinanap pero andun pa rin siya sa lamesa niya.

Nang last set na namin, pag-tungtong ko sa stage lumibot ang mga mata ko para hanapin siya pero wala nanaman siya. Nadismaya nanaman ako pero the show must go on. Isang head bang pa at natapos na namin ang set namin. Nagpakuha ako ng isang bote ng redhorse kay manong at inistraight ko iyong inumin. Sanay na sa akin ang mga kabanda ko, alam na nila pag-iniistraight ko ang bote ng redhorse e feeling emo ako. Basag na ako nang makapag-ayos ako at lumabas na ng Saguijo. Halos maningkit ang mga mata ko nang makita ko ang asul na kotse at ang lalaking nakasandal dito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay na sabay kaming napangiti sa isa’t isa. Takte! Hindi ko ata nahabol ang panty ko kung san tumakbo. Pero kahit nanlalambot ang tuhod ko at medyo hilo ako ay naglakad ako palapit sa kanya.

She might have thought I left already. She looked so surprised when she saw me. She really put a spell on me that first night. She’s walking towards me and she’s now inches away. She’s smiling like a kid, I like this. Then suddenly, she fell into my arms and pointed a finger at my nose and smiled.

“Namiss mo ako ano?” buong tapang kong sinabi para mapagtakpan ang pagkakabuwal ko dala nang kalasingan. Oo, kahit lasing ako alam ko pa ang ginagawa ko. Napatawa siya nang sabihin ko iyon pero hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Kaya umayos na ako ng tayo at hinarap ko siya at halatang hindi niya iyon inaasahan dahil napasandal siya sa hood ng kotse niya. “Hindi ka makasagot. Totoo, ano?” Bigla niya akong hinalikan pagkatanong ko. Sa gulat ko, natampal ko siya. Naihawak niya ang isang kamay niya sa natampal kong pisngi at pinakatitigan ako.

Did she just slap me? I was in shock but I know why she did that. I should be sorry but I’m not. I just wanted to kiss her badly. So, I tried to kiss her again. This time I deepened my kisses and she responded. Gotcha! I opened the passenger’s seat for her and while we’re kissing I sat her down. I was going to release her lips but she won’t allow me until I gently pushed her and put on her seatbelt. I quickly ran and sat at the driver’s seat and started the car.

It’s now 8 years since that very fortunate reunion happened, I am thankful I was able to meet such a wonderful girl. She’s now married to the most famous owner of an advertising agency and has two adorable kids. She still amazes me every single day and I never stopped loving her since then.

Napapangiti nanaman si mokong. Siguro babae nanaman ang iniisip niyan. Sarap lang kotongan pero alam kong mahal ako niyan. Kahit kailan hindi niya pinaramdam sa aking magkaiba ang mundo namin at lagi niyang pinaparamdam sa akin na importante akong tao sa kanya. Aba, dapat lang ako ata ang ina ng dalawang napakagandang lahing mga bata. Sabi sa inyo e, magiging akin din siya. J

6 comments:

  1. ayieeeee ang cute ng story at nakakatawa

    ReplyDelete
  2. mare!!!winner!!!ang smile at kilig ko,hindi mapuknat!!more!!more!!!haha

    ReplyDelete
  3. waaah!!! ang ganda!!! tapos na po ba to?! sana hindi pa coz i want more!! more! more! heheh...sana po dugtungan nyo po pls.......hhehe :)

    ReplyDelete
  4. mareng jak! thanks! i love your hindi mapuknat, napangiti ako ng bongga dun.

    Hi Marj! salamat sa pagbabasa. one-shot lang ito. try ko nalang uli gumawa ng full-blown story. may suggestion ka ba? nauubusan na kasi ako ng storyline. :)

    ReplyDelete
  5. ur welcome po..basta jaevon FF babasahin ko talaga :) ok po..sana makagawa po kau as soon as possible...hehehe..demanding much eh noh...hahah... hmmm... ano bang magandang suggestion?kau na lang po ang bahala..naniniwala po ako na makakapagproduce pa kau ng magandang story... :)

    ReplyDelete